CHAPTER 7

1585 Words
A/N: Hi! The chapter 5 and 6 has been interchanged huhu. Basahi n'yo na lang yung chapter 5 before chapter 6. Medyo nagloko lang kasi ang platformmm hihi at hindi ko mamodify. CHAPTER 7 FIRST NIGHT Iniwan na namin ang kalabaw at 'yong lalaki. Gabi na rin naman at baka sikatan pa kami ng araw. Malapit na rin naman daw ang lugar nina TIta sabi ng driver. Mahabang daan nga ang tinahak namin, padilim na rin pala sa labas. Nakakakita pa rin naman ako ng mga naglalarong bata sa labas, umiikot na windmills, at ang malawak na palayan na bihira ko lang makita sa lugar namin. This is not a place I've used to be. Hindi ko pa rin naman alam kung ano ba talagang mukha ng bahay at lugar na pupuntahan namin. It's been so many years, at malamang sa malamang ay may improvement na nang naganap sa lugar nina tita. At kahit na rin naman walang pagbabago ay maninibago parin naman ako dahil matagal na akong hindi nakakadalaw doon. Sa loob ng maraming taon kong pamumuhay ay hindi ko plinanong mamasyal sa lugar na iyon... Oo, naaalala ko pa rin naman pero hindi talaga sumagi sa isipan ko na planuhin na dalawin ang kamag anak ko doon. "Kuya malayo pa ba?" may halo ng iritasyon sa boses ko. Naiihi na kasi ako. Hindi pa naman ako nakakapagsalita ng maayos ay agad nang tumigil ang kotse namin. Hindi mapigilan ang mata kong mapatingin sa malaking gate sa harapan ng kotse. Hindi nakakaasiwang pagmasdan, bagkus ay parang na-eexcite ang puso ko. Akalain niyo yon, may ganito palang bahay sa lugar na ito. "Nandito na po tayo, Ma'am." Nalaglag ang panga ko ng makita ko ang nasa harapan namin. Masyado nang madilim pero hindi iyon naging hadlang para hindi malaglag ang panga ko sa pagkamangha. Umatras bigla ang ihi ko sa pantog. "Y-yan ba?" Mangha kong saad sa driver namin... Tumango naman ito. Hindi naman namin regular na driver ang kasama ko ngayon. Pero ang sabi ni mama ay tagarito lang daw ito kaya kabisado nito ang bahay nina Papa dati. Agad na may nagbukas ng gate dahil bumusina ang kotseng dala namin. Ipinasok na ng driver ang kotse, kasabay nun ay ang pagbaba ko ng salamin. Bermuda grass, perfect entrance, fountain, statues, doon pa lang pasado na. My papa did'nt tell me about this. Ang yaman pala ng angkan nila! Hindi na rin naman ako magtataka dahil maraming business ang inaasikaso nina Mama at Papa. Kwinento na rin naman ni papa na usual na bahay lang ang mayroon dito. Grabe, usual pa lang sa kanya ang isang mansyon? Kung alam ko lang sana na ganito kaganda ang bahay namin edi sana noon ko pa plinano na pumunta dito. "Kristina." Nakababa na ako ng kotse. Nilingon ko ang babaeng tumawag sa akin. She is elegance, maputi, matangos ang ilong, matangkad, sexy, at hindi mo aakalaing mas matanda pa siya kay Papa. "Tita Hilda!!" Aniya ko at hinawaran siya ng yakap. Naamoy ko ang pabango niya. Hindi ko nga maitatangging mayaman ang angkan nina Papa. Kwinento niya sa akin na may negosyo sila rito, pero hindi niya naman sinabing malaki! I thought, isa lang na hektaryang palayan na kayang bumuhay kina Tita. "How are you hija?" Pangungusisa niya. "I'm fine." sabay ngiti ko. Akala ko mabobored ako dito, pero iniisip ko palang na dito ako titira naeexcite na ako. Baka maging care-free ako pagdating ng mga araw na dadaan. "Tara pasok na tayo at malamig." aniya niya at hinila ako papasok ng bahay nila. "How's your dad?" Tanong niya saakin ng nakapasok na kami. "They're both fine with mama. May business trip po kasi sila kaya hindi po nakasama," sagot ko habang ginagala ng tingin ang buong lugar. Umiikot ang leeg ko habang naglalakad kami. Fancy, maraming chandelier, white walls, vases, and oh!! May mini mountain pa, grand stairs, lahat lahat sa isang telenobelang napapanood ko sa Ads. Parang mansyon ng mga billionaires, sapat na ito para ipamukha sa buong baryo na sila ang pinakamayaman. "Ma'am ako na po." binigay ko sa maid ang dala kong bag. "Oh!" Nagulat na ani niya. "Ganyan naman talaga 'yang kapatid ko. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang palaguin ang negosyo natin." sabay tawa niya. Nakitawa na rin ako, pumunta na kami sa salas. Agad kong ginala ang tingin ko. Meron pa akong hindi nakikita. "Your lola aren't here. Bukas pa siya makakauwi." she caught my sight. Parang nabasa niya ang nasa isip ko. Oo nga, yun nalang ang hinahanap. I don't see Lola for tonight? Ayos na rin namang bukas na para masulit namin ang dalawa. "Are you hungry? Kumain ka na muna, bago umakyat ng bahay," sabi niya nang makaupo kami sa sofa. "I'm full tita hilda. May dinaanan kaming resto." Sabi ko naman. I want to taste the foods here. Pero talagang busog na ako. "Oh, okey. You're beautiful hija. Manang mana ka sakin" hinaplos niya ang buhok ko. Napangiti naman ako sa biro niya. Sinuri ko ang mukha niya. Oo nga, medyo magkahawig kaming dalawa. Nagpaalam na muna si Tita Hilda na may pupuntahan, kaya ang nga maids na ang nag assist saakin sa mansion. Dala nila ang mga bagahe ko paakyat kaya sumunod naman ako, hindi pa rin mawala sa paningin ko ang mga bagay na madadaanan namin. Parang ayaw ko ngang hawakan kasi baka panaginip lang ang lahat eh. And after the stairs we go through the corridors, puno ito ng mga paintings. At nanlaki ang mata ko nang makita ko si Papa sa isang malaking frame na nakasabit. Maliit pa lang doon si Papa, at katabi niya si Tita, sa gilid naman ni tita ay ang parents nila which is si lolo at lola. Alam kong si Papa 'yon dahil may picture siya na ganyan sa bahay. Nabusog agad ang mata ko habang papalapit kami sa maraming kwarto. Pagkatapos ng limang kwartong dinaanan namin ay ang kwarto ko na. Binuksan muna ng mga maids ang pinto. Agad silang pumasok habang bitbit ang mga bagahe. Sumunod naman ako sakanila na may malaking ngiti. Pagkapasok ko ay tumambad saakin ang malaking kwarto, doble ang laki nito kumpara sa kwarto ko. With queen size bed, mini sofa, veranda, at dim ang ilaw. All whites ang walls, at kumpleto na ang mga furnitures. Habang busy ang mga maids sa pag-ayos ng gamit ko ay nilabas ko naman ang cellphone ko para picturan ang kwarto. "Ate," tawag ko sa isang yaya ng mapadako ako sa bintana. "Yes po ma'am?" pagresponde niya naman. "Kila Tita po ba yang palayan?" Tanong ko habang tinuturo ang malaking sakahan sa harap ng aking bintana. Tumango naman ang maid. Pero agad namang nahuli ng mga mata ko ang nga taong nasa gilid ng sakahan. Tinuro ko ang nasa labas ng bintana. "Magsasaka ba yan?" Tanong ko sa kanya. Obviously. Hindi ko lang talaga makita kasi masyadong madilim. Malay ko ba kung maligno. Kung hindi ako nagkakamali ay farmer sila. Nakayuko eh at tiyaka kinukuha ang mga butil ng bigas na nakalatag malapit sa sakahan.. "Yes po ,ma'am." Taka ko naman siyang tinanong. "Gabi na ah, bakit andiyan pa sila?" Tiningnan ko ulit ang mga trabahador na busy sa pagliligpit ng mga palay. Kakaunti lang ang ilaw na nasasagap nila. Gabing-gabi na kasi. Nangunot agad ang noo ko. Binuksan ko ang bintana upang makita pa lalo ang ginagawa nila. "Marami po kasi silang binilad na palay... Absent pa naman yung ibang magsasaka kaya ginabi sila po ngayon, Ma'am," kwento niya saakin. Napatango ako. Agad akong pumunta sa veranda para mas tingnan pa lalo ang malaking sakahan sa harapan ko. Hinayaan ko nalang na ang mga maids ang magayos ng mga gamit ko. I was too amazed. Kinuha ko ulit ang cellphone ko. I shot some pictures until i get through the farmers. Palapit sil rito sa bahay. Bitbit ang mga sako ng palay. Kinuhanan ko rin sila ng pictures. Kita ko sa mga mata nila ang pagod, lagpas-moreno ang kulay ng balat at maraming putik ang kanilang mga pantalon. Pumasok sila sa maliit na gate sa gilid ng pader na sumasangga sa mansyon na ito. Isa-isa ko silang kinuhanan ng litrato. Nakakagiliw, siguro isesend ko ito kay Papa. Gusto ko lang ipakita sa kanya ang negosyo nina tita. Patuloy pa rin ako sa pagclick hanggang sa may namataan akong isang lalaking nakatingin deretso sa camera. Napaayos ako ng tindig at tumikhim na parang walang ginagawa. Napatingin ako sa bitbit niyang sako. Agad akong nakaramdam ng awa sakanya. Mabilis ang kanyang paghinga habang nakatindig lang at nakaharap saakin. Ginapangan naman ako ng kaba, base sa nakita ko ay kaedaran ko lang ang isang 'toh. How this man works even though he is not that old much?? I mean, hindi niya ba gustong mamuhay binata. I saw archer to him, ganyan si archer he wants to work for his own, independent, at ayaw ng tulong ng iba. He's not that kind of person na ayaw talaga ng tulong kahit na ng sarili niyang girlfriend, he is not that kind. Ayaw niya lang talagang may ginugulong tao. "Kaer!!" Sigaw ng isang magsasaka. "Ipasok mo na ang kalabaw!" He didn't say anywords. He seems so familiar, ah! Siya 'yong lalaki kanina na may dalang kalabaw! Nangunot ang noo ko nang mabilisang naglakad ang lalaking nakatingin sa akin kanina. Dumeretso ito sa lalaking sumigaw kanina. Agad namang may nabuong konklusyon sa utak ko. So his name is Kaer? Napangisi ako at napailing. Pumasok na ako ng kwarto upang magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD