Special chapter 19

1005 Words

Aqua's point of view Nandito kami ngayon sa pabrika ng gawaan ng mga plato. Ang inaaplayan namin na trabaho ay taga pack at ilagay sa box. Napahinga ako ng malalim dahil ang tagal ng pila at ang init pa. Mabuti at nagdala ng tubig si Manyakis na Kricel. "Malayo pa ba tayo?" Inis nang tanong ko. "Malayo pa, ikaw naman kasi nagkipaglaro kapa sa mga bata. Eto ngayon tayo huling-huli sa pila kaya magtiis ka sa init. Hindi bale maitim ka na." Inis ding sagot niya. Sa inis ko ay itinulak ko siya at natulak din niya ang lalaking nasa harapan niya. "Sorry po Kuya, tinulak po kasi ako nito." Sabi niya sabay turo sa akin. "Okay lang miss kung kasing ganda mo naman ang magtulak sa akin. Gusto mo sa harapan na kita." Sabi ng lalaki. "Talaga Kuya sige." Agad naman na sagot ni Kricel na hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD