Kabanata 10

2216 Words
EPISODE 10: Team Darrex vs. Team Ayeng MATAGUMPAY namin na naibato ang bola sa kalaban, naging maagap naman ang Team Darrex, naging maganda ang formation nila kung paano bantayan ang bola at depensahan ito, maingat din sila sa paghawak ng bola upang 'di sumayad ito sa tubig. Feeling ko tuloy napaka-unfair ng laban, kita naman sa mga katawan nila. Kung pwede lang sana sumurrender ay ginawa ko na. Mga slim pero masculine ang katawan ng apat, kaya masasabi mong malaki ang tyansa nila manalo, kaysa naman sa grupo ko na may babae pa at ako 'yon. Parang pabigat pa nga ko, mabuti na nga lang ay matangkad ako, kaya kahit papaano ay nakakasabay ako sa kanila o sa mga kagrupo ko. Ilang saglit lang ay bumalik ulit sa amin ang bola. Napatingin ako kay Juno na umaalay sa bola na hindi ito sumayad sa pool, napangiwi ako dahil mahirap pala balansehin ang ganitong kalaking bola at bukod pa doon ay parang bumibigat na siya. Nakaalalay mula sa likod si Ethan at Arthur. Sandali kong sinulyapan ang kabilang grupo at naghahanda na sila sa pagbato namin ng bola pabalik sa kanila. "We're gonna throw up the ball, back to them," sambit ni Ethan na bumubwelo para maihagis ang bola sa kabila, umusad naman kami ni Juno palapit sa net para tumulong. "One, two, three," sabay-sabay naming bilang hanggang sa makarating na ang bola sa kabilang grupo. Natuwa ako kung paano lumipad ang bola papunta sa kabilang grupo pero agad din na napawi iyon nang masalo ito ng mga nasa unahan na si Jazerou at Tyron, ibinato nila ang bola paitaas at doon ay nakita ko ang sabay na pagtalon ni Ash at Darrex. Gamit ang kanilang mga malalaking palad ay sabay nilang hinampas ang bola at mabilis na lumipad ito pabalik sa amin. Natulala na lang ako habang papunta sa akin ang malaking bola. Sa sobrang laki nito ay nawalan ako ng balanse at napailalim sa pool, inalalayan naman ako ng mga kasama ko para umahon, nakainom tuloy ako ng maraming tubig. Paghawi ko sa aking buhok na nakaharang sa mukha ko ay nakita ko na lang na nagkakasiyahan na ang Team Darrex. "One-Zero," mayabang na hiyaw ni Tyron. Nanlaki na lang ang butas ng ilong ko dahil akala mo tapos na kaagad ang laban kung makapag-celebrate sila. Napataas na lang ang kilay ko dahil sabay pa nga na magthumbs-down si Jazerou at Tyron na may kasama pang-bebelat sa akin. "Are you okay?" pangangamusta ni Ethan. "Isang puntos pa lang naman makakabawi pa tayo, Ayeng. Nagsisimula pa lang ang laro," positibong saad ni Arthur para palakasin ang loob namin. Bumalik na ang dalawang grupo sa kanya-kanya puwesto, kami ulit ang magse-serve ng bola. Pagtapon namin ng bola sa kalaban ay agad naman nila itong nadepensahan, maayos naman ang pagkaka-serve namin pero bigo parin kami na makakuha ng kahinaan sa Team Darrex. "Nooooo!" malakas na hiyaw ko habang hinahabol ang bola na hindi sumayad sa tubig, nadistract kasi ako kaya hindi ko agad natulungan si Juno na alalayan siya sa pagsalo niya ng bola. Mabuti na lang ay maagap na naisalba ni Ethan at Arthur ang bola bago pa ito sumayad sa tubig, nang wala ang tulong ko ay naibato nila ang bola pabalik sa kalaban. Napakagat na lang ako sa aking mga kuko sa daliri, bigla kasi akong napressure sa mga nangyayari, hindi ko alam kung paano ako makakatulong. Sa kasamaang palad ay muling nadepensahan ng kabilang koponan ang paghagis namin ng bola kaya balik formation agad kami, sama-samang kaming nagtulong para iangat ang bola upang hindi makapuntos ang kalaban, naging matagumpay naman kami na maibalik ang bola ulit sa kabila. "Yes!" sigaw ko matapos naming maibato ang bola. Sobra ang panghihinayang ko nang makita na muntikan nang sumayad ang bola sa tubig, nagawa pa kasi na maagapan iyon ni Tyron at Jazerou, hindi talaga magiging madali ang laban lalo na't walang gustong magpatalo sa bawat grupo. Naging mahigpit ang laban ngunit kahit na may teamwork ang aming team ay 'di parin 'yon naging sapat, nauungusan parin kami ng kabilang grupo na may tatlo ng puntos at habang kami ay wala pa ni isa. "Handa ka na bang halikan si Darrex, butiki? Hindi ka na lugi niyon, alam ko naman na type mo rin ang kaibigan namin." Lumapit pa ito sa net para sabihin iyon sa pagmumukha ko. "Baka ikaw type mo? Kung gusto mo ikaw na lang ang humalik sa sangganong kaibigan mo," nakarolyo kong mata na pagkakasabi. Ngumisi ito at bahagyang ini-stretch ang kaliwang braso. "Basta ako manonod lang kung paano kayo..." Inilarawan nito gamit ang mga kamay niya kung paano ang mangyayaring halikan namin ni Darrex kung sakaling matalo kami. Namula na lang ang pisngi ko dahil mukhang malapit nang mangyari ang bagay na 'yon. Sa laki ng lamang ng puntos nila ay posible talagang nasa kanila mapupunta ang tagumpay. Bumalik na ang bawat grupo sa kani-kanilang formation, kami ulit ang magse-serve ng bola. Habang inihahanda namin na iangat ang bola ay lumapit sa akin si Ethan at may binulong. Siguro, sisimulan na niyang ilabas ang naisip niyang plano, bahagyang kinabahan pa ako kasi 'di ko alam kung gagana ba iyon laban sa Team Darrex. "Humingi ka ng time-out tapos pag-usapan natin ang plano sa taas ng pool," bulong niyang sabi. Nagbigay ako ng senyales gamit ang mga kamay ko na nagre-request kami ng timeout para sa game, umahon na kami sa pool at pumunta sa isang lugar kung saan 'di kami maririnig ng kabilang koponan. "Katulad ng sinabi kong plano ay ikaw gagawin naming bait para kay Jaz, tiyak akong madi-distract 'yon kapag nakita ka niya na ganoon ang suot at ayos mo," saad ni Ethan, napatingin naman ako sa kanya na may malaking katanungan. "Sigurado ka ba talaga sa plano mo?" Tumango-tango ito at tiyak naman siya sa plano niya. "Basta't magiging effective at magiging daan para sa pagkatalo ng Team Darrex ay payag na ko," wala naman na akong magagawa kundi umayon sa nabuong plano. Napatingin si Ethan sa suot kong jogging pants, hindi ko malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin niya. "Ayeng, may suot ka ba na mas maiksi pa diyan sa suot mo? Kailangan mong magpakita ng balat, hindi ko naman sinasabi na kailangan mong maghubad, iyong maiksi sana at magiging sexy sa mata ni Jaz," Napakamot pa siya ng ulo habang nagpapaliwanag. Hinubad ko ang suot kong jogging pants at tanging maikling short na lang ang naiwan, kung ito ang magiging susi sa aming tagumpay ay handa ako, kaunting pagpapakita lang naman ng balat, hindi naman ako maghuhubad. Namula ako ng bigla hinawakan ni Ethan ang bewang ko, hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa kanya, namalayan ko na lang na tinali na niya ang maluwag kong damit para magmukha itong crop-top. Napa-thumbs-up si Arthur sa naging pinal kong looks, handa na kami para sa pagpapatuloy ng game. "You look sexy, Ayeng, very exotic," saad ni Arthur, napalaki na lang butas ng ilong ko, exotic? Ano ako endanger species? "You are now, Ayeng 2.0," sabi naman ni Ethan. Bago kami bumalik sa pool ay binigyan ako ng entrada ng aking mga ka-teammates. At, doon ay nakita ko ang reaksyon ng kabilang grupo lalo na si Jazerou na nalaglag ang mga panga, natuwa ako dahil gumagana ang plano ni Ethan. Sabay na bumaba tatlo kong kasama sa pool habang ako ay naging madrama ang paglublob sa tubig. Pag-angat ko ng aking ulo na sinadya ko talaga ay sabay hawi ng buhok ko, kailangan mala-Ariel ng 'The Little Mermaid' ang entrada ko. "Hoy, butiki, para kang piranha sa dagat!" umusok na lang ang ilong ko sa aking narinig, kahit kailan talaga ang bansot na ito panira ng araw. Naghanda na kami sa muling pag-serve ng bola sa kalaban, grabe lang ang kaba sa dibdib ko, bahagyang nanginginig nga ang mga palad ko, si Jazerou lang naman ang distracted sa kanila pero ang tatlo niyang kasama ay nakahanda parin. Matagumpay namin na naibato ang bola sa kalaban, madali naman nila itong nadepensahan kaya agad naibalik ang bola sa amin. Ngunit, nag-aalab na ang aming mga damdamin kaya hindi na namin muling paiiskorin ang kalaban, naging maganda ang pagtilapon ng bola sa kabilang grupo at sa unang pagkakataon ay nakapuntos kami. Malakas na hiyawan ang agad na ibinigay namin pagkatapos naming makaiskor, mahigpit kaming nagyakapan na akala mo tapos na ang laban samantalang isang puntos palang naman ang nakukuha namin. Nagpatuloy ang laro at naging sunod-sunod ang swerte namin, nadagdagan pa ulit kami ng dalawang puntos kaya parehas ng may tatlong puntos ang bawat team. Mas naging serysoso ang laban dahil doon, sila pa ang magse-serve ng bola, nakita ko ngang nakasimangot na si Darrex, halata mong napipikon na. "Ano ka ngayon, bansot? Kapag nanalo talaga kami, tatawanan kita ng malakas," binelatan ko rin siya gaya ng madalas niyang gawin. Naging maganda ang pagkakaserve ng bola ng kalaban, nahirapan nga kaming madepensahan iyon dahil bahagyang lumipad pa ang bola paitaas ng makarating sa amin. Mabuti na lang ay kahit papaano ay maganda ang teamwork namin, nagulat kami ng maging agresibo ang kalaban, sinasabuyan nila kami ng tubig habang hinahanda ang pagtapon ng bola sa kanila. "Ayeng, focus!" Sigaw ni Ethan, hindi na kasi ako masyadong makakita ng maayos dahil humaharang ang buhok ko sa aking mata tapos sinasabayan pa nila ng pagsaboy ng tubig nila Jazerou na tumatalansik sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim, inisip ko na lang na isa silang mga Hathor na kampon ni Hagorn. Kunware, ako ang tagapangalaga ng brilyante ng hangin at ang tatlo ko pang kasama na sila Ethan, Juno at Arthur ay isa rin mga sang're. Gamit ang pinagsama-sama naming brilyante ay makakaya namin na talunin ang mga Hathor at malupig si Hagorn. Ginawa na namin ang lahat ng makakaya para manalo laban sa Team Darrex ngunit nabigo parin kaming magawa iyon. Nagawa pa ng mga kateammates ko na ibalik ang bola sa kalaban pero sadyang malakas ang depensa ng kabilang koponan, sa huli ay sumayad parin ang bola sa tubig at nakuha ng Team Darrex ang huling puntos. "Kagaya ng napagkasunduan, kailangan mo kong halikan, panget," paalala ni Darrex bago umahon sa pool, bumagsak naman ang balikat ko dahil sa panghihinayang na matalo sila. "Paano kung ayaw ko?" hirit ko pa. "Eh, 'di s*******n kitang hahalikan," sagot naman nito. Gusto ko na lang umiyak dahil sa sitwasyon ko, hindi ko alam kung paano ko ba tatakasan itong g**o na napasukan ko. Inaamin ko may itsura naman si Darrex pero 'di parin na sapat na dahilan iyon para kunin niya ang first kiss ko. "Sorry, Ayeng, wala na akong magagawa diyan, napagkasunduan niyo na 'yang dalawa eh," saad ni Ethan na himimas pa ang likod ko para pagaanin ang loob ko. Pag-ahon ko sa pool ay hinarap ko na si Darrex, lumapit ito sa akin, bahagyang napaatras pa ako dahil agresibo ang ginawa niyang paglapit sa akin, akala ko nga susunggaban niya agad ako ng halik. "Bakit ba gusto mo kong halikan?" tanong ko sa kanya, umismid lang ito habang napabuga ng hangin. Naamoy ko ang hininga nitong amoy yosi, ang pinaka ayoko pa naman sa lahat ang amoy ng sigarilyo. "May gusto lang akong kompirmahin," sagot naman niya. "At, halik ang naisip mong paraan?" bwelta ko. "Pwede bang halikan mo na lang ako?" nakakunot-noo niyang sabi, ang hina talaga ng pasensiya ng isang 'to. Nasa likod niya si Ash, Tyron at Jazerou habang nasa likod ko naman ang natitira pang tao sa mansyon. Kasalukuyan silang nanood at nakikinig sa pagtatalo namin ni Darrex, hindi ko nga rin alam kung bakit wala man lang natutol sa desisyon ng sanggano na 'to. Hinawakan ko ang pisngi niya, bahagyang nakuryente pa ako sa ginawa ko. Nakatitig lang siya sa mga mata ko, ewan ko ba parang gusto niya talagang halikan ko siya. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at inawang ang nguso ko habang nilalapit ang aking ulo palapit sa kanya. Nagulat na lang ako ng may tumulak sa akin papalayo sa taong hahalikan ko, pagdilat ng mga mata ko ay nakita ko na lang na may palad na nakatakip sa bibig ni Darrex. Laking gulat ko nang makita kung sino ang pumigil sa akin, sa lahat ng tao sa mansyon siya ang hindi ko inaasahan gagawin ito. Siya ang lalaking nagkukubli sa suot niyang hoodie jacket. Walang iba kundi si.....Juno Buenavisto. Author's Note: Sana naging masaya ko sa update na ito, kita-kits sa susunod na chapter. Galing ako kanina sa Ayala Malls sa Manila Bay, napagod ako, nahiya pa ako kasi hindi ko alam kung paano magbayad sa Kuya J, tapos may stab pala yung Black 513 na ice cream andaming nakapila kanina, mukhang masarap kaso nahuli na kami, kala ko kasi bibili silang lahat, libre pala siguro 'yon, nakakasad, mukhang kabubukas lang din nila. Kulay black yung ice cream mukhang masarap talaga, sanaol may stab. Kaya napabili na lang ng halo-halo sa Kuya J restaurant hahhaha? Connect me on my social media accounts: IG: IamAftoktonia FB: Aftoktonia Writes #PowerofSeven Gamitin lamang ang hashtag na ito para sa mga nagamit ng X or Twitter, see you there. Keep voting po, and always leave a comment, laking tulong n po iyon sa akin and specially, keep reading para happy lang hahahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD