"Is that a threat?" taas-noo niyang tanong. "Why? Are you afraid?" balik-tanong nito. Hinila siya ni Vincent sa braso. Yumuko ito, dire-diretso ang tingin sa mga labi niya. Mabilis siyang umiwas at buong lakas na itinulak ito palayo. "I hate you!" buong pagkasuklam na sigaw niya rito. "Get dressed. We're leaving after dinner." Utos nito. Nag-angat siya ng ulo at nagbuka ng bibig para magprotesta ulit. Pero bumuntong-hininga na lang siya. Alam niyang walang saysay kung makikipagbangayan pa siya rito. Hindi siya mananalo kay Vincent. "See you downstairs." Iyon lang. At tuluyan na itong lumabas ng silid. "What the hell? Ella, what the hell did you do?" bulong niya sa sarili. At para siyang batang pinagpapadyak ang mga paa sa sahig. Bakit niya sinabing may lover siya sa England? At b

