Throwback Continuation
Lumipas ang mga araw at buwan pati nadin bituin,di joke lang.
Peace.
Ilang araw ang lumipas bago ang banggaang nangyari at eto ako ngayon, back to normal life.
Dahil nga last year na sa college ay medyo busy na.
Aral dito,aral doon.
Kakatapos nga lang ng morning session namin at lunch time na.
Naglakad na ako papuntang canteen para mag lunch.
Pumila na ako para bumili ng foods.
Pilaaaa..
Pila.
Pila.
Bumili lang ako ng friend chicken at rice.
Hindi ako mahilig sa diet kaya nag kakanin ako.
Kaya wag kayu magulo jan.
Pero na me maintain ko naman ang katawan ko nu.
Sexy nga ako eh.
Pagkakuha ko ng pagkain ko ay nilibot ko ang mga mata ko para maghanap ng table.
Tinggg!!
At pagsine swerte ka nga naman.
Meron isang vacant seat sa harap ng isang lalaki.
Hindi ko alam kung sino, nakatalikod kasi.
Pero kung titingnan mo mula sa pagkatalikod,ang gwapu nito. He obtained a broad shoulders.
At yun nalang ang nag iisang vacant seat.
Ang sagwa man tingnan,pero dahil gutom na ako. Wala akong pakialam. Uunahin ko muna tiyan ko.
Kung inggit sila,eh di,sumabay din sila.
Love me like you do!!
Lo-lo-love me like you do.
Pakanta kanta akong nag lakad patungo sa bakanteng upuan. At pagdating ko ay di na ako nag aksaya ng panahon.
Nilapag ko kaagad ang pagkain ko nang di tinitingnan ang kaharap ko at umupo agad bago nag salita.
Maki share muna ahh. Wala na kasing ibang upuan eh.Salamat
Handa na akong lantakan ang pagkaing nasa harap ko pero nabitin sa ere ang sanang pag subo ko ng maramdaman kong may tumititig sa akin.
Nag angat ako ng ulo ng mahuli ko ang mga matang parang hinihigop ako na titig na titig sa akin.
Walang expression na tumitingin ito sa akin.
Ahhh,hi?
May pag alinlangang bati ko sa kanya.
Kain tayo? Gusto mo?pwedi namang hati tayo. Sabi nga nila,share your blessings.
Segunda ko pa sa kanya ng di niya parin ako pinapansin ng lalaking nakabunggo ko nung isang araw. Tiningnan niya lang ako na para bang pinag aralan. Pero yung walang emosyon ha. Pokerface kung baga habang naka cross arm pa.
Oo, siya nga itong nasa harap ko.
Yung may pangit na mukha pero cute na mata. Na akala ko gwapo pero hindi pala. Talikodgenic lang pala.
(Panget pero cute? Anu yun?Basta cute siya. Kunin mo nalang yung panget.)
Napakunot ang noo ko sa sinasabi ng utak ko.
Nginitian ko muna siya bago binaba ang tingin sa pagkain dahil di naman ito namamansin.
Itinuon ko nalang ang isip ko sa pagkaing nasa harap ko dahil kumulo na yung tyan ko.
Bahala ka kung ayaw mo akong makasama sa pagkain. Basta ako,gutom na ako. At may exam pa ako sa first subject ko ngayon.
Sabi ko sa kaharap ko. Pero syempre di ko pinarinig. Sa utak ko lang yun sinabi.
Sa kadahilanang gutom na talaga ako.
Ilang minuto ang lumipas at natapos na kami ng pagkain. At take note, walang nag sasalita sa amin. Ang tahimik ng kasama ko sa table. Mapanisan sana ng laway to.
Nauna itong umalis sa table namin na walang paalam o salita.
Di ko maiwasang hindi mapataas ang kilay ko. Deadma ba naman ang kagandahang dyosa ko.
Ok, ewan ko sayo. Wala akong pakialam.
Sabi ko ng makaalis na ito. Niligpit ko na ang mga gamit at bag ko at ng matapos na ay umalis na din.
Kailangan ko pa kasi mag review dahil nga sa may exam pa ako.
Nagmamadali akong nag lakad papuntang library. Papaliko na ako sa hallway ng....
Booggsshh!!!
Pag minamalas ka nga naman.
Nalaglag tuloy mga libro ko.
Ganito na ba ako kaliit para parati nalang mabunggo.
Kitang nagmamadali ako at ayokong mag sayang ng oras dahil nga mag rereview ako para sa exam ko.
Take note ha, first period pa.at 30 minutes nalang time na.
Kaya naman uminit na ang ulo ko dahil sa kamalasang ito. At dahil nga sa mainit na ang ulo ko ay di ako nag dadalawang isip na pagbalingan ng galit ang naka bunggo ko na ngayon ay dinadampot ang mga gamit ko. Hinayaan ko siya sa pag dampot. Kasalan niya naman iyon.
Nag cross arm ako para mag salita. Yung sa normal na boses lang. Ayoko ko din naman maka gawa ng eksena nuh.
Alam mo, ang lawak ng daanan. Tapos mang bangga ka lang?
Pag sisismula ko. Ngunit di niya parin ako pinapansin. Busy ito sa pag kuha ng mga gamit niya at gamit ko. Nagkandalaglag din kasi yung kanya.
Di ka naman siguro bulag nu para banggain ako?
Alam mo ba na nagmamadali ako? Sinasayang mo oras.......
Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla itong tumayo at sabay bigay nito ng books ko.
Parang pinako ako sa kinatatayuan ko ng mag salita ito. Wala sa sariling inabot ko ang mga libro ko sa kamay niya habang naka tingin pa rin sa mga mata niya.
Alam mo. Ang ingay mo. Ikaw na nga tinutulungan ikaw pa galit.
Tsssskkk.
Walang emosyon na sabi nito sabay talikod.
Napa awang ang bibig ko pagkarinig ko ng ganun.
Ako?maingay?
Di makapaniwalang tanong ko sa sarili habang nakaturo pa yung isang daliri sa sarili ko nung natauhan ako sa sinabi niya.
Napailing nalang ako at naglakad papuntang library.
Pagdating ng library ay nag review na ako.
After 30 minutes na pag review ay pumunta na ako sa first subject ko.
At natapos ang araw na ito na subrang kakapagod.
Palabas na ako ng makita ko si Mang Berto.Driver namin. Nag hihintay na sa akin.
Kanina pa ba kayo Mang Berto?
Tanong ko sa kanya na may ngiti sa labi.
Nasa 50 na si Mang Berto at meron ng asawa at may tatlong anak.
Ang isang anak nito ay close nga kami. Magka edad kasi kami eh. At siya ang panganay sa kanila.
Si Manang Belen naman ay ang yaya namin sa bahay. Siya ang mayordoma namin. Bagkus ay siya na ang nag alaga sa akin haggang sa lumaki ako.
Parang nanay na nga din ang turing ko sa kanya.
Ngumiti din ito pabalik. Sabay sagot sa tanong ko.
Hindi naman anak. Mga 10 minutes palang siguro.
Pagkasabi nun ay binuksan na ang backseat ng sasakyan. Para makapasok ako.
Sumakay muna ako bago sinagot ito.
Pasensya na po. Kakatapos lang kasi ng klase namin.
Paghinging paumanhin ko ng makaupo na ako.
Pumasok na din ito at ini start ang sasakyan.
Anu kaba, gawain ko naman yun iha. Di mo kailangang humingi ng paumanhin.
Pag aalo nito.
Alam ko naman yun na tungkulin niya iyon dahil binabayaran siya.
Pero di lang kasi kaya ng konsensya ko ang ganun.
Tumahimik nalang ako at tumingin sa labas.
Napadaan kami sa bantayan ng mga jeep at nakita kong nakatayo si Mr.panget na may cute eyes na tila nag aabang ng sasakyan.
Tiningnan ko ito at tumingin din ito sa sasakyan namin.
Nag tama ang mga mata namin. At nandon na naman ang pakiramdam na parang naka glue yung paningin ko sa kanya na di ko ma alis alis. Hanggang sa lumagpas na sa kanya yung sasakyan namin at di ko mapigilan ang di mapalingon para matingnan pa ito hanggang sa di ko na siya makita dahil malayo na kami.
Ok kalang ba iha?
Nag alalang tanong ni Mang Berto sa akin.
Biglang natahimik ka kasi at parang may tiningnan sa likod kaya nagtanong na ako. Sinu ba kasi ang tinitingnan mo doon?
May pag alalang dugtong pa nito.
Ok lang po ako. Wala po.
Matulog po muna ako ha.
Sagot ko nalang sa tanong niya.
Inayos ko muna ang pag upo ko at pumikit na.
Iha,,
Nandito na tayo.
Naalimpungatan ako dahil meron marahang tumapik sa pisngi ko.
Salamat po, Mang Berto.
Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na ng kotse. At diri diritso na sa room ko para mag bihis.
Pagdating sa room ay nilagay ko sa ibabaw ng side table ang bag ko at kumuha ng damit pambahay.
Pumasok sa banyo para maglinis ng katawan at nag bihis na din after nun.
Pagkatapos ng routine kong iyon ay humiga ako sa kama. Pumikit ako pero bigla akong napabalikwas ng bangon dahil nag flashback ang mukha ng lalaking panget na iyon sa balintataw ko.
Naguguluhang napapailing ako sa nangyari sakin ngayon.
Bakit sa dinami dami na pweding pumasok sa utak ko,bakit siya pa? Bakit yung may panget na mukha pa. Parusa ba ni lord to dahil wala akong boyfriend?
Hindi pa naman ako nagmamadali na magka boyfriend. At ayoko pa magboyfriend kasi nga wala akong freedom pag may boyfriend na ako ata ayoko ng ganun
Pero bakit ko siya iniisip ngayon? Bakit siya ang nakikita ko kanina?
CONTINUATION
---------------------------------------------------------
Pagpasok ko palang sa bahay ay nakita ko si Mommy na pababa ng hagdan.
Ang aga naman ata ni Mommy umuwi ngayon ah. Halos uwi kasi nito ay kasama si Daddy at 7 pm na sila umuuwi.At hindi manlang nito napansin na nakapasok na ako ng bahay. Bago pa maguluhan ang utak ko ay nilapitan ko na siya.
Hi Mom. Ang aga ata natin naka uwi ah. Anything wrong?Tanong ko sa kanya ng makalapit na ako.
Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago yakapin. Yumakap din siya sa akin at Sinuklay suklay ni Mom yung buhok ko bago nag salita.
Wala naman anak. Nauna lang akong umuwi dahil mag di dinner daw tayo sa labas sabi ng Dad mo.
Tinigilan nito ang pagsuklay sa buhok ko at nakangiting humarap sa akin .Kaya di ko na din napigilan ang di mapangiti. At naexcite tuloy ako sa narinig ko.
Talaga Mom?San naman tayo this time?
Excited na tanong ko sa kanya.
I don't know. Siya na daw bahala. Pina uwi niya lang ako ng maaga para mag ayos.
So anu pang hinihintay mo? Make your self beautiful na. Dahil 6:30 ay aalis na tayo.
At tinaboy na nga ako paalis.Tinulak pa ako ng bahagya papunta ng hagdan.
Si Mommy talaga. Excited palagi. Mas excited pa sa akin eh.
Naiiling tinakbo ko na ang hagdan paakyat para maligo at mag ayos na din. May one hour pa naman ako para mag prepare. Tamang tama lang para maka ayos ng tama.
Eto yung pinakagusto ko sa attitude ni Dad. Kahit busy ito sa pamamalakad sa business namin ay di nito nakakalimutan ang pamilya.
He always spend time with us, especially pag sunday.
Minsan lumalabas kami para mag bonding.
Minsan sa bahay nalang nag fo-food
trip.
Minsan naman nag mo-movie marathon.
Minsan nga nag a-out of town pa kami dahil gusto daw nito maligo sa dagat.
Pero pag mag out of town naman kami, nag oovernight muna kami para masulit namin yung pinuntahan namin at maka pag bonding. Siyempre,hindi pwedi na kaming tatlo lang. Pati mga kasambahay na gusto sumama ay sinasama na namin.
At kung mga akyat bahay naman ang iniisip nyo, may mga guard naman para mag bantay sa bahay.
6:30 pm na.
At ready na kami ni Mommy.
Siya ay naka suot ng isang eleganteng gown na kulay black. Abot ito sa bandang sakong nito.
Kahit 43 na si Mommy ay maganda padin ito.
Sexy padin.
Sabi nga ng iba ay kamukha ko si Mom. Ang pagkaiba lang daw ay yung mata ko dahil namana ko ito sa Daddy ko. Pati nadin sa height.
Ako naman ay naka suot ng royal blue na dress. Yung hapit sa katawan ko na nagpapakita ng ka sexyhan ko at hanggang tuhod lang ang haba nito. Kaya kitang kita ang mahahaba at mapuputi kung legs.
Sumakay na kami ni Mommy sa sasakyan at si Mang Berto ang driver namin.
Papunta na kami sa isang exclusive na restaurant na para lang sa mga mayayaman. Ang mamahal naman kasi ng mga pagkain pero subrang sarap naman. Yung isang tikim mo palang parang makalimutan mo na pangalan mo.
Kaya masasabi mo talaga na para lang sa mayayaman ang restaurant na ito.
Pagdating na pagdating namin sa restu ay nakita agad namin si Dad.
Tumayo ito at nakangiting kumakaway sa amin. Kaya kumaway din kami pabalik sa kanya at dali daling pumunta sa kanya
Daddy.
Bati ko sa kanya at humalik sa pisngi niya. Si mom naman ay yumakap at humalik sa labi ni Dad.
Mom,Dad? Hello, PDA talaga?
Pagrereklamo ko na kinatawa ng mga magulang ko.
"I'm just showing how much I love her" puno na pagmamahal na sabi nito habang nakatingin sa mga mata ni Mommy.
I rolled my eyes. Di ko nalang sila pinansin. Umupo nalang ako at sumunod nadin sila sa pag upo.
Tinawag ni Dad yung waiter at nag order na kami ng pagkain namin.
Habang nag hihintay kami ng order namin ay nag ku kwentuhan naman si Dad at Mom.
Tahimik lang akong nilibot libot ang paningin sa kabuuan ng restu pati narin sa mga kumakain.
Hanggang sa napatuon ang paningin ko sa isang lalaking papasok sa restaurant.
Gwapo ito. Subra..
Matangkad
Tamang tama ang pagka puti nito.
Red lips.
Napalunok ako bigla.
Bumalik ang tingin ko sa mata nito. At tama namang napatingin naman ito sa akin. At halatang nabigla ito sa pagka kita sa akin dahil natigilan pa ito sa paglalakad.
Ngunit nakuha talaga ng attention ko ang mga mata nito.
Yung mata niya.
He has an angelic eyes.
Parang pamilyar.
Yung matang parang nang hihipnotismo?
Yung parang hinihigop ka para titigan ito.
Sweetheart.. sweetheart.. Nakikinig ka ba?
Biglang salita ni Mommy na siyang nag pabalik sa kaluluwa ko kung saan man ito naglakabay.
Di pala kaluluwa kundi utak ko ang lumipad.
Ha? Aahh...ok lang ,,ok lang po ako Mom.
Nauutal na sagot ko kay Mom. At tiningnan ulit ang lalaking nakita ko pero wala na ito dun kaya naman pasimpleng hinanap ng mata ko ito.
At di ko alam na nakatingin pala si Mom sa akin.
Sino ba kasi hinahanap mo,anak?
Pagtatakang tanong nito. At saka sinundan ng mga mata nito ang direksyong tiningnan ko kanina.
Ahh..wala po Mom. Akala ko kasi classmate ko. Namalikmata lang pala ako.
"Ahhh.okey. akala ko pa naman kong sinu na nakita mo. Para kasing naguguluhan ka."sagot nito
Wala yun mom. Wag mo na isipin,namalikmata lang talaga ako. So,anu nga ba ulit yung tanong mo Dad?
Pag iiba ko ng tanong na ikinibit ng balikat ng Mommy. Tiningnan ko pa ulit ang direksyon kung saan ko siya nakita kanina pero wala na talaga yun. Kaya binaling ko na ang attention ko sa tanong ni Daddy.
So,anak what's your plan after graduation?
Pag sisimula ni Dad ng topic. At siya namang pagdating ng order namin. Hinintay ko muna na matapos sa paglalagay ng pagkain ang waiter bago mag salita.
Ahhhmpff. I don't know pa po Dad. Maybe I want to train myself more before putting up a business?
Yeaahh,,ganun naman talaga ang planu ko. Mag training muna ako bago ko isalang ang sarili ko sa sariling business ko.
Final na ba yan anak?ayaw mo ba talaga sa company magtrabaho?
"I'm sorry dad. I don't want to disappoint you pero di ko po talaga hilig yan. Hayaan nyo,mag aasawa ako ng businessman para siya mamahala ng company natin."
Nakangising sagot ko na ikinasimangot lang ni Daddy. Ngunit kabaliktaran naman ng ginawa ni Mommy dahil napatawa ito ng mahina.
"Sorry Dad, fashion designer talaga hilig ko eh."
"Well, that's a good idea. Saan mo naman gusto mag train? At kung sakaling mag bago ang isip mo, at gusto mo naman sa company magtrabaho,alam mo naman na welcome ka doon. You know how much we love you naman. We will always here to support you basta ikasasaya mo."
Sabat naman ni Mommy habang nakatingin kay Daddy. Parang kinukuha nito ang simpatiya niya para sumang ayon din sa gusto ko.
At sa wakas ay napasuko din namin siya.
"Ok..ok.." pagsusuko nito habang itinataas pa ang isang kamay hudyat na sumusuko na nga. Kapagkuwan ay binalingan ako.
"Kung yan talaga ang gusto mo anak, anu pa nga ba ang magagawa ko. All i need to do is to support you. I will be always here para supurtaha ka sa gusto mo. Pasalamat ka at mahal ka namin."
Napatawa ako ng mahina sa sinabi ni Daddy. Kaya naman tumayo ako at yumakap sa kanya.
I'm so grateful to have them as my parents. Napaka swerti ko sa kanilang dalawa.
"Thank you so much Daddy. I'm so blessed to have you and Mommy as my parents. Promise,di ko kayo bibiguin. I love you both."
Yumakap din si Daddy sa akin pabalik at mayamaya pa ay sumali na din si Mommy sa yakapan namin ni Daddy.
Masaya ako at tanggap nila Mommy at Daddy ang disisyon ko. At subrang saya ko dahil andyan sila palagi na sumusupurta. Fashion designer kasi ang hilig ko at ang company naman namin ay supplier ng mga construction supply. Kaya wala talaga sa isip ko na saluhin iyon. At tama yung sinabi ko kanina na pag mag asawa ako,siya nalang ang mamahala ng business namin. Kahit siguro hindi na siya business man ay okey lang, para din naman sa amin ito.
Kumalas na si Mommy sa pagkayakap sa amin at ganun din ang ginawa namin ni Daddy. Kapagkuwan ay ginagap ni Daddy ang kamay ko at hinawakan iyon bago mag salita.
"Mahal ka din namin anak. And we are so proud of you. Just think this always, were here to protect you,love you and support you. We love you our dearest princess."
Naka ngiting sabi nito habang nakatingin kay Mommy. And Mom smile back and they both look at me. Kitang kita sa mata nila ang pagmamahal sa akin at yung supporta.
-------------ANGELO'S POV --------------
Andito kami nila Mommy at Daddy sa exclusive Restaurant. Tumawag sila sa akin na pupunta sila sa apartment ko para bisitahin ako pero hindi sila natuloy dahil nakakita daw sila ng magandang restaurant kaya naman ay pinapapunta nalang nila ako.
Pagdating ko doon ay hinanap ko agad sila at hindi naman ako nabigo sa paghahanap,nakita ko agad sila.Nakangiting tinungo ko ang kinauupuan nila at pag dating ko doon ay nakaready na lahat ng foods. Humalik ako sa pisngi ni Mommy at nag man hug naman kami ni Daddy.
"I miss you son. How long could you do this? You can live with us naman anak. Hindi mo kailangang lumayo sa amin"
Bungad ni Mommy. Na tinanguan naman ni Daddy. Na ang ibig sabihin ay sang ayon ito. Umupo na kami sa kanya kanya naming upuan.
"You know the reason na Mommy. Kaya please intindihin nyo nalang po ako. Kahit malungkot din na mapalayo sa inyo,pero kailangan ko namang gawin to Mom and Dad. This is for my future."
Malamlam na tingin ang pinukol ko sa kanila para panindigan ang disisyon ko. At hinihiling ko na sana ay supurtahan nalang nila ako. But knowing Dad and Mom alam ko na hindi sila aangal sa gusto ko.
"Anu pa ba magagawa namin. Basta pag titigil kana, sabihan mo lang kami. Dito lang kami ng Mommy mo anak. At may tiwala kami sayo."
Nakangiting tugon ni Daddy. At matamang tinitigan si Mommy. At isang malalim na buntung hininga nalang ang isinagot ni Mom. Alam ko na ayaw ni Mommy sa mga disisyon kong ito,pero buo na ang disisyon ko at hindi na magbabago yun.
"Kamusta naman ang trato ng mga tao sayo? Nang mga ka schoolmates mo? panigurado ako na binubully ka nila. Kaya mo pa ba?"
Hindi ko na nasagot ang tanong ni Mommy dahil nakarinig ako ng mga hagikhik at bulungan malapit sa table namin kaya napalingon ako sa kanila. At saktong na aktuhan ko sila na kinukuhaan ako ng picture. Tatlong babae ang nandon, magaganda naman pero di ko type.
He's cute.kyaaahhhh
Oh my G.. he looks so hot.
Silly girls. Tiningnan ko sila ng masama bago ibinalik ang attention sa tanong ni Mommy.
"Don't worry Mom. Napaghandaan ko na ito. I'm not affected by what they said because I know to myself, I'm not what they think. Let them judge me, I don't care about it Mom. Bakit naman ako magpapaapekto sa mga sinasabi nila kung alam ko sa sarili ko na hindi naman totoo diba? Kaya it's not a big deal to me."
Ningitian ko siya para ipakita sa kanya na okey ako. Na totoo naman, hinding hindi ako magpapaapekto sa mga sinasabi o panlalait ng iba because they don't know who really am.
"So,Angelo How's school? Ilang buwan nalang at graduate kana. May planu kana ba?"
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mahal ko ang pamilya ko. My family is a family oriented. Kung baga,my freedom kami sa family na ito pero dapat you know your place and responsibilities in the family.
"Ahhhmmmp.. I'm planning to have a training in the family but please Dad let me start in the lower position. Gusto ko kasi matutonan lahat about managing company. Para naman mas mapalago ko pa ang pinaghirapan niyo ni Mommy."
Sumilay ang ngiti sa mukha ni Daddy pero kay Mommy naman ay gulat na hindi makapaniwala sa mga sinabi ko
"But,Angelo. You don't need to do."...Hindi natapos ni Mommy ang sasabihin nito dahil pinutol na ito ni Daddy.
"That is really good idea son. I trust you, don't worry I will do my best to train you. Pagsisipagan pa natin para mapaunlad ang company natin. This is not for us anyway,but this is for my future apo's. Right sweetie?"
Bumaling ito kay Mommy nung banggitin nito ang huling salita.
"Yeah. I am agree with that. Para sa inyo ni Anthonnete ang lahat ng pinaghirapan namin ng Daddy mo. Pero alam naman natin na ayaw ng kapatid mo na maghandle ng business natin. Iba kasi ang gusto nitong maging business."
Speaking of my little sister, nasa ibang bansa siya. Limang taon ang tanda ko sa kanya. At doon siya sa ibang bansa nag aaral. She is already college na din. And she's taking fashion designer. Simula bata, pag ske-sketch na ng damit at shoes ang hilig niya.
Close sila ng kapatid niyang iyon. Malambing ito sa kanya at sa pamilya nila. Pero huwag mo lang itong galitin dahil masama ito magalit. She will do everything para makabawi sa nanakit sa kanya o sa umaway sa kanya.
Kahit ganun ang kapatid niya ay mabait naman ito. Matulungin at mapagkumbaba din. Maganda din siya kagaya ng Mommy niya. Kung tutuusin nga ay magkamukha ito at ng Mommy niya. Pinagkaiba lang ay yung mata nito na minana naman sa ama. Ash gray din katulad niya.
"Don't worry Mommy, I won't fail you. I will do my best to make you proud of me."
Pag aasure niya dito. Na mas lalong ikinangiti naman ng Mommy niya.
"And son".singit ni Daddy. "After your graduation, I want you to married someone you love. So please, bilis bilisan mo. Tumatanda na kami ng Mommy mo. Gusto ko ding hawakan ang apo ko. I'm not getting younger anymore,and I am already 58 years old. Mag se-senior citizen na ako. "
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Daddy sa akin. Muntik pa nga akong mabulunan dahil sa biglang pag sabi niya ng mga katagang iyon sa akin.
"Daaad,, Seriously?!!! Am I too young for that?"
Tanong ko sa kanya.
Umiling iling habang hinihiwa ang steak na kinakain nito.
"You need to get married after your graduation,so better hurry to find your true love.Gusto ko na talagang magka apo"
"Psss.. what if naman kung pare pareho lang mga babae dad? Na walang tatanggap sa mukha ko?"
Tama naman,panu kung pera lang ang habol nila. Panu kung pera lang pala ang mamahalin ng babaeng makikita ko hindi yung totoong ako. Masasaktan lang ako.
Binitiwan muna nito ang kutsara at tinidor at hinarap ako.
"Anak, darating at darating yun. Asahan mo,hindi matapos ang taon na ito at makikita mo na siya. Pag nakita mo na,pakasalan mo agad. But make sure, she will love you who you really are,not money.
Napabuntong hininga nalang ako at tumango tango para hindi na humaba ang usapan.
Marahang hinaplos naman ni Mommy ang kamay ko atsaka ngumiti sa akin kaya ningitian ko nalang din siya pabalik.
Mahahanap ko kaya ang babaeng para sa akin yung tatanggap sa itsura kung to?
"Daddy,shall we go home na?"
Napabaling ako sa likuran ko nung makarinig ako ng isang familiar na boses.
Napakurap kurap ako nang makita ko siya.. Napakaganda niya. She really looks like a goddess..
Beautiful is not enough to describe her tonight.
Napatigil ako nung biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Parang nag slow motion ang lahat sa paligid. Wala akong ibang nakita kundi siya lang.
She looks more beautiful when she laughs,and that's weird.
"Angelo, are you ok? Parang tulala ka ata."
Nag-alalang tanong ni Mommy.
"I'm fine Mom. Don't mind me."
"Alright. So,honey shall we go? I know you're tired na din. Babalik pa naman tayo ng Maynila."
Baling ni Mommy kay Daddy na siyang ikinakunot ng noo ko naman.
"Babalik pa kayo ng Maynila Mom? Pero it will be a long ride for the two of you. And according to you, you're both tired. So,why don't you spend a night with me?
"No need son. We need to go back because my secretary called me that we need to go back because there's a problem happened at company. So, I need to fix it as soon as possible. Don't worry we will visit you again next time."
Malungkot na tumango ang Mommy sa akin. Anu pa ba ang magagawa ko? Hindi naman pwedi na pabayaan ang kompanya kapag meron itong problema. Kailangang lutasin agad para hindi na lumago pa ang problema. Napabuntong hininga nalang ako bago tumayo. It's already 9 pm at malayo pa ang Maynila kaya kailangan ay maka alis na sila. Dahan dahang tumayo ako at para na din maalalayan si Mommy.
"Kung uuwi talaga kayo, dapat ngayon na para di kayo masyadong gabihin.
Tumayo na din sila at inihatid ko na sila hanggang sa parking area. Nagpaalam muna kami sa isa't isa bago nila ako iniwang mag isa doon. Pagkaalis ng magulang ko ay umuwi na din ako.