CHAPTER 5

1256 Words
CHAPTER 5 GOODBYE "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. Iniwas ko ang tingin ko sakanya. Hindi ko kayang tingnan siya sa mga mata. Nanunumbalik kasi ang sakit... At pananabik sa kanya. Pwede pala ang ganun, yung makaramdam ka ng dalawang magkaibang damdamin. "Umalis ka na, baka makita ka pa ni Mama," Aniya ko. Sinimulan ko ng saraduhin ang gate namin. Grabe ang kaba ko, nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa malamig na bakal ng gate namin. Gusto kong maiyak, dahil sa huling pagkakataon ay nakausap ko siya kahit na sa ganoon lang na paraan. Pero lahat ng iyon ay hindi ko pinahalata. Natigil ang langitngit ng gate dahil hinawakan ni Archer ito. "P-pwede ba tayong mag-usap?" May sinseridad sa mga mata niya. Kung hindi nga lang kasi ako sumama sa trip nila, hindi mangyayari ang bagay na ito. Nakakailang na. Wala akong ideya kung ano ang gagawin ngayon. Still frozen. Tumikhim siya. "S-sorry. Sorry about what happened. Hindi ko yun sinasadya. Please patawarin mo ako." My heart melted. Eto na naman ako ngayon, nagpapakarupok. Pero sa isip isip ko. Hindi rin naman mawawala yun nang basta basta, oo biglaan ang nangyari. Pero hindi naman bigla ang nararamdaman ko para magbago. I miss him. Everything to him. 'Yong simula ng magkakilala kami. At sa ngayon. Hindi lang ako handa na makipagtalik sa kaniya ngayon. "Bitawan mo 'ko" kalmado ko pang saad sa kanya. "Sa lahat ng ginawa mo. Sorry lang ang sasabihin mo?" "Sorry. Ano bang dapat kong gawin?" Mapagtaka niyang saad saakin. Gusto kong matawa. Hindi niya ba alam? Gaya lang ba siya ng ibang lalaki diyan na walang alam kundi ang magpainit ng katawan? Akala ko iba siya. I know him, but not too much. Wala akong ideya na ganito pala siya. Hindi ko alam kung bobo ba siya, o prinaprioritize niya lang ang relasyon namin kaysa sa nararamdaman ko. Hindi ko gusto ang ganitong relasyon... "Dapat gawin? Alam mo yun dahil lalaki ka!" Tinuro ko ang dibdib niya. Mas masakit pa sa ginawa ko sa kanya ang nararamdaman ko ngayon. Akala ko, alam niya na kaya siya nandito. Napaluha na ako nang todo. Hindi ko na kaya ang bagay na ito. Nanginginig ang mga labi ko. Bumuntong hininga ako. "Let's cool off. Archer." Wait, mas okay yata kung... "Ay mali. Let's break up, Archer." Wala akong lakas na sabihin yun. Hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi nang deretsahan sa kanya. "W-what?" Taka niyang ani. Hinawakan niya ang kamay ko pero iniwas ko lamang iyon. "Kristina naman oh," pagmamakaawa niya. Pilit niya pa ring inaabot ang kamay ko pero hindi ko binigay. "Pag-usapan naman natin ito." sinimulan niya akong yakapin. Nanghina na ako ng mga sandaling yun kaya wala na akong magawa. "Huwag ka namang ganyan. Sorry" binulong niya ang huling salitang binitawan niya. Naikuyum ko ang Kamao ko. Hindi dahil sa galit ako. Kundi dahil nagpipigil ako ng damdamin sa kanya. Hindi madaling mapahiwalay sa tao ng basta basta. Hindi ko maatim na maghihiwalay kami sa ganitong kadali na paraan. Nagmakaawa siya sa harap ko. "Please, Tina, Babe. Let's fix this mess up-" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya, sinabi ko na ang balak ko ngayon para sa sarili ko. "Aalis na ako, Archer.. ngayon." nangilid ang luha ko. "I want to refresh my brain. I want to restart myself again." Napailing siya nang todo dahil sa narinig. Nagsimula siyang lumuhod sa harapan ko, "L-lets fix this okay? I can change, kahit na hindi mo sabihin sa akin. Kahit na hindi mo ipaalala sa akin, kahit na hindi ka mag-utos. Gagawin ko, magbabago ako para sa atin at para sa'yo. And about sa nangyari, I'm sorry, hindi ko intensiyon na saktan ka. I'm just too tipsy that time kaya-" "Archer!! Please!! Tama na muna!!". Hindi ko na napigilan, napasigaw na ako sa harapan niya. "Break!. Na!. Tayo!" Dinuru ko pa siya. Pero wala siyang pakialam sa sinasabi ko "Hindi mo pa ba naririnig? Break na tayo! Hiwalay na tayo! Huwag mo nang pilitin pa ang sarili mo sa akin!" "You're just joking right?" Pumungay ang magaganda niyang mata. "Tell me? Nagpapakahard to get ka lang diba? I know that thing." peke itong tumawa. Seryoso ko siyang tiningnan. Natigil narin ang pagtulo ng luha ko. "Alam mo kapag nagsasabi ako ,Archer. Ginagawa ko." matapang kong ani. Tila nawala ang lakas sa mukha ni Archer. Nagsimula na itong lumuha. "No." umiiling iling ito. Inabot niya ang kamay kong nanlalamig na. "I love you..." hinalikan niya iyon. Kasabay nun ang pagtulo ng luha naming dalawa. "I love you so much.. Kristina." tiningnan niya ako sa mga mata. "Please? Don't do this please? I-i'm begging. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko." Tama na ang mga sinabi niya para magdesisyon ako ngayon. Kung hindi niya kayang mawala ako sa buhay niya, bakit niya nagawa na babuyin ang pagkatao ko? Kung ayaw niyang mawala ako sa buhay niya dapat hindi siya gumagawa ng mga bagay na makasisira ng relasyon naming dalawa. Inalis ko na ang kamay niyang nakahawak saakin. "Don't hurt yourself, Archer. Tama na, pilitin man natin may masasaktan pa rin." pinupunto ko ang sarili ko. Wow. Pangtelenobela ang atake! But anyways... Kahit man na baliktarin man ang mundo, Ako pa rin ang masasaktan sa huli. Napatayo ito sa pagkakaluhod sa harapan ko. "Dahil lang sa nangyari. Magkakahiwalay na tayo?" Napailing na ito. "Ang unfair mo naman." "Hindi ito unfair, Archer. Ginagawa ko lang ang nararapat. Just tell yourself to forget me and us. Kahit na ngayon lang. Kailangan ko ng time and space para makapagisip isip, Arch. Hope you understand, just l-let go." nangilid na naman ang luha ko. Pasado alas onse na, makulimlim ang kalangitan. Nagbabadiya na ang malakas na ulan. Kaya agaran ko nang sinarado ang gate. Nakatulala ako sa mukha ni archer ngayon. Halata sa mukha niya ang disappointment dahil sa narinig. Wala akong magagawa. Sa huling pagkakataon ay hinarangan niya ng kamay ang gate na nagpatigil sa pagsarado nito. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Niyakap niya ako ng mahigpit, naramdaman ko ang unti unting pagtaas baba ng braso niya. Humagulhol siya habang nakayakap sa akin. Nangingilid narin ang luha niya. "Tell me you love me, Kristina," bulong niya sa akin. Nagsimula nang umambon nang mahina. Nakaramdam ako ng panlalamig, hindi dahil sa nagbabadiyang ulan, kundi dahil sa sinabi ni Archer sa akin. "Please?" Wala akong maisagot sa kanya ngayon. Nanghihina ang mga binti ko na parang kinokontra ang pagbuka ng bibig ko. "Mamimiss kita. I love you, Kristina." Napaluha na rin ako habang nakayap pa rin siya sa akin. Hindi ko siya ginantihan ng yakap, ayaw ko kasing maramdaman niya na nananabik pa rin ako. Pero alam ko sa sarili kong pinipigilan ko lang ang sarili ko. "Sabihin mo lang na mahal mo ako, magiging ayos na ako. I let you go, basta sabihin mo lang na may pag-asa pa akong ayusin ang lahat lahat pagbalik mo," aniya niya... Hindi ko kayang mangako. Pero sana, masubukan ko. I just want to stay away from him. I'm still young, kaya kahit walang kasiguraduhan ay tumango ako kay Archer. "Y-yes. I-i love you, Archer." I just said that for him to let me go. Hindi ko siya kayang paasahin, pero alam kong makokonsensya ako sa huli kung hindi ko masasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Lumiwanag ang mukha niya. "T-thank you". Muli niya akong niyakap. "Sorry sa lahat." "Kaya kong maghintay sa'yo," bulong niya sa akin. "Goodbye," saad ko sa kanya at sinarado na ang gate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD