Pasado alas kuwatro ng hapon nang magpasya si Lianne na umuwi na sa bahay nila ni Gerard. Hindi na niya isinama pa si Manang Iska at sinabihang sa susunod na araw na lang pumasok. Hapon na rin kasi at ayaw na niyang abalahin pa ito, tutal ay nangako naman si Gerard na magte-take home ng dinner nila kaya kahit hindi na magluto ay ayos lang. Saktong alas singko y medya nang tumigil ang sinasakyan niyang taxi sa tapat ng kanilang bahay. Agad siyang nagbayad saka bumaba na. Dinama niya ang kaniyang dibdib dahil sobra ang kaba niyon sa isiping baka naunahan siya ni Gerard sa pag-uwi. Halos manginig ang mga kamay niya habang inilalagay ang susi sa susian. Para siyang magnanakaw na dahan-dahang naglalakad papalapit sa main door. Pikit-mata niya iyong binuksan habang lihim na nagdarasal na sana

