Chapter 2

1010 Words
“Hindi ito ang daan papuntang sa bahay namin Mali ang dinadaanan mo!” sita niya kay Vincent na seryosong nagmamaneho. Nang mapansin niyang hindi ang papunta sa bahay nila ang tinatahak ng sasakyan nito. Apat na taon siyang nawala sa bayan ng San Miguel, pero alam pa rin niya ang mga pasikot-sikot ng lugar. Syempre, dito siya lumaki. Dito siya natutong umibig—at mabigo rin sa unang niyang pag-ibig. Sa lalaking nasa tabi niya ngayon. Parang biglang bumigat ang hangin sa loob ng sasakyan. Na para bang hirap siyang huminga. “Hindi ba gusto mong makausap muna ang Daddy mo?” tanong nito habang sa kalsada nakatuon ang pansin. Hindi man lang siya nito sinusulyapan. Napakagat labi siya. “Yes! So saan tayo pupunta?” inis niyang tanong at nagtaas ng kilay, pilit pinapakalma ang sarili kahit ramdam niya ang tensyon sa dibdib. “Nasa VincElla Hotel ang Daddy mo. Doon tayo pupunta,” seryosong sagot nito, sabay liko ng kotse papasok sa pamilyar na gate sa kanya. Napatigil siya sa paghinga. The VincElla Hotel Ang hotel na pagmamay-ari ng mga magulang niya at mga magulang ni Vincent. Sadyang ipinangalan pa sa kanila ni Vincent ang hotel bago pa man sila ikasal. Parang may humaplos sa dibdib niya… at sabay noon, parang may humigpit din. Biglang nanariwa sa kanya ang nakaraan nang makita ang malawak na hardin ng hotel. May namuhong luha sa mga mata niya. Dito. Dito sa hotel na ito nangyari ang lahat. Dito siya kinasal. At dito rin siya nabigo—sa mismong araw ng kasal niya kay Vincent. Ang tanging lalaking minahal ng batang puso niya. At ang tanging lalaking nagdulot sa kanya ng matinding sakit. Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya habang pilit niyang pinipigilan ang emosyon. Parang bumibigat ang bawat hinga niya. Parang binabalik siya ng lugar na iyon sa lahat ng gusto niyang kalimutan. “We’re here!” matigas na sabi ni Vincent. Tinig nito ang pumunit sa kanya pabalik sa kasalukuyan. Mabilis niyang pinahid ang mga luha sa pisngi at tumalikod rito, pilit itinatago ang sarili niyang emosyon. Ayaw niyang makita nito. Ayaw niyang malaman nito. Ngunit biglang may bumukas ng pinto ng kotse. Isang staff ng hotel ang nagulat pa nang mapansing umiiyak siya. “Welcome to VincElla Hotel.” Alanganing bati ng lalaki na naka-all white polo na may logo ng hotel. Nginitian niya ito nang tipid. “Thank you.” Mabilis siyang bumaba ng kotse, nauna na kay Vincent papasok. Ngunit pagpasok niya sa lobby… Bigla siyang natigilan. Parang huminto ang mundo niya. Parang bumalik ang lahat ng eksenang pilit niyang kinakalimutan. Nanginig ang buong katawan niya. Pakiramdam niya, dinadala siya ng lugar na iyon pabalik sa nakaraan. Sa araw na hindi niya gustong balikan. Kahit sa panaginip, ayaw na niyang makita pa iyon. Lalo na ang taong dahilan ng lahat ng sakit niya. Tumulo muli ang luha niya na pilit niyang pinipigilan. Umatras siya. Hinang-hina siya. Hindi… hindi pa ako handa… mahina niyang bulong sa sarili. Hindi pa siya handa. Hindi pa niya kayang harapin. Hindi pa pala siya ganoon katatag. Biglang may matigas na dibdib ang bumangga sa likuran niya at sumalo sa kanya. Napahawak siya agad sa damit nito. Nanghihina ang tuhod niya. Parang mababagsak siya kung hindi siya nahawakan. Humugot siya ng malalim na hininga—isa, dalawa, tatlo—bago niya nagawang sulyapan ang taong sumalo sa kanya. Si Vincent. Mabilis siyang kumalas. Umatras agad. Iniwas niya ang tingin. Ayaw niyang makita nito ang mga luha niya. Ayaw niyang ipakita na may epekto pa rin ito sa kanya. Hindi siya mahina. Hindi siya dapat magpakita ng kahinaan. Lalo na sa harapan ni Vincent. Hindi ba’t ilang beses na niyang sinabi sa sarili na kaya na niya ito harapin? Na kaya na niyang harapin ang lahat ng tinakbuhan niya noon? Pero bakit ganito? Bakit ganito kabigat? Bakit parang mas lalo siyang hinihila pabalik ng nakaraan? Are you okay? tanong ni Vincent, nasa mga mata nito ang pag-aalala. Napakunot siya. Nag-aalala ba ito? O bahagi lang ng obligasyon? Hindi ba’t dati… galit ito sa kanya? Halos isumpa siya nito noon. At ngayon? Parang walang nangyari? I’m good, tipid niyang sagot, iniwas ang tingin. At bago pa siya tuluyang bumigay, tumakbo siya patungo sa elevator. Narinig niya ang mga staff na bumabati kay Vincent. Natural. Ito na ang namumuno ngayon. Nalaman niya mula sa Lola niya na ito na ang humahawak sa posisyon ng ama nito sa hotel. Kaya siguro siya pinauwi ng Daddy niya. Isa ito sa dahilan. Marahil gusto nitong siya ang mag-asikaso. Pero wala siyang balak manatili. Kailanman, hindi na siya mananatili sa San Miguel. Saksi ang lugar na ito sa lahat ng sakit niya. Sa lahat ng sugat na hindi pa rin ganap na naghihilom. Pasara na ang elevator nang pigilan iyon ni Vincent. Sumunod pala ito. Pumasok ito. At biglang sumikip ang buong mundo niya. Silang dalawa lang sa loob. Masyadong maliit. Masyadong tahimik. Masyadong nakakasakal. Naririnig niya ang sariling paghinga. Naririnig niya ang t***k ng puso niya—mabilis, hindi kontrolado. Hawak niya ang dibdib niya. Parang gusto niyang kumawala. Are you sure you’re okay? tanong ni Vincent habang sinulyapan siya. Nasa mga mata nito ang pag-aalala. Pero alam niyang delikado iyon. Dahil ang mga mata na iyon… dati ring dahilan kung bakit siya nahulog. I’m okay! bigla niyang sigaw. Nagulat siya sa sarili niya. I’m okay! I’m okay! paulit-ulit niyang sigaw, parang sinusubukang lunurin ang lahat ng nararamdaman niya. Galit siya. Hindi kay Vincent. Kundi sa sarili niya. Dahil kahit anong sabihin niya sa sarili niya— Hindi pa rin siya handa. Apat na taon man ang lumipas. Hindi pa rin niya kayang harapin ito. Hindi pa rin siya yung babaeng akala niya. Hindi na siya yung iyaking si Ella. Pero bakit ganoon? Bakit pakiramdam niya, mas masakit pa ngayon? Parang lahat bumabalik. Isa-isa. Walang pinipili. The place. The wedding. The groom. And the other woman. At sa sandaling iyon… Alam niyang hindi pa talaga siya nakakaalis sa nakaraan. Hindi pa siya tuluyang nakatatakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD