Light's point of view May magandang babae na hulog ng langit sa aking sasakyan. Mukhang pinagtripan siya kaya pagtripan ko rin siya pero sa malinis na paraan. Bored na ang mundo ko kaya kailangan ng libangan. Sumama ako sa hotel na tinutuluyan niya, ngayon ay mas nakikita ko na ng mabuti ang kanyang buong mukha. Maganda nga talaga siya pero hindi ko typ. Mas gusto ko yung babaing mahinahon magsalita gaya ni Mommy. Nakakapagod siyang kausap kaya humiga na muna ako sa kanyang kama. Pagpikit ko ay may pumasok sa aking ala-ala na hinahabol ako ng buwaya. Naglaligtas ako sa buwaya na iyon pero sumalubong sa aking ang maraming mababangis na wolf. Sa dami nila ay mabilis akong umakyat ng kahoy, pagkaalis nila akala ko ay safe na ako pero sa inakyatan ko na punong kahoy ay may nakapulupot pal

