Madi's point of view Hinang-hina kong humiga sa kama, halos hindi ko mapagdikit ang aking mga hita. Dinig ko siyang biglang napamura kaya iminulat ko ang aking mga mata. "Bakit?" Mahinang tanong ko. "Nothing Baby, maligo lang ako. Gusto mo bang sabay tayo, kaya kitang paliguan." Sabi niya na pumaibabaw na naman sa akin. "Akala ko ba may sakit ka?" Sagot ko na humahalik na naman siya sa aking labi. "Nagamot mo na Baby." Sagot niya pero mainit parin ang kanyang katawan. "Mauna ka nang maligo, gusto kong ideretso ang aking likod sa kama." "Are you sure babe?" Tanong niya na binalik-balikan ang aking labi. Ang akala ko kanina ay may ipinalit na siya agad sa akin dahil nadatnan kong may kayakap siya sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit ako naiyak kanina. Mabuti at hindi pa ako nakasakay

