Chapter Three

2816 Words
Continuation of THROWBACK ----------------------------+------------------------------ I am about to sleep na ng biglang nag flashback sa akin yung mukha ng lalaking nakita ko sa restaurant kanina. Yung mata nito na parang nag hihipnotismo. Yung gwapong mukha nito. Parang may kapareho eh. Para siyang familiar. Or siya talaga yun? Kasi yung nararamdaman ko sa tuwing tinitigan ko yung mata niya? Pareho eh. Kapag nakatitig ako sa mga matang yun, para bang mapapasunod ako sa gusto niya. At di ko maalis alis ang mga mata ko sa tuwing tumitig ako sa mukha nya. Pero di naman pweding iisang tao lang sila kasi napaka gwapo naman ng lalaking yun kesa sa lalaking palagi kong nakikita sa school. Arggghhh... Nababaliw na ata ako. Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa inis. Dumapa ako para matulog na pero bigla naman akong napabangon dahil nakita ko na naman sa balintataw ko ang mukha ng lalaking nakabangga ko noon na hanggang ngayon ay di ko parin alam ang pangalan niya. Madaling araw na ng mkatulog ako dahil sa subrang pag iisip ko sa misteryosong lalaking my angelic eyes na iyon. ********************** Dalawang buwan na ang lumipas, dalawang buwan na din simula nung makita ko ang lalaking nakabangga ko noon. Hindi ko na siya ulit nakita pa simula noon. Ganun din ang lalaking nakita ko sa restaurant, kapag pumunta kami doon ay pasimpleng hinahanap ko siya pero di ko na siya makita doon. Mag se sembreak na pala. Kaya busy na kami dahil malapit na ang final namin. Sa katanuyan nga ay madaling araw na ako naka tulog sa pag rereview. Kaya ngayon ay ina antok na ako. Pumunta ako ng library para mag study. Mamayang 2 pm pa naman ang next class ko at 11 palang. Naka lunch narin ako kaya mahaba haba pa ang oras ko. Humanap ako ng table na medyo tago para makapagbasa ng walang istorbo. Siyempre para maka idlip na din. Habang nag babasa ako ay di ko mapigilan ang sariling di makatulog. "Tsssskkk. Feel at home talaga. Ginawa pang bahay ang library." Nagising ang diwa ko nang may narinig akong nagsasalita. Unti-unting idinilat ko ang isang mata. At pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko si Mr.cute eyes. Yung panget na may cute na mata. Naka upo ito sa harap ko. Bale sa table na inuupuan ko ay may dalawang upuan na magkaharap at napagitnaan yung table. Ganun ang set up. At, Oo Mr. cute eyes nalang tawag ko sa kanya dahil di ko padin alam pangalan niya. Pupungas pungas akong umayos ng upo. At inayos ang sarili ko. Kakahiya naman at may nakakita pa sa akin. Panu pala kong tulo laway ako kanina habang nakatulog?napangiwi ako saglit. "Tulo laway pa kung makatulog. Tssk". Patuloy pa nito habang nagbabasa ng libro. "Whatttt!!!" Napatayo ako at napalakas ang boses ko. Tuluyan na nga akong nagising sa sinabi nito. Ssshhhhhh!!shhhhh!!! Rinig ko pang reklamu ng mga tao sa paligid ko kaya napaupo ako ulit. Tiningnan ko ito ng masama. Di parin niya ako tinitingnan. Kumuha ako ng maliit na salamin sa bag ko at tiningnan ang sarili ko. Nangunot ang noo ko dahil wala naman akong nakita na ebedinsya na tumulo laway ko kanina ah. And I hear him chuckles. So pinagtatawanan niya ako,ganun?napa make face tuloy ako. "Pinagti-tripan mo ba ako?" "No. It's not my fault kung uto-uto ka. " And then he smirk. Oh my gosh! Mas lalo siyang naging cute. Anung cute ka diyan. Tumigil ka nga, sinabihan ka nang uto-uto tapos may pa cute-cute ka pang nalalaman. At kasalanan mo namn dahil nag pauto ka. Sabi ng utak ko. Kinuha ko ulit yung libro ko para ipagpatuloy ang pag review ng maalala kong di ko pala alam ang pangalan niya. "Collen nga pala.Collen Hart. Ikaw,anung pangalan mo? Ilang beses na tayong nagkita at nakabunggoan pero di ko parin alam pangalan mo. Haha" Napatawa ako sa huling sinabi ko. Nilahad ko sa kanya ang kamay ko. "Angelo. Angelo Jake Ashton." Nakangiting inabot nito ang kamay ko. "So? Angelo, friends?" Nakangiting tanong ko habang di parin binibitawan ang kamay niya. "Friends." At nagshake hands ulit kami bago binitawan ang kamay ng isa't isa. "Transferre ka ba dito? Ngayong taong lang kasi kita nakita dito." Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa librong binabasa ko. Yeah, Pero bakit ka nag transfer? Personal reason? Kung makasagot naman to,ang tipid. Uso kaya unlimited ngayon? Di ata nito alam. Natural ba yang mata mo? Biglang tanong nito na kinataas ng kilay ko. Na siya namang pumasok ng kalokohan sa isip ko. Ngumiti akong binaba ko muna ang libro ko at tiningnan ito. Dumukwang pa ako ng mas malapit sa kanya yung malapit na malapit. Nung una di siya tumitingin dahil nagbabasa ito ngunit maya maya ay tumingin din ito sakin na parang naguguluhan. Nilapag muna nito ang libro habang di inaalis ang tingin sa akin. Pero bakas ang pagtataka. Nilapit ko pa sa kanya ang mukha ko na nakangiti parin.Yung ngiting nang aakit at nakakaloko. Hanggang sa mga 3 inches nalang ang layo. Napa atras ito ng kunti. Ngunit di ako nag patinag,nilapit ko pa ang mukha ko at tinitigan ito ng diritso sa mata. Naamoy ko na yung hininga niya at ang bango nito. Rinig ko din yung paglunok nito. "Anu sa tingin mo? Ikaw na ang mag judge kung natural ba o fake to." Utos ko sa kanya sa mahinang boses. Tamang tama lang na kaming dalawa lang ang makarinig. Nakita kong pinagpapawisan siya.Napalunok pa siya ulit at nandun padin sa mata nito ang pagkalito sa ginagawa ko kaya nilayo ko na ang sarili ko bago pa siya makagawa ng pagsisihan ko. Ngumiti ako ng malapad sa kanya ng maka balik nako sa upuan ko. Maya maya ng makabawi ito ay siya naman ang napatayo at lumapit sakin at.. Poinkkk. "Sira ka talaga. Anu bang pinang gagawa mo?" "Aray naman. Kung makabatok ka naman". Opo. Binatukan ako na kinagulat ko.sadista pala tong lalaking to. "Ehh, pinapakita ko lang sayo para malaman mo kung peke ba o hindi. Di ko sinabing batukan mo ko. Alam mo parang nagsisi ako na nakipag kaibigan pa ako sayo." Mahinang bulyaw ko sa habang hinihimas ang ulo ko dahil sa ginawa niya. "Di ko din sinabing ilapit mo yang pagmumukha mo para lang malaman ko kung totoo o fake yang mata mo. Sira. " Aba't tinawag pa akong sira. At dahil dun napa awang ang bibig ko dahil di ako makapaniwala na tinawag niya akong SIRA. "Baka mapasukan ng langaw yan. Ikaw din." Pagbabanta nito bago tumalikod at umalis. "Hoy!!!bumalik ka dito. Di ako sira." Sigaw ko sa kanya. Kaya ayun maraming masasamang tingin ang natanggap ko. Nag peace sign nalang ako sa kanila habang nakangiti. Di na ako ng aksaya ng panahon, binitbit ko ang mga gamit ko at hinabol ko siya. Nakita ko siyang papaliko na Kaya naman binilisan ko na rin ang takbo ko para maabutan siya. "Hoy. Hintay naman. " Di niya parin ako pinansin,kaya tumakbo na ako. "Ang bilis mo maglakad. Daig mo pa pagong mag lakad ah." Humawak ako sa braso niya dahil napagod ako sa paghabol sa kanya. At di naman siya nag rereklamo. If I know, gusto din nito na mahawakan ko siya. Ikaw ba naman ang mahawakan ng dyosa kung di mo gugustuhin. Di ba? "Mas mabilis ako sa pagong. Ikaw kasi,para kang sloth gumalaw." Napa pout ako sa sinabi niya. At na pansin kong sa harap na ako ng room na kung saan ang klase ko ngayon. Kaya nag paalam na ako. Siya naman ay sa next building pa. At madaanan talaga ang building namin. "Oh, bye bye na. Dito nalang ako. salamat sa time ah. Sa susunod ulit.Adios me amigo." Sabi ko sa kanya habang may payuko yuko pa akong ginawa sa harap niya. "Alam mo, Fc ka talaga." "Anung Fc?" "Feeling close.tsskk." Kita mo to, kitang nasa mood yung tao,tapos binubuko ako. Napasimangot ako sa sinabi niya. "Alam mo, FG ka." Napakunot ang noo nito maya maya pa ay tumaas ang isang kilay nito. "Anu naman yun?" "Feeling gwapo.tsskkk..bye bye na.kainis ka..ayoko na makipag friend sayo. " Pagkasabi ko nun ay naging blanko ang mukha nito at tinalikuran na ako. Kita mo to,siya pa may ganang mangbastos. Kainis talaga. Kinaway niya lang ang kamay niya habang naglalakad tanda ng pamamaalam nito. Pumasok na ko sa room ng may ngiti sa labi. After 3 months, meron na din akong kaibigan na malapit sa puso ko. Friend ko naman mga classmates ko,pero di masyadong close. (At si Angelo? feeling mo close na kayu?) Iba naman siya. Parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya eh. Last Throwback Promise last na to. ------------------------------------------------------------ Natapos na ang sembreak at ito na naman ako. Back to school na at papunta na ako ng school ngayon. Yung status naman namin ni Angelo ay mas nagiging close pa kami sa isa't isa. Nung sembreak nga ay panay ang usap namin sa Skype, Twitter, f*******:. Minsan tinatawagan ko siya sa number niya para kamustahin. Umuwi daw kasi siya sa kanila nung sembreak kaya sa tawag nalang kami nag kwentuhan. Dahil wala naman akong ibang friend kaya siya nalang amg kinukulit ko. Si Mom and Dad naman ay may trabaho. Nang tumigil ang sasakyan ay may tumigil na pampasaherong jeep at nag sibabaan na ang mga estudyanteng sakay nito at isa sa mga bumaba ay si Angelo. Mabilis akong lumabas ng kotse at nag paalam na kay Mang Berto. Tumakbo ako palapit kay Angelo. Nagulat pa ito ng makita ako. "Hello buddy. Kamusta?" Pa easy easy na bati ko sa kanya at tinapik tapik pa ang balikat nito na para bang mga tambay kami. Pero yung tingin ko ay di ko inaalis sa daan. Kahit 5'8 na yung height ko,hanggang balikat niya lang ako. Inalis nito ang kamay ko. Tumigil ito sa paglalakad kaya napatigil na din ako. Hinarap niya ako at nginitian. Sh*t na malagkit, Yung ngiti nito, makalaglag panty. Ang ganda ng pagka hulma ng lips. Ang pula pa. Di ko tuloy mapigilan ang di mapakagat sa sariling labi ko. Napatingin ako sa mata nito at ito na naman ang pakiramdam ko. Para akong nahipnotismo. Tumigil ata ang mundo eh. Di ako makagalaw. yung ngiti niya at mata ang ganda.Siyempre yung mata at labi lang.wag nyo na isama ang mukha. Mehehehe. Sorry friend. I'm just stating the fact. Stating the fact,pero pinagnanasaan mo? Awhhh. Isang pitik ang natikman ko sa kaharap ko ngayon. At ayon siya naglalakad na naman paalis kaya hinabol ko na. "Angelo. Alam mo bang nakita kita dun sa ******* street bumaba nung isang araw. Anung ginagawa mo dun?" Pasimpleng tanong ko na ngayon ay naka kapit na naman ako sa braso nito. Ewan ko ba. Gusto ko kasing humawak hawak dun pag magkasama kami. Minsan nga maraming bulungan ang naririnig ko sa ginagawa ko. Ang ganda pero pangit ang boyfriend. Tskkk. Ginayuma ata yung babae para makuha niya. Di siguro uso salamin kaya nabulag yung babae. Pero di ko sila pinapansin. Bahala sila magbulungan. Di naman totoo yun. "Dun ako nakatira. Sa ********apartment. " "Talaga?" Nagulat ako sa sinabi niya. Sa tagal na naming magkasama sa school pero ngayon ko lang nalaman na sa iisang street lang pala kami nakatira. "Alam mo bang before ng apartment na iyon ay bahay namin?" "Really? Magkapit bahay pala tayo kung ganun?" "Yeah. Mamaya sabay tayong uuwi para makita mo bahay namin. Gusto mo pakilala na rin kita kila Mom and Dad?" Patuloy ko habang patuloy din kami sa paglalakad. "Hindi kaba pagagalitan ng mga magulang mo dahil magsasama ka ng lalaki sa bahay nyo?" Pagtatakang tanong nito. Im sure,Mom and Dad will be happy pag nalaman nilang may kaibigan na ako. Palagi ko kasing na kwento sa kanila si Angelo kaya gusto din nila ma meet ito. Excited na ako. "No. I am sure of that. Mamaya ha. Sabay tayong uuwi. Hintayin mo ko sa parking area. Pag lumabas ako na wala ka dun. Magagalit ako sayo." Pagbabanta ko sa kanya. Nagpaalam na ako dahil nakarating na kami sa hallway papunta sa kanya kanyang building kung saan ang klase namin. "Oo na. Aral ng mabuti. Mamayang lunch, sa canteen. Hintayin kita dun. Libre ko na." Pagsang ayon nito na parang sukong suko na sa kakulitan ko. Talagang di ako papayag na di siya makasabay mamaya. Magagalit talaga ako sa kanya. At nung marinig ko ang sinabi nito na libre daw niya yung luch. Parang pumalakpak yung tenga ko.Makakasama ko naman siya sa pagkain. Eeehhhh.. Kilig na kilig ako sa narinig ko. Kaya di ko napigilan ang di mapangiti at tumango nalang bilang sagot. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa first subject ko. Natapos ang araw ko ngayon na masaya dahil kay Angelo. At ito nga ay magkatabi kaming binabagtas ang daan pauwi sa amin. Pinakilala ko muna sila ni Mang Berto sa isa't isa at sumampa na kami sa sasakyan. Napuno ng kwentuhan at tawanan naming tatlo ang loob ng kotse habang pauwi kami. At dahil dito ay unti unting nakilala ko ang tunay na ugali ni Angelo. Nang makarating kami sa bahay ay tamang tama naman na dumating si Mom at Dad. Tinawagan ko kasi sila na may ipakilala ako sa kanila. Kaya ayun, nag undertime sila ngayon. Pinakilala ko sila sa isa't isa at alam kong nagustuhan agad siya ni Mommy at Daddy. Nag uusap usap lang kami. At di narin muna ni Mom pinauwi si Angelo. Dito nalang daw muna siya kumain ng dinner samin sabi ni Mom. At habang nag di dinner kami ay biglang nagsalita si Dad. "By the way iho, alam mo ba na ikaw palang ang ikalawang kaibigan ni Collen na dinala dito sa bahay? Dati kasi meron siya kaibigan na akala niya totoong mabait yun pala pagnakawan lang kami. Sana hindi ka ganun." Malungkot na sabi ni Dad habang tinitingnan si Angelo. Di ko mapigilan ang di makonsensya ulit dahil sa inopen nito ulit yung issue na iyon. Meron kasi akong kaibigan noon. 1st year college ako noon at naging friend ko si Samantha. Akala ko dati mabait,pero nung kalaunan ninakawan niya na kami. Nagtataka kami nung una dahil nawala yung cash ko sa drawer ko. 20 thousands lang naman yun. Sinabi ko kila Mom at Dad pero di namin yun pinansin. Next naman sa room nila Mom, Jewelry niya naman. Dalawang kwentas na nagkakahalaga ng 100 thousands each. Dun na kami nabahala. Pinalagyan namin ng CCTV yung room namin. Pero yung maliit na hindi masyadong kita pag di mo nilapitan. Nung pumunta siya ulit,kinuha niya naman yung earings ko. Bingo!! Dahil may CCTV nakita namin na siya ang kumuha. Mula noon,di ko na siya kinaibigan. Iniwasan ko na siya. At simula din noon. Di na ako nag tiwala sa iba. Di na rin ako kumaibigan ng iba dahil sa nangyari. Pero past na yun. Alam ko na iba si Angelo sa kanya. "Naku sir, wala akong ugali na ganun. Makakaasa po kayu sa akin. Di ko po yun gagawin sa inyo. Pangako po." Nakangiting sabi nito at nakataas pa ang kanang kamay na animoy nangangako talaga. Tumango lang si Dad. Nag kwento din si Angelo tungkol sa family niya. Pero iniiwasan nito ang tungkol sa business nila na di ko maintindihan kung bakit. At nalaman ko din na meron pala siyang kapatid na babae. Mas matanda lang ako ng dalawang taon sa kapatid nito. After naming kumain ay nag paalam na si Angelo sa amin para umuwi. Sa paglipas ng mga araw ay di ko namalayan na unti-unti akong nahuhulog sa kanya. Palagi kong hinahanap ang mga mata nito. Ang presensya nito Ang lahat sa kanya. Di ko alam kung kelan nag simula. Basta pag gising ko isang umaga ay gusto ko nalang siya. Gusto ko siya makita araw araw. Gusto ko siya makasama. I also told Mom and Dad about this. Nung una di sila makapaniwala dahil nga sa itsura nito. Pero sa kalaunan ay natanggap din nila. Sabi pa nga nila ay wala daw silang magagawa pag puso ko na ang tumibok. Pag ito na daw tumibok, wala itong pinipiling tao, walang pilipiling oras o panahon. That's why, i am very thankful to have them as my parents. They are very supportive parents. Dahil sa sinabi ni Mommy at Daddy ay nagkaroon ako ng lakas na sabihin iyon kay Angelo. Na hanggang ngayon ay di niya parin tinatanggap sa di ko malaman na dahilan. Nung una ay iniiwasan niya ako. Pero di ako sumuko. Di ko pinapansin yung mga sinasabi niya na panget siya at maganda ako. Kesyo Di kami bagay na dalawa. Na totoo naman dahil tao kami at hindi bagay. Bahala siya basta ako,handa akong iparamdam sa kanya na mahal ko siya panget man siya o panget talaga. Kung anu man siya,tanggap ko siya at mahal ko siya. Di ako susuko hanggang sa makuha ko siya. Napangiti nalang ako dahil sa isiping iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD