Hunter's point of view Kahit paano ay nabawasan ang pagka-inis ko lalo na at nakayakap sa akin si Ellie na hindi niya ginagawa sa bahay at sa paaralan. Hanggang tabi lang kami dahil nahihiya daw siya pero ngayon ay para na siyang nanlalabing na ikinasaya ko. Pagpasok namin sa bahay nila ay nadatnan namin na nag-uusap ang kanyang mga magulang. "Eto na pala si Hunter." Sabi ng Nanay niya at nakatitig sa akin ang kanyang Itay. "Magkakamukha kayo, paano kung lokohin ninyo ang anak ko? Ako nga nagawa ninyong lokohin, anak ko pa kaya." Seryosong sabi nito. "Hindi ba sinabi ko saiyo ang dahilan kung bakit nagpalit na muna sina Dark at Hunter? Isa pa kilala ng anak natin si Hunter." Sabat ng Inay niya. Tinignan ko ng masama si Dark akala ko ba okay na kami ng Tatay ni Ellie. "Nandoon na ako

