Kricel's point of view Pareho kaming napapa hilot sa aming batok ni Daddy ng nakikipag bangayan na naman ang aking anak sa bago niyang coach. Pang limang coach na niya ito. Yung una ay taga dito at nakipag sagutan ito ng lengwahe nila. Ang sumunod ay isang puti pero marunong ding mag-english ang aking anak kaya hindi ito patatalo sa diskusyon. Ngayon ay isang Pilipino ang kinuha namin pero magaling magtagalog ang aking anak. Ilang saglit lang ay lumapit na sa amin ang kanyang bagong coach. "Ma'am sorry po pero kahit magaling at mabilis si Voda na lumangoy kung wala naman po siyang paki-alam sa rules ay hindi po pwede bka po ma disqualified pa po ang entire team." "Oh my God anong gagawin namin?" Malungkot nang tanong ko. "Yung lolo po kaya niya ang magturo?" "Hindi pwede ang tito k

