Ellie's point of view Mabuti at nasabihan ako ni Heart na alam na ng mga magkakapatid na Sandoval na sasali ako sa miss campus. Nalaman ko din ang ginawa nila kay Cindy. Mainit ang ulo ni Hunter kaninang tinanong niya ako tungkol sa paglihim na na sumali ako sa patimpalak. Naihanda ko naman na ang mga isasagot ko kaya mas lalo ata siyang nainis sa akin. Sigurado ako na hindi na siya matutulog sa kwarto dahil mainit ang ulo niya. Nagbukas ang pinto at si Tiya na dala ang aking pagkain. "Ellie anak, kumain ka. Inagahan ko na para matunawan ka bago ka matulog." "Salamat po Tiya, oo na po buong araw na nalang ako sa kwarto ko." "Kung hindi ka pa papasok bukas ay dadalhin ko ang wheelchair para magpainit ka, aba eh namumutla ka na." "Sige po tiya, hindi po muna ako papasok bukas. Masa

