Chapter 1
Disclaimer
No part of this book may be reprinted reproduced or utilized in any form or by any electronic, mechanical, or other means now known or hereafter invented, including photocopying and recording or any information storage or retrieval system without the author's permission.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Reminder
Hello po sa aking mga taga subaybay, mauuna po si Hunter at Ellie then, isunod po natin si Light and Madison. Mag ud na rin po ako sa "Pleasuring my Senyorita" Medyo inaayos ko lang po ng konti. Salamat and enjoy!
Ellie's point of view
Palihim akong umalis sa bahay para kausapin ang aking kasintahan. Narinig ko ang aking mga magulang na gusto nila akong ipakasal kay Mayor. Ayoko sa kanya, pero malapit ang mga magulang ko sa Mayor namin. Sa katunayan ay isa din ako na volunteer noong election. Ayoko man pero pinilit ako ng aking mga magulang dahil mas gusto kong manalo bagong lalaban na mayor. Nanalo siya ulit kaya mas naging malakas ang loob ng kanyang anak na siga-siga na naman sa bayan namin.
Nanliligaw din ito sa akin ang kanyang apo, ilang beses ko na siyang binasted pero makulit parin siya kaya sinagot ko na si Nick na kababata ko para tantanan na niya ako. Katulad din namin si Nick sa buhay, hindi man mayaman pero hindi naman nag hihirap dahil ofw ang kanyang Ama habang ang mga magulang ko ay may malawak na sakahan.
Mabilis ang aking lakad na may halong patakbo pa. Ilang saglit ay nakarating na ako sa harapan ng bahay nina Nick kaya agad akong kumatok. Ang kanyang Ina ang nagbukas.
"Ellie, aba gabi na bakit ka nadalaw?" Tanong ng Ina ni Nick na hindi pa alam na kasintahan na ako ng anak.
"May sasabihin lang po sana akong importante kay Nick Tita." Magalang na sagot ko.
"Sandali at gisingin ko."
Umalis na si Tita at napahinga ako ng malalim. Maganda rin ang bahay nina Nick, ang balita ko ay malaki ang sahod ng kanyang ama sa Saudi. Dalawa lang silang magkapatid habang ako ay nag-iisang anak. Ilang saglit ay paparating na si Nick, may itsura din naman siya. Ang nagustuhan ko sa kanya ay mabait siyang anak at tulad ko ay masipag mag-aral. Malapit na ang graduation namin ng high school at balak namin sa Manila kami mag-aral.
"Ellie, gabi na." Sabi niya na tumabi sa akin.
"Nick, narinig ko kanina na gusto ng mga magulang ko na ipakasal ako kay Mayor." Naiiyak na sambit ko na yumakap sa kanya.
"Ano!"Gulat din na sambit niya.
"Anong gagawin ko?"
"Magtanan nalang tayo." Sabi niya at nabuhayan ako ng loob.
"Hoy, Nick! anong magtanan na sinasabi mo? Hindi mo ba naisip ang iyong ama na nagpapahirap sa ibang bansa para pag-aralin ka?" Galit na sabat si Tita Selya na kanina pa pala nakikinig.
"Pero Nay mahal ko si Ellie, hindi ako papayag na makasal siya kay Mayor."
"Pumili ka kung sino ang mas matimbang Nick, kami ng mga magulang mo o si Ellie dahil kapag umalis ka sa bahay na ito ay kakalimutan mo nang may mga magulang ka!" Galit na sambit nito at napayuko ako.
Hinintay ko na magsalita si Nick pero wala na akong narinig pa. Mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang at naiintindihan ko naman siya kung hindi ako ang kayang pinili dahil mga bata pa kami.
"Aalis na po ako." Sabi ko na naiiyak. Kapalaran ko na atang maging asawa ng matandang mayor.
Umalis na ako sa kanilang bahay at patakbong bumalik sa aking kwarto. Sa bintana na ako dumaan dahil nanuod pa ang aking mga magulang sa sala.
Napagpasyahan ko nalang na kausapin sila kaya lumabas na ako sa aking kwarto.
"Inay, Itay." Sambit ko at napatingin sila sa akin.
"Bakit hindi ka pa tulog anak, may pasok ka pa bukas."
Lumapit ako at tumabi kay Itay.
"Inay, narinig ko po kayo kanina na gusto ninyo akong ipakasal kay Mayor." Sabi ko kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.
"Bakit ka umiiyak? dapat maging masaya ka dahil maging maalwan ang buhay mo. Matagal nang biyudo si Mayor at pasalamat ka dahil ikaw ang nagustuhan."
"Inay, ang bata ko pa at gusto kong makapagtapos ng pag-aaral." Naiiyak ko na sagot habang si Itay ay umakbay sa akin.
"Ellie makinig ka sa akin, matanda na si Mayor at kung legal kayong kasal ay mapupunta sa iyo ang lahat ng kanyang kayaman. Pwede ka namang mag-aral habang kasal kayo."
Wala na akong nagawa pa kundi umiyak ng umiyak habang inaalo ako ni Tatay. Sa sabay ay mas nangingibabaw ang boses ng aking Ina. Maganda kasi ito at maswerte ang aking ama dahil siya ang napili niyang pinakasalan. May kaya naman ang mga magulang ni Itay pero nang namatay sila ay pinaghati-hatian nilang anim na magkakapatid ang kayamanan ng mga yumao kong mga Lolo. Dahil likas na mabait ang itay ko ay hinayaan nalang niya ang kanyang mga kapatid na kunin ang kanilang mga gusto. Masaya na siya na napunta sa kanyang ang dose ektarya na sakahan at ilang alagang hayop na siyang ikinabubuhay namin ngayon. Si Inay naman ay nagtratrabaho sa munisipyo bilang sekretarya ni Mayor.
"Itay, ayokong makasal kay Mayor." Umiiyak na sambit ko at yumakap ng mahigpit sa kanya.
"Tama na, gagawa tayo ng paraan" Mahinang bulong niya kaya napatingin ako sa kanya at hinalikan niya ang aking noo.
Kinabukasan ay maga ang aking mga mata. Kahit sinabi ni Itay na gagawa siya paraan, may konti man akong pag-asa pero napakaliit ang aking chance dahil alam kong hindi niya kayang salangutin ang Nanay ko.
Pagdating sa paaralan ay sinalubong ako ni Dom.
"Balita ko gusto kang pakasalan ni Lolo." Nakangising sambit niya na nakatitig sa aking harapan dahil likas na malalaki ang aking mga hinaharap.
Hindi ko siya sinagot at nilampasan ko siya.
"Don't worry Ellie, nasa kabilang kwarto lang ako. Kung hindi kaya ni Lolo na pitirikin ang iyong mga mata ay handa akong ibigay saiyo." Malakas na pagka sabi nito at nagtawanan silang mag babarkada.
Kung malapit lang sana ako sa kanya ay nasampal ko na ang kanyang mukha. Pagdating ko sa room namin ay halatang inaabangan ako ni Nick.
"Ellie." Mahinang sambit niya ng nilampasan ko siya.
"Nick, naiintindihan ko." Sabi ko pero masakit parin sa akin, ang akala ko ay naiintindihin ko siya pero kung mahal niya ako ay bakit hindi niya kayang magsakripisyo.
Tahimik lang ako buong klase namin, mabuti at nasa kabilang seksyon si Dom kaya hindi niya ako masyadong inaasar. Sa break time namin ay hindi na ako lumabas pa.
"Ellie, tama ba ang narinig ko na ikakasal kayo ni Mayor?" Tanong ng aking kaibigan.
"Oo, Melai." Mahinang sagot ko.
"Naku, manyakis pa man din ang mayor na iyon kahit matanda na. Papayag ka ba?" Tanong niya at mabilis akong umiling.
"Hindi pa may Tita ka sa Manila na namamasukan sa isang mayaman na pamilya. Bakit hindi mo kontakin ang Tita mo."Mabilis kong kinuha ang aking telepono. May kapatid si Inay na Yaya ng mayayaman sa Manila. Matagal na siya doon at kahit naglakihan na ang kanyang mga alaga ay hindi siya pinaalis o hindi si umalis.
Mabuti at may numero siya sa akin kaya mabilis akong nagpadala ng mensahe.
Me: Tita, si Ellie po ito. Si Inay po, gusto niyang maikasal ako sa Mayor namin. Ayoko po Tita sana matulungan ninyo ako.
Ilang saglit lang ay may sagot na si Tita kaya mabilis kong binasa.
Tita: Ano, ang kapatid ko na iyan. Bakit ka ipapakasal doon eh matanda na iyon.
Me: Kaya nga po matanda na raw so Mayor at kung mamatay ay sa akin mapunta ang mga ari-arian niya.
Tita: Ang kapatid ko na yan, mukhang pera talaga. Lumuwas ka dito sa Manila at ako na ang bahala saiyo.
Me: Salamat po Tita.
Sobrang saya ko na niyakap ang aking kaibigan, ipinadala ni Tita ang Adress ng kanyang mga amo at binigyan niya ako ng instruction kung ano ang sasabihin ko sa mga guards para papasukin daw ako.
"Please huwag mong sasabihin kina Inay."
"Oo naman. Tama na ang kaiiyak mo. Tara mag snack na tayo." Aya niya sa akin kaya sumama na rin akong pumunta sa canteen. Nadatnan namin sina Dom kaya hindi na ako pumasok pa. Nagpabili nalang ako kay Melai ng memeryendahin ko/
"Lola, come join us." Malakas na sambit ni Dom at nagtawanan na naman silang magbabarkada. Napatingin ako kay Nick na mukhang galit. Anong silbi ang galit niya kung hindi naman niya ako kayang ipaglaban sa kanyang mga magulang.
Lumaba na rin ang aking kaibigan dala ang aking pinabili.
"Oo nga pala, hindi pa kayo ni Nick?"
Tumango ako " wala na kami." Sabay sabi ko.
"Ano, kailan mo lang siya sinagot ah."
Sinabi ko sa kanya ang nangyari kagabi at pati din siya ay napailing.
Mabilis na natapos ang aming klase at umuwi na ako. Nagulat ako dahil nadatnan ko si Mayor na naka upo sa aming sala.
"Mayor, nandito na pala si Ellie." Sabi ni Inay.
"Ellie kausapin ka ni Mayor." Sabi pa niya at iniwan na niya kami.
"Ang ganda mo talagang bata, tama lang ang paghihintay ko sa iyo." Sabi niya at kinilabutan ako.
"Alam mo bang noon pa may gusto ako saiyo? Pero ang bata mo pa noon. Hindi na ako nag-asawa pa muli dahil sa paghinhintay na dumating ka sa tamang edad. Huwag kang mag-alala Ellie, may edad man ako pero magaling ako sa kama." Sabi niya na halos masuka ako.
Mabuti at dumating si Itay, nagpa-alam akong pumasok sa aking kwarto at pinayagan naman niya ako. Pagpasok ko ay agad kong inihanda ang aking mga dadalhin. Tapos naman ang exam namin at kahit hindi na ako aatend sa graduation ay okay lang. Konting gamit lang ang aking dinala kasama ang aking birth certificate. Inilagay ko ang aking bag sa ilalim ng aking kama at saktong pumasok sa loob ng kwarto si Inay.
"Ikaw, nagsumbong ka pala sa Tita mo!" Galit na sambit niya.
Yumuko lang ako dahil gaya ni Itay ay takot din ako kay Inay.
"Huwag na huwag kang magtatangka sa puntahan ang Tita mo sa Manila dahil may mga galamay si Mayor doon at madali ka lang makuha. Pagkatapos ng graduation mo na ang iyong kasal." Sabi niya at iniwan na ako.
Kung magsalita si Inay ay parang hindi niya ako tunay na anak. Mabuti nalang at kamukha ko siya kaya hindi ko masasabi na ampon lang niya ako. Hindi na ako kumain pa, ang sabi ni Tita ay heneral ang kanyang amo at siguradong tutulungan niya ako.
Alas una ng umaga ay dahan-dahan ang aking kilos. Dumaan ako sa bintana at mabilis na tumakbo papalayo sa bahay. Sakto naman na may paparating na bus papuntang manila kaya sumakay na ako. Napaiyak ako sa takot dahil ito ang unang pagkakataon na sumakay ako sa bus at mapalayo sa aking mga magulang.
Kahit wala akong tulog ay nanatiling mulat ang aking mga mata hanggang sa nagliwanag na at alam kong malayo na kami sa probinsiya. Ilang oras pa ay nakarating na kami sa terminal ng bus. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Paglabas ko sa bus ay naglakad-lakad ako hanggang sa napalayo na ako at nakaramdam na ng pagod.
Nakita ko ang simbahan at sakto ata na first mass nila. Naisip ko na magpa-ampon nalang kaya ako sa simbahan. Nakaramdam kailangan kong gumamit ng cr.
Pumasok ako doon at habang naka-upo sa toilet ay inilabas ko ang aking telepono. Maraming tawag si Inay at mensahe. Ang mga tauhan ni Mayor ay papunta na raw dito sa manila at kung makita ako ay ikasal na daw kami agad. Nanginig ako sa takot, paano kung makita nila ako. Mabilis kong tinapos ang aking pag cr at paglabas ko ay may pumasok na lalaki. Hindi ko alam pero inalok ko ang aking sarili sa kanya. Mas maganda na gwapo ang maka una sa akin kaysa sa bulok na mukha ng mayor na iyon.