Chapter 35

2011 Words

Ala una na ng madaling araw nang lisanin nila ang mansiyon ng gobernador. Halatang-halata sa mukha ni Gerard ang pagkabigo dahil hindi dumating ang taong inaasahan sana nitong dumating. Nakasimangot ito habang nagmamaneho pauwi. Maigi na lang at silang dalawa lang sa kotse. "See?" saad ng dad niya nang makarating sila sa bahay nila ni Gerard. Umupo ito sa sopa matapos tanggalin ang suot na coat. "Walang palabra de honor ang lalaking iyon." Naupo na rin si Gerard sa sopa na katapat mismo ng kinauupuan ng biyenang lalaki. Si Lianne naman ay nagpunta ng kusina para magtimpla ng kape. Sumunod sa kaniya ang ina. "Si Russel talaga," naiiling na saad ni Melinda. "Kaya naiinis sa kaniya ang dad mo. Ilang beses na siyang hindi sumisipot sa napag-usapang meeting." Wala imik si Lianne. Ayaw niyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD