Chapter 1

1413 Words
"Nire-ready ko na pa iyong mga menu sa bago naming client. Sa picture pa lang noong mga new recipe ninyo mukhang masasarap na. Nakakatakam! Basta kapag na-approve ang mga iyon sarapan ho ninyo ah," masayang paalala ni Feby sa mataba at tsinitong Chef na nagmamay-ari ng Subok-Sarap Restaurant. "Oo naman Feby. Basta ikaw, laging panalo sa lasa ang hinahanda namin." Kahit naman hindi na niya sabihin iyon dito siguradong papatok pa rin sa panlasa ng masa ang mga putahe ni Chef Lee. Matagal na niya itong kilala na naging kaibigan na rin niya di-kalaunan. Kumbaga, they became friends with career benefits. Si Chef Lee ang isa sa important supplier niya sa kanyang mga event at si Feby naman ang nagsilbing endorser palagi sa mga recipe nito sa kanyang attendies and speakers. Na kalaunan ay personal nang dumadayo ang ilan sa mga iyon sa restaurant nito. "Kaya saludo ako sayo Chef Lee eh! Pakurot nga ng isa," sabay kurot nga niya sa siksik na braso nito. Napahagikgik naman si Chef Lee. At ang isang kurot ni Feby ay nadagdagan pa nga at tila nawili. "Ikaw talaga. Nakasanayan mo nang pinipisil muna ang muscles ko bago ka lumarga." Inawat na ni Feby ang sarili sa panggigigil nang madinig ang pabirong sita nito. "Para pampa-buenas Chef. O sige po, aalis na ako. Inform ko na lang po kayo sa response ni client. Bye Laddle Chefs, hand wave niya dito at sa iba pang chef doon." "As always were cute cook masters to serve, hindi ba boys?" Sabay-sabay naman ding sumang-ayon ang limang lalaking naroon sa kitchen. Hindi naman din niya kasi maitatangging magagandang lalaki talaga ang mga kasamang kusenero roon. Mukhang gusto na nga niyang maniwala sa biro ni Chef Lee nang minsang inalam niya kung saan nito nakuha ang mga binansagan niyang Laddle Yummy Chef. Isa daw sa sa mga requirements nito ay good-looking at yummy bukod sa angking kakayahan sa pagluluto. Kung wala daw sa applicant ang dalawang katangiang nabanggit siguradong mas malabo pa sa blurred picture na matanggap kahit pa kitchen master holder iyon. Totoo nga kaya? Kung kaya nga lang sana niyang humatak sa mga iyon at iuwi kahit man lang isa bawat araw, siguradong pati mga mata niya busog na busog sa mga abs niyon. Pero hindi pa naman siya ganoon ka-desperada kaya hindi niya na tinangka at tatangkain pa. "Sila, oo cute. Pero ikaw... Super cutest Chef Id ever met." Feby assured him. "Nambola pa." Sumeryoso ang mukha ni Feby. At bahagyang iniangat ang hintuturo, iwinasiwas iyon. "Hindi ako marunong mambola alam niyo yan." At bago tuluyang umalis ay itinaas niya pa ang dalawang kamay at bahagyang iniyukod-yukod iyon na parang sumasambang pagano. May respeto si Feby sa ibang relihiyon pero hindi niya lang talaga maalis sa isip na sa tuwing nakikita niya si Chef Lee ay parang nasa paligid lang ang presensya ng Budismo. Huwag lang talaga ito magtatapis sa harap ng maraming tao at baka maisip nilang nag-reincarnate si Buddha sa katauhan niya. Feberly Soriano was a simple petite sweetheart. Iyon palagi ang deskripsyon ng kanyang mga kapatid at malalapit na kaibigan. Taglay ang mapupungay na mga mata at mausbong na mga pisngi. Idagdag pa ang mga labing nagpalambing sa aura nito. Kaya naman ang unang impresyon ng lahat sa kanya ay positibo. Ngunit hindi sa lahat ng oras kalambingan ang matatanggap ng ilan mula sa kanya, dahil kadalasan sadyang isnabera ito lalong lalo na sa mga lalaking nagpapakita at nagpaparamdam ng ibang intensyon sa kanya. Subalit sa kabila ng pagka-suplada, magaling at puno naman ng dedikasyon si Feby sa kanyang trabaho. She was indeed career oriented. Hilig na ni Feby noon pa man ang mag-plano ng mga get-together events-gimik, activities, parties, at family reunion. Kaya nang magsimulang harapin ang tunay na buhay, pagiging event organiser ang tinahak niyang karera. Madaling makapalagayan si Feby dahil sa amo ng mukha. Pero daig pa ang matandang dalaga sa ka-istriktuhan kapag umandar naman ang pagiging perfectionist. Kung minsan ilag sa kanya ang team niya subalit kadalasan naman ay masaya sila. At ang boss niyang si Mr. Ibarra, favorite na nga yata siya. Pagkatapos ng isang convention ay abala naman kaagad siya ngayon sa isang product launching. Kakatigil lang ng tren. Awtomaktikong alerto na ang marami nang bumukas ang mga pintuan niyon. Rush hour kaya standing position si Feby. Hindi pa man tumatagal ang pagkakahawak niya sa handle na nasa tuktok ng kanyang ulo nang marinig ang call ringtone ng phone niya. Nasabik siya nang makitang si Rose ang tumatawag. Halos limang buwan na rin kasi niyang hindi nakikita ang BFF niyang ito. "Hello Rose!" masayang sagot ni Feby. "Hey, nasaan ka?" "Pauwi na. Bakit?" "Im here na in Manila. Miss ko na kayo ni Cass. Magkita tayo now na!" Lumapad ang ngiti ni Feby na nakayukong nakatuon sa kanyang shoulder bag. Unexpected meet up ang yayang ito ni Rose. Nang lumagi kasi si Rose sa Mindoro ay sina Cass at Feby na lang ang laging nagkikita. Pero nitong nakaraang linggo ay masyadong abala na rin si Cass sa career nito kayat hindi na rin nila magawang mag-bonding. At ngayong nakabalik na si Rose, tiyak sangkatutak na kuwentuhan to-the-max ang mga ibabala ng bawat bibig nila kapag nagkita-kita. More excitement rushed on Feby. Lalo nang available pala si Cass nang araw na iyon ayon kay Rose na nauna na palang tinawagan nito bago siya. "Dalhin mo na yung mga pasalubong namin ha. Pati yung mga pasalubong ng mga kapatid ko," habilin pa niya sa kaibigan. "Feby naman! Sako-sakong saging at mga kamote kaya yun. Gusto mo bang buhatin ko lahat yun sa mall?" Hindi napigil ni Feby ang matawa. Na-i-imagine pa lamang niya si Rose na karga ang mga sinasabi siguradong pati si Cass itatangging kakilala ito. "Maniwala akong iyon nga ang mga pasalubong mo samin. Basta ha dalhin mo." "Oo nga bessy. May ipinadala si Tatang na mga saging at kamote. Parang sa tono mo, pasalubong lang yata ang gusto mong salubungin ah? Wala bang kaunting pangungulila sa akin yang pihikan mong puso?" "Hm! Nag-drama pa. Kahit kailan reyna ka talaga ng poetry." Nangiti siya nang marinig ang tawa ni Rose. Mabibilang lang kasi talaga sa daliri ang pag-uusap nila noong nasa Mindoro ito. Hindi gaya dati noong nasa high school pa sila na halos araw-araw walang patid ang kuwentuhan, magkakadikit ang mga bituka, at magkakasundo sa lahat ng trip ng bawat isa. "Speaking of puso, matagal nang bakante yang sayo. Wala pa bang umuukopa? O baka naman ninakaw na hindi mo lang pinapaalam sa amin?!" Hindi naman napigilan ni Feby ang mapairap. "Wala! Nasaan ang hustisya kapag ganoon? Ayoko munang mahulog sa kahit na sino." Pero rinig niya ang pagsabat ng konsensya. Sinungaling daw siya. "Aba... Huwag kang pakasiguro. Maybe he's just there... Umaaligid-aligid on both sides o kaya nasa likuran naghihintay lang na lingunan mo." "Really?" pag-iling ni Feby. "O baka naman tuklawin kana nasa harap mo lang pala!" Napatingin nga siya sa kaharap. Muling tumuon sa phone at bumulong. "Hindi talo ang payatot na likod ni kuya at ang puso ko Rose." At isang tawa na naman ang narinig niya sa kabilang linya. Patuloy pa rin sila sa pag-uusap. Nawala nga lang siya sa konsentrasyon nang iangat ni Feby ang ulo para iinat ng kaunti ang nangalay na leeg. Wala na ang patpating likod. Isang pangiti-ngiting lalaki ang kaharapan na niya ngayon. Magkaharapan talaga silang dalawa. Matangkad iyon, maputi at may ibang kislap ang mga ngipin, singkit ang mga mata, at napakabango. Sa madaling salita, hindi lang basta lalaki. Kaakit-akit at mabangong lalaki. Nakahinto din kasi ang tren ng sandaling iyon kayat posibleng sa kakausod nito ay napunta iyon sa harapan niya. May nakapasak na earphone sa magkabilang tainga nito at wala rin sa kanya ang tuon ng mga mata. Sa isip-isip ni Feby, may nakakatawa sigurong joke ang DJ sa pinakikinggang FM station. O kaya naman ay may masaya lang itong naaalala sa kantang pinatutugtog. But whatever the reasons of his attractive smile, Feby couldnt refuse that she found this man uniquely handsome. Mula buhok hanggang sa suot parang walang kapintasan. Bahagyang nakatingala si Feby dito. Kayat nang maramdaman ng lalaki ang pagtitig niya, bumaba ang tingin niyon sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi na nagawa pang bawiin ni Feby ang tingin. Nakadama na lang siya ng pamumula ng pisngi kasama na rin ang pagkagulat nang tuunan siya nito. Sigurado si Feby. Siya ang nginitian nito. Hindi madamot sa ngiti ang lalaking parang modelo ng toothpaste. "Akala ko in-end call mo na. May topak ba yung network?" "Topak?" tanong ni Feby na nakatuon pa rin sa lalaki. Hindi na iyon nakaharap sa kanya. "Oo." "Wala akong topak." Kasunod noon ay naputol na ang linya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD