Lee's point of view Alas otso na ang gabi ng maghiwalay-hiwalay kami ng aming mga new investors. Napahawak ako kay Jackie dahil muntik na siyang matumba. Hindi ko na napansin kung marami siyang nainom kanina. "Lee pakihatid mo ako sa kwarto ko nahihilo ako." Sabi niya na humawak sa aking braso. Napatingin ako kay Akhira na dumilim ang mukha. Kaya agad akong tumawag ng security para ihatid ni Jackie sa kanyang kwarto. "Bakit ka tumawag ng security?" Sila ang mag hahatid saiyo sa kwarto mo. I am too tired at napakalayo ng kwarto mo kwarto ko." "Why are you with Thisa?" "Iisang kwarto lang kami." Sabat ni Akhira. Hindi na ako umimik pa dahil mukhang nawala ang pagkalasing ni Jackie sa narinig. "What! One room, one bed? Lee? Why? " "It's not your concern anymore Jackie." Sagot ko n

