bc

The Runaway Mrs dela Merced

book_age18+
86.3K
FOLLOW
511.7K
READ
arranged marriage
dare to love and hate
CEO
drama
sweet
office/work place
small town
first love
like
intro-logo
Blurb

"Now tell me! Gusto mo ba talagang makasal sa akin at maging Mrs. dela Merced?"

"Yes!" Mabilis na sagot n'ya, at hindi nagbabawi ng tingin rito. Kahit halos sasabog na ang puso n'ya sa kaba at takot na nararamdaman n'ya, nanghihina s'ya pag ganito kalapit sa kanya si Vincent tila s'ya pangangapusan ng hininga.

"Are you sure?" Paninigurado nito.

"Bakit mo pa kailangang itanong, sinabi ko na, mahal kita at gusto kong maging Mrs. dela Merced, pangarap kong maging Mrs. dela Merced"

"Ok! Now! take off your clothes!" Matigas na utos nito at hinagod s'ya ng tingin, mula ulo hanggang paa.

"WHAT??!!"

"Take your clothes off Ella!"

"Vincent!! I can't-"

"Why? Natatakot ka? to be honest, I want my woman naked when I'm around. if you can't manage that now! I can't Marry you! This is what I call try out" Sabi nito at muling hinagod ang katawan n'ya.

"I like your lips by the way" He said and ran his tongue on the top of his lip.

Napanganga s'ya habang nakamata kay Vincen, na ni minsan hindi n'ya lubos maisip na maririnig n'ya ang mga ganoong bagay mula kay Vincent.

"Are you going to take off your clothes or what?" Vincent asked in a bored tone.

"Stop this Vincent!" Nanginginig na mga labing sabi n'ya at pa ulit-ulit s'yang umatras palayo rito habang patuloy naman ito sa paglapit sa kanya.

"I've warned you, hindi ka nakinig. Now for one last chance Ella, take your F*cking clothes off" He yelled.

"No... No!" Nanginginig na sagot n'ya at naramdaman n'ya sa pag atras ang sofa sa paanan at hindi na s'ya maka iwas pa.

"I'm losing patience here Ella!" Inis na sabi ni Vincent at hinila ang damit n'ya ng makalapit na ng tuluyan sa kanya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Sorry I’m late.” Narinig niya ang tinig mula sa likuran niya. Dahan-dahan siyang lumingon, at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makilala ang nagmamay-ari ng tinig. The tall, tan, and handsome man standing in front of her… is none other than Michael Vincent Dela Merced. Her husband. Napalunok siya. Hindi sinasadyang nabitawan niya ang hawak niyang cup ng kape. Nagtalsikan ang laman nito sa sahig, pati na rin sa suot niyang heels at brown skinny jeans. Hindi niya pinansin ang pagkalat ng kape. Nanatili siyang nakatitig sa kaharap. Pakiramdam niya, tumigil ang oras habang nakatingin siya sa mga mata ni Vincent. Ang asawa niya. “Are you okay?” tanong ni Vincent at sinulyapan ang natapong kape sa sahig, bago muling ibinalik sa kanya ang tingin. Kumurap-kurap siya, para siguraduhin sa sarili na hindi siya nananaginip lang—na totoong nasa harapan niya ngayon si Michael Vincent Dela Merced. Ang asawa niya. Ang nag-iisang lalaking minahal ng batang puso niya. Huminga siya nang malalim, at nakaramdam siya ng panlalabo ng mga mata. Luha. Mga luhang pilit niyang pinipigilan. Tumigas ang ekspresyon niya. Mabilis niyang pinahid ang mga mata bago pa bumagsak ang mga luha sa harapan ng asawa niya. Hindi siya dapat umiyak. Hindi sa unang pagkikita pa lang. Hindi siya dapat magpakita ng kahinaan. “What are… you… doing here?” tanong niya, hindi maitago ang panginginig ng boses. Iniwas niya ang tingin. Alam niyang sa pagbabalik niya ng bansa, magkikita’t magkikita sila ni Vincent. Pero hindi niya inaasahan na ito ang unang makikita niya sa unang araw ng pagbabalik niya sa San Miguel. “Sinusundo kita,” maotoridad na sagot nito, sabay hawak sa handle ng maleta niya. Mabilis niyang inagaw iyon at tumayo mula sa kinauupuan. Sinulyapan niya ang nagkalat na kape sa sahig, napakagat labi pa siya, bago muling ibinalik kay Vincent ang tingin. Nahuli niyang sa labi niya ito nakatingin. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang at agad na nag-yuko ng ulo. Pakiramdam niya, sasabog ang dibdib niya sa kaba, takot, o kung ano mang nararamdaman niya ngayon habang nasa harapan niya ang asawa. “Let’s go,” anyaya nito. Bigla siyang nag-angat ng mukha. Diretso sa gwapong mukha nito tumama ang mga mata niya. Humugot siya ng malalim na paghinga, dahil tila kinakapos siya sa paghinga sa simpleng pagtitig pa lang dito. “Where’s my Dad? Hindi ba siya dapat ang susundo sa akin?” tanong niya, pilit pinatitigas ang boses para maitago ang kaba. “I’m your husband. Kung may dapat man na sumundo sa’yo, ako iyon!” sagot nito, mariing idiniin ang salitang husband, na naghatid ng kilabot sa buong katawan niya. Husband? bulong niya sa sarili, tila siya lang ang nakarinig. “Let’s go,” muli nitong anyaya, hindi pinansin ang bulong niya. Hinila nito ang maleta at kinuha ang isa pang bag na nasa upuan. Bago pa siya makapagprotesta, naglakad na ito dala ang mga gamit niya. “Wait! Wait!” hiyaw niya at hinabol ito. “Vincent, ano ba?” sigaw niya. Bigla siyang napahinto. Tila may kakaibang pakiramdam siyang dumaan sa kanya sa pagbanggit niya sa pangalan nito. Mula nang umalis siya ng bansa, pinilit niyang huwag banggitin ang pangalan ng asawa. Hindi man siya nilingon nito. Para bang wala itong narinig. Tinawag niya ito ulit, pero ganoon pa rin—hindi siya pinansin. Kaya wala siyang choice kundi sumunod palabas ng airport. “Give me that! I’m going to call my Dad! Sa kanya ako magpapasundo!” matapang niyang sabi nang mahabol ito sa labas. Marahas niyang hinila ang mga gamit na hawak pa rin nito, pero balewala ang lakas niya kumpara rito. Kahit anong pilit niya, hindi niya maagaw ang mga iyon. “Ano ba!” “Nasa hotel ang Daddy mo. Tinawagan niya ko para sunduin ka,” malamig na sagot nito, walang emosyon ang mukha. “I’ll call my Kuya Nate! Sa kanya ako magpapasundo!” taas-kilay niyang sabi, sabay kuha ng cellphone sa bag. Kaagad namang inagaw ni Vincent iyon mula sa kamay niya. “Hey! That’s my phone! What are you doing? Give me back!” tili niya, pilit inaagaw ang cellphone. “Alam mo, wala akong time para makipaglaro sa’yo. May trabaho pa ako. May meeting pa nga ako. Pero dahil sinabihan ako ng Daddy mo na sunduin ka, iniwan ko ang trabaho ko para sa’yo,” pigil ang galit na sabi nito. Napaatras siya at pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib. Nagtaas siya ng kilay. Kung akala nito masisindak siya, nagkakamali ito. “Well, I’m sorry kung naistorbo ko ang meeting mo! You can go now! I can call my Kuya or one of my friends to come and get me,” taas-kilay niyang sagot. Kung naiinis ito sa kanya—mas naiinis siya rito. “Okay, here’s a deal,” malamig nitong sabi. “Do you want me to drag you out of here, or susunod ka sa akin na hindi gumagawa ng eksena?” “What? Hindi ako gumagawa ng eksena!” hiyaw niya, nakipagsukatan ng tingin dito. Nang mapansing wala siyang magagawa sa ngayon, nagkibit-balikat na lang siya at tumango. Kahit masama ang loob, susunod na muna siya. --- Isang expensive black BMW ang naghihintay sa kanila sa labas. Nakasunod lang siya ng tingin habang inilalagay ni Vincent ang mga gamit niya sa likod ng kotse. “Are those all your things?” tanong ni Vincent. “Yeah,” tipid niyang sagot at sumakay na sa passenger seat. Hindi niya dinala ang lahat ng gamit niya dahil wala siyang balak magtagal sa San Miguel. Wala na sa San Miguel ang buhay niya. Nasa England na. At babalik din siya doon. Palihim niyang sinulyapan si Vincent na seryosong nakatingin sa kalsada. Gwapo pa rin ito. Walang duda. Nakuha niyang lumayo sa pamilya niya nang apat na taon dahil sa kabiguan na naranasan niya sa pagmamahal niya noon kay Vincent. At heto siya ngayon—sa muling pagbabalik niya, si Vincent kaagad ang nakita niya. Pero hindi na siya ang dating siya. She’s 22. Mature enough. Kayang-kaya na niyang harapin ang mga problema. Kayang-kaya na niyang harapin ang asawang iniwan niya apat na taon na ang nakalipas. Pinagmasdan niyang mabuti ang gwapong mukha ni Vincent habang nagmamaneho. Wavy black hair. Nice eyebrow shape. Long lashes na namana sa Mama nito. Brown eyes na tila laging may misteryong nakatago. Manipis na labi na bumagay sa nunal nito sa baba, na nagdagdag pa sa s*x appeal nito. Sex appeal? Tama ba ang nasabi niya? “So am I still handsome?” Vincent asked sarcastically. “Ah… hmm what?” tense niyang tanong at mabilis na iniwas ang tingin. “Well, I thought you were staring at me,” sagot ni Vincent na may smirk. “No, of course not!” defensive niyang sagot habang ramdam ang pamumula ng pisngi. Apat na taon na ang lumipas pero walang nagbago kay Vincent. Gwapo pa rin ito—o mas lalo pa ngang gumwapo. Bumuntong-hininga siya at pinikit ang mga mata. Pagod siya. Gusto niyang magpahinga. --- “Ella! We’re here, wake up.” Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Pakiramdam niya may yumuyugyog sa kanya—at ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Vincent na kahibla na lang ang layo ng mukha nito sa kanya. “What are you doing?” she asked in a shocked tone and pushed him away. “Ginigising kita. Andito na tayo,” malamig nitong sagot. “Where?” tanong niya habang nililingon ang labas ng sasakyan. Nasa loob sila ng isang magandang bakuran na ngayon lang niya nakita. Alam niyang hindi ito ang bahay nila, at sigurado siyang hindi rin ito ang bahay ng mga Dela Merced. “Kaninong bahay ito?” kunot-noong tanong niya, nilingon si Vincent na pababa na ng sasakyan. “Kaninong bahay ito?!” muli niyang tanong, sabay baba rin. Ginala niya ang mga mata sa modernong malaking bahay at sa malawak na bakuran. Nilingon niya si Vincent na may kausap na binatilyo habang kinukuha ang mga gamit niya sa likod ng sasakyan. “Nasaan ako?!” tanong niya, pero sinulyapan lang siya nito. Narinig niyang inutusan nitong ipasok na sa loob ang mga gamit niya. “Wait! Sandali!” pigil niya sa binatilyo. “Ibaba mo mga gamit ko!” galit niyang utos. Alanganing nilingon ng binatilyo si Vincent. “Kanino bahay ’to?” tanong niya, paulit-ulit na parang sirang plaka. “Bahay natin ’to,” bored na sagot ni Vincent. “Natin?” gulat niyang ulit. “Asawa kita, Ella. Natural na tumira ka sa bahay ko.” “No!” mabilis niyang protesta. “Ihatid mo ko sa bahay namin!” maktol niya, sabay harang sa binatilyo. “Put it down,” matigas niyang utos. May takot na sinulyapan ng binatilyo si Vincent. “Iakyat mo na iyan sa Master Bedroom,” utos ni Vincent. “What?! I don’t get it Vincent! Bakit mo ko dito dinala?” “You’re my wife, Ella. If you forgot that, well, we got married 4 years ago. Because you made a hard work to get ma—” “Stop!” putol niya agad. Alam na niya ang susunod nitong sasabihin. At ayaw na niyang marinig pa iyon. “I just want to go home,” bulong niya. “Pinauwi ako ng Daddy ko na hindi ko alam kung anong dahilan. I want to talk to him. Kung ayaw mo akong ihatid sa bahay namin, I can walk there,” determinadong sabi niya. Naglakad siya papunta sa gate. Pero ilang hakbang pa lang— Biglang may matigas na kamay na humawak sa braso niya. Napasubsob siya sa matigas nitong dibdib. “Ouch! Aray!” “Where do you think you’re going?” tanong nito. Halatang pigil ang galit. Tumigas ang panga nito. Kinabahan siya. May kakaiba siyang naramdaman sa hawak nito. Parang nakuryente siya. Tiningnan niya ang kamay nito sa braso niya. Agad nitong binitiwan iyon. Umatras siya ng isang hakbang. Pakiramdam niya, kinakapos siya ng hininga dahil sa sobrang lapit nito. “I can give you a ride,” tipid nitong sabi. Sabay talikod pabalik sa kotse. Apat na taon. Akala niya nakalimutan na niya ang pakiramdam na ’to. Mali siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
777.0K
bc

The Ex-wife

read
237.5K
bc

Worth The Wait

read
203.7K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
60.7K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
91.2K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook