"I..." Napailing si Lianne at hindi maituloy ang nais sabihin. Sunod-sunod siyang napalunok ng laway dahil hindi niya inaasahan na magkakilala sina Issy at Russel. "He's my kinakapatid," seryosong saad ni Issy. "And I know all about you. Kuya Russel told me." Napakunot ang noo nito. "Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sinabi ni Kuya Russel na sa slum area ka nakatira. Na mahirap ka." Ipinakita nito sa kaniya ang picture nilang dalawa ni Russel. Panay ang swipe nito sa screen ng cellphone at kitang-kita niya sa picture ang masayang mukha ng bilyonaryo. Hindi na siya magtataka kung bakit namukhaan kaagad siya ni Issy pati na ng ina nitong si Felicia. Bumuntong-hininga si Lianne at dinama ang dibdib. Tila nawala ang epekto ng alak sa katawan niya dahil umatake na ang magkahalong

