"Why don't you come with me, Honey?" saad ni Russel natapos ilapag ni Lianne sa mesa ang tinimplang kape. Alas singko pa lang ng umaga, naroon silang dalawa sa kusina. Paalis na kasi ang bilyonaryo at kagabi pa siya nito niyaya na sa mansiyon na tumira habang hindi pa sila nakakaalis ng bansa. Pilit naman siyang tumanggi dahil nahihiya siya sa sarili. Ayos na sa kaniya na pupuntahan na lang siya ni Russel sa bahay na binigay nito kay Manang Iska. Masyadong komplikado ang sitwasyon. Isa pa, pauwi mamayang hapon si Gerard at ayaw niyang makahalata ang asawa niya sa mga pinaggagagawa niya noong wala ito. Hindi muna sa ngayon hangga't hindi pa siya nakakapagdesisyon. Hangga't hindi pa niya nakakausap ang mga magulang. "I want to, Honey," tugon niya saka umupo sa kandungan ng bilyonaryo. Si

