"Hindi ko na ba talaga mababago pa ang desisyon mo, Lianne?" tanong ni Issy. Hinawakan siya nito sa braso at isinabit ang ilang hibla ng buhok niya na nakatabing sa kaniyang mukha. Nakalugay ang buhok ni Lianne kaya hindi maiwasang dumikit iyon sa basang mukha dahil sa pag-iyak. Umupo si Lianne sa mahabang sopa na naroon sa kaniyang kuwarto at umiyak nang umiyak. Awang-awa siya sa bilyonaryo pati na sa kaniyang sarili. Gusto niyang sundin ang itinitibok ng kaniya puso, ngunit kailangan niyang isaalang-alang ang nararamdaman ng mga magulang pati na ni Gerard. "You both love each other, Lianne. Mahal na mahal ka ni Kuya Russel." "Tama na, Issy, please. Gulong-gulo na ang utak ko." Humagulgol siya. "Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Oo, mahal ko si Russel, pero papaano naman si Ge

