Aqua's point of view Lumipas ang mga linggo at medyo na sasanay na ako sa amoy, ingay at lamig sa kinaroroonan namin. Dumating ang may-ari at sinabi niya na tutulong kami sa pag-alis ng mga balahibo ng mga tupa. "Kuya gawin pa ba natin iyon?" Bulong ko kay Kuya. Dahil halos 24/7 na kaming nagbabantay sa mga tupa. Hindi pwede na sabay kaming matulog at ang aking ihi ay brown na kaiinum ng tea. "Gawin nalang natin para bumait sila sa atin." Sagot ni Kuya kaya wala na akong nagawa pa. Iniwalay namin ang mga tupa na sobrang kapal na ang mga balahibo. Napamura ako sa aking isipan dahil mahigit singkwenta ang mga ito. Medyo mabagal kami sa umpisa hanggang sa bumilis na. "Sura! Sura!" Sigaw pa ng may-ari. Ang sarap isunod na kalbuhin. Sobrang sakit na ng aking likod dahil inabot kami ni Kuy

