Chapter 50

1422 Words

The General's point of view Isa-isa kong binisita ang kwarto ng aking mga anak. Mula sa aking mga panganay, sumunod ang apat na kamukha ko. Napangiti ako ng mapait dahil malapit nang magkaroon na din sila ng sariling pamilya. Si Thunder at Snow ay pinili nang manirahan sa condo at tatlo naman ay kasama si Hunter sa probinsya ni Ellie. Sumunod na binisita ko ang aking mga bunso. Malapit na rin silang mawala sa akin, si Mira ay nasa bahay nina Kit at si Laurel ay nakay principal na. Ang babata pa ng mga anak ko na bunsong babae pero magpapamilya na rin sila. Kumatok ako sa kwarto nina Buloy at Jansen. "Itay!" Bati niya na agad yumakap sa akin, mabuti pa si Buloy dahil pinili niyang manirahan silang mag-asawa dito sa bahay. "Kumusta ang apo ko?" Sabi ko sabay hinaplos ang kanyang tiyan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD