Alas sais pa lang ng hapon ay nakahanda na si Gerard. Nakabihis na ito at mababanaag sa mukha nito ang sayang nararamdaman. Napakaguwapo nito sa suot na navy blue suit na tinernuhan ng Italian black shoes. Kalalabas lang ni Lianne sa banyo. Nakasuot siya ng puting roba at napupuluputan ng tuwalya ang kaniyang ulo. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa malaking salamin. Umupo siya sa harap niyon at pinagmasdan ang sariling repleksiyon. Hindi niya magawang ngumiti kahit anong pilit niya dahil hanggang ngayon ay kinakabahan siya. "Matagal ka pa ba, Lianne?" tanong ni Gerard na naroon sa kanang bahagi niya at tinitingnan din ang sariling repleksiyon sa salamin. "Kanina ka pa. Ang bagal mo kumilos." Kinuha nito ang signature watch na naroon sa ibabaw ng vanity table at isinuot iyon. "It's

