Laking pasasalamat ni Lianne na tinanggal niya ang wedding ring kahapon bago sila umalis ni Manang Iska sa mansiyon. Panay kasi ang tingin ni Russel sa ring finger niya na para bang naniniguro kung may asawa na siya. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang paningin ang mga titig nito. Palagi niya itong nahuhuli na nakatingin sa kaniya kaya lalo siyang naaasiwa. Magkatabi sila ngayon ni Russel, nakaharap sa maliit na mesa na naroon sa kusina ni Manang Iska. Punong-puno iyon ng pagkain dahil nagpa-deliver ng lunch ang bilyonaryo. Mahigpit kasi ang pagtutol ni Lianne na kumain sa labas. "Ako na," saad ni Lianne nang mapansing panay ang lagay ni Russel ng lasagna sa plato niya. Naroon ding ipaghimay siya nito ng halabos na hipon kaya hindi na naman niya mapigilan ang kilig na nararamdaman. "I can d

