"How are you, Darling?" tanong ni Russel kay Mary Ann. Hinawakan niya ang kamay ng huli. Naroon silang dalawa sa tabi ng pool at nag-aalmusal. "Sorry kung hindi kaagad ako nakauwi." Nilagyan niya ng pagkain ang plato ng asawa. Alam niyang mahigpit ang diet ni Mary Ann kaya naman ay ingat na ingat siya na huwag ilagay sa plato nito ang pagkaing ipinagbabawal ng doktor. Ngumiti si Mary Ann saka pinisil ang braso ni Russel. "How is she?" "She's fine. I think..." Uminom ng kape ang bilyonaryo. "That's good, Darling. I bet you two enjoyed each other in bed." Mahina ang boses nito dahil sa iniindang sakit subalit mababanaag sa maputla nitong mukha na masaya ito para kay Russel at sa babaing minamahal ng asawa. "Mary Ann..." Hindi maituloy ni Russel ang sasabihin. Hindi niya kayang sabihin

