CHAPTER 8
KUYA
Kinabukasan din ay maaga akong nagising. I prepared my dress for my first day here. Dress ang pinili ko dahil nga darating daw ngayon si Lola. Sa harap ng tukador ay pwinesto ko ang sarili ko para mag-ayos. Naglagay lang ako ng light make up para bumagay sa light pink na above the knees kong dress.
Pagkatapos kong mag-ayos ay napagdesisyonan ko nang pumunta muna sa veranda para tingnan ang nasa harapan kong sakahan. Sa side ng mansiyon na kinatatayuan ko ay ang malawak na sakahan. Sa kabila naman daw ay ang mga kabahayan na kung saan ang baryo ng lugar na ito.
This is just like usual manila. Ang kinaibahan nga lang ay manual ang kanilang pamumuhay rito.
Napahawak ako sa bakal ng veranda at tiningnan ang baba nito. I think about that guy named Kaer. Doon ko siya saktong nakita ngayon. This is the first guy I know here maliban sa mga maids na nag-assist sa akin kagabi. Siguro ay mainit ang araw mamaya, I should enjoy watching them working. Bihira na lang kasi akong makakita ng mga ganyang tao.
But they look so... boring. Wala yata silang jam sa bayan, lahat yata rito ang routine eh magtrabaho para sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Napagdesisyonan ko nang bumaba para kumain ng almusal. Kanina pa kasi ako dinadalaw ng mga maids para kumain. Ngayon ko lang sila sinunod.
"Apo!"
Napadako ako kay Lola. Nakaupo ito sa kabisera, agad naman itong tumayo. Inabangan niya ako ng yakap na agad ko namang sinunggaban.
"Lola, miss na miss na po kita," aniya ko at hinalikan siya sa pisngi. Napangisi ako nang mapagmasdan ulit ng buo si lola.
Updated naman ako sa pamumuhay rito ni lola. Papa told me about her as always. Tutol si papa na wala akong malaman tungkol sa angkan niya. I am one of them, I know. At ang sabi ni Papa ay ako na ang tatayo kung saan sila nakapwesto balang-araw.
Yes, you're right. I don't have any cousins on my father's side, a mother side ko meron. And that was the one thing that lolas were worrying about. She is being paranoid of tita, based on papa. Gusto niya ng apo para magmana ng lupain dito sa lugar namin, and that was from Tita. Hanggang ngayon kasi ay wala pa siyang anak nor asawa man lang. Hindi kakayanin ni lola na hindi magkapamilya ang panganay niyang anak.
That's the one thing lola's wishing for.
And if that's not happening?
Ako ang magiging tagapagmana.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "Ang laki laki mo na talaga apo." napabalik tanaw ako sa nangyari.
Ilang sandali pa akong nakatulala kay lola. Bakit ko ba biglang naisip ang bagay na iyon? All i want in this place is to relax. Relax, walang mangyayari dito sa akin.
"Kahapon ka pa niyan Mama hinahanap..." Ani naman ni Tita ng mahalatang hindi ako nakaresponde kay lola.
"Ohh" napangiti ito sa akin. "Upo ka muna." agad naman akong umupo.
At dahil nga mayaman sila ay may mga maids na nagsandok ng almusal namin.
"Tinawagan ako ng tita mo about dito sa pagbisita mo. Kaya minadali ko na ang dapat kong gawin kahapon." nakangiti si lola sa akin habang inaayos niya ang table napkin sa harap niya.
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Naabala ko pa po kayo Lola." dinampot ko na ang kubyertos ay pinaglaruan ang cereal na nasa harap ko.
"Naku, walang ano man iyon." napangisi ito sa akin. "Your dad told me about your studies... Do you want here? Gusto mo bang pumasok sa lugar na ito? This is the reason why you are here?"
Napaawang ang bibig ko. Hindi ba sinabi ni Papa ang nangyari sa akin sa Manila? Bakit pa siya nagtatanong kung bakit ako nandito.
Nauutal na ako, agad na napansin ni tita ang pagkautal ko kaya napatikhim ako at agad na sinagot ang tanong ni lola.
"Y-yes po."
Parang hindi niya napansin ang pagkabalisa ko, bagkus ay nasiyahan pa ito sa sagot ko.
"Oh great! Bukas na bukas din papaasikasuhin ko na ang paglilipat mo dito sa eskwelahan."
The heck?! Nakakaintimidate si Lola! Kaya nasagot ko ang tanong niya nang hindi man lang nag-iisip nang maayos.
"Uhhmm. Magtatagal po ba ako rito?" Tanong ko sa kanya.
Nandito lang naman ako para i-refresh ang utak ko, to recover. You know, ayaw kong makapagtapos dito ng isang taon sa kolehiyo. This is not what I used to do.
"Depende saiyo tina. Sabi ng daddy mo kahapon sa akin." Ngumiti rin sa akin si Tita. "If you don't like the school here, you can transfere in Manila. Ayaw lang namin na ma-boring ka. At least ma-experience mo ang school dito."
Napatango ako sa sinabi ni tita. Dad was right, I am the one who has the right to decide. Kung gusto kong magtagal dito edi go. Pero kung hindi, edi go parin. Andito lang naman talaga ako para magbakasyon. Lola didn't need my help for this time. Kung matupad man ni tita ang hiling ni lola ay magiging masaya ako, and if not then wala akong magagawa. Hindi ko pa naman time para sa mga ganyang pamumuhay.
"Bakit niya pageenrollin dito si Tina, Hilda, kung madalian lang?" Mapang-usisang tanong ni lola. "You know my son, masyadong undecided na tao." sabay tawa nito.
Kung alam lang ni lola kung paano ako winasak ni Archer, paniguradong bantay sarado na ako dito sa mansyon nila.
Pagkatapos ng mahaba naming paguusap at syempre pag-dining ay kanya kanya kaming tayo.
"Pupunta ulit ako sa work apo. I think makakahabol ako mamayang hapon to bond with you," aniya ni lola habang naglalakad kami sa pasilyo.
Wala dito si Tita at tanging kami lang dalawa. Napadaan nga ulit kami sa walls na puno ng mga pictures, hindi ko naman naaninag ang iba kagabi at ngayon ko lang din naobserbahan na marami na pala silang angkan. Just like circles of friends, nadadagdagan sa bawat panahon na nagdaraan.
Yun nga ang nangyari, umalis si Lola. She said, she was 60 pero halata sa balat niya na pangsengkwentang taon niya palang dito sa mundo. Siguro nakakasawa rin na mag-isa lang siyang gumagawa ng routine. She has two children, at hindi ko maikakaila na hindi niya nasusulit ang oras na makasama ang dalawa niyang anak. Lalo na ngayong malalaki na sila at may kanya kanya nang pamumuhay.
Kaya nga sabi ni Tita ay masaya si Lola na nakauwi na ako rito sa amin.
"I hope lola has a lot of time for me until my last day here," saad ko nang kami naman ulit ni tita ang magkasama.
Lumuwas kami ng mansyon at nagtungo sa malawak na sakahan sa gilid nito. Mainit narin ang sikat ng araw, mabuti nalang at malamig ang simoy ng hangin. Medyo malakas rin ang simoy ng hangin kaya masarap sa pakiramdam. Dumaan kami sa sementadong daan sa gitna ng palayan para hindi maputikan ang aming mga sapatos.
"You're right. You know, I'm busy in my career at hindi ko kayang mabigay ang pangangailangan ni Mama na ikaw lang ang makakagawa."
Inipit ko sa tainga ko ang mga layas na buhok habang tinitingnan ang mga magsasakang kakasimula palang sa trabaho. Maraming trabahador ngayon ang nakikita ko, ang iba ay namumukhaan ko kagabi.
"By the way, kailan ba ang huling araw mo dito?" Pag-iiba niya ng kwento saakin.
Napatingin naman ako sakanya ng may pagtataka. "What do you mean, Tita?"
Hindi nakasagot si tita sa tanong ko dahil inalalayan niya akong makababa, patungo sa maliit na kubo sa ilalim ng malaking mangga.
"I-i mean, kailan ka ba makaka-move on kay, Archer?" Aniya niya ng nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa kubo.
Wala akong naisagot sa kanya. Alam ko na malalaman niya ang dahilan. And i know this time ay may privacy na siyang magtanong dahil wala si lola.
"Your dad told me this all about. That's why you are here right?" Tanong niya ulit.
Napatango naman ako sa tanong niya at umupo sa loob ng kubo kung saan may maliit na upuang gawa sa kawayan.
"Y-yes po, Tita."
Ginala ko ng tingin ang buong kubo, may mga gamit dito na parang gamit ng mga magsasaka. Siguro dito sila nagpapalipas ng oras tuwing pagod na sila o di kaya ay malakas na sinag ng araw.
"Hangga't maaari, ay huwag na huwag mong mababanggit sa Lola mo ang rason kung bakit ka nandito. You're here because of her is enough. She can't manage that problem, ayaw niyang may madungisan na kahit na sino sa atin." she lap her hand on my shoulder. Inayos ko ang palda kong nagusot sa pag-upo.
Tanging kaming dalawa lang ang nasa loob nito. Nakikita ko parin naman ang mga magsasaka na nagtatrabaho sa labas pero kalimitan nga lang dahil natatakpan ang kubo ng kawayang haligi.
''That's why i'm here to make her happy? Then, I'm here to make her paranoid kung malalaman niya ang tunay na rason." napatango na lang ako ng wala sa oras.
"Hey, don't be sad. Simpleng sekreto lang ito na kailangan nating itago sa Lola mo." pag-aalo niya.
Tama si Tita. Kayang kaya kong gawin ang bagay na ito. Pero alam ko sa sarili ko na walang magandang naidulot ang nagawa ko sa pamilya ng ito. Maharlika sila, kaya dapat ay nararapat lang na huwag madumihan ang aming mga pangalan.
Nagtagal kami sa palayan na ito, nagkwento si Tita tungkol sa mga bagay na nangyari sa loob ng apat na dekada niyang pamumuhay rito. Pero kahit ni isa ay wala siyang nabanggit tungkol sa pagkakaroon ng asawa man lang, o nobyo. Hindi ko alam kung anong gumugulo sa isip ni tita at ayaw niya pang mag-asawa. Kahit na siya ang susunod na tagapagmana ng lupain ay dapat pa rin na may pamilya na siya. Hindi ko pa kayang panghawakan ang trabahong ito kapag nakagraduate na ako. Sixty five na si lola, paniguradong hindi niya na kayang mag-manage ng kompanyang inaalagaan niya sa loob ng mahabang panahon.
"Hi po!"
Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang may nagsalita sa aking likuran.
"H-hi?" Taka ko namang sabi sa batang babae sa likuran ko na nakamasid sa akin at nakangisi pa.
"Maganda ka po."
"Thank you." lumuhod ako sa kanya. Hinawi ko ang takas na buhok ko at inilagay sa likod ng aking tainga. "Ikaw rin. Ang ganda mo."
Napangiti ako sa kanya. Kulot ang buhok, morena, may kapayatan pero katamtaman lang naman. Bumagay ang asul niyang bestida sa mukha niya. Bilugan ang mga mukha at mas gumaganda pa siya kapag nakangiti.
"Mikay!" sigaw ng isang lalaki. Napalingon ang babaeng kausap ko sa tumawag sa kanya.
"Wait lang po, Kuya!" aniya niya kahit na palapit na ang kunong kuya niya sa kanya. Inilahad niya pa ang maliit niyang kamay saakin. "My name is Mikay."
Galak ko naman iyong tinanggap. "Kristina." gaya ko rin sa kanya.
"Saan ka ba nagsusuot na bata ka. Kanina ka pa hinihintay ni Mama. Sumunod ka na naman sakin, 'no?"
Pinagdikit ni Mikay ang parehas niyang hintuturo sa kuya niya na parang humihingi ng sorry.
Medyo nadumihan narin ang tuhod ko kaya napatayo na lang ako para na rin makita nang malinaw kung sino ang kausap ng bata.
Itinuro ako ng babae sa kuya niya. "Isn't she pretty kuya right?" Tanong niya sa kuya niya.
Napatikhim naman ako sa sinabi ni Mikay. First day pa lang may complement na akong natanggap. At sa bata pa.
"Hay naku!" Napakamot ang lalaki sa batok niya. "Halika ka na Mikay, may eskwela ka pa."
Pero nagpumilit si mikay sa pagkumbinsi sa kuya niya na maganda ako. "I want to be her someday, she's pretty right kuya?" Nagpacute ulit ang kuno sa kuya niya.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa bonding nilang magkuya. Marunong rin palang mag-english si Mikay.
Napatingin naman sa akin ang lalaki, mula paa hanggang ulo. Napabuntong-hininga siya.
"Oo na. Bilisan mo na." napahiyaw naman si Mikay sa kanya.
"Sige na Mikay, go with your Kuya Kaer," aniya ko.
Taka namang napatingin sa akin si Kaer, napangisi ako sa kanya. I know na nagtataka siya kung bakit kilala ko siya no wonder, hindi niya ba ako namumukhaan kagabi?
Napangisi si Kaer, at tumalikod na. Pinipigilang tumawa.