Light's point of view Nagising akong masakit ang aking ulo, dinig na dinig ko na may mga tao sa aking paligid at pagmulat ko ay iba-iba ang kanilang kulay. May maputi at may maitim. "Sino kayo?" Mahinang tanong ko. "Anak ako ang Mommy mo at siya ng Daddy mo." Sabi ng maputi at magandang babae. "Mommy kita? ang ganda mo naman, pwedeng girlfriend nalang?" Tanong ko at naramdaman ko nalang na may bumatok sa akin habang ang mga pinaghalong mga nilalang ay tumatawa. "G*go! Ina mo gusto mong maging girlfriend." Sabi ng maitim na lalaki. "Anak siya ang Daddy mo." Sabi ng maganda kong Mommy. "Mommy, bakit ang itim niya"? Mahinang tanong ko at nabatukan ako ulit. Dumating ang doctor at dinig na dinig ko na amy amnesia daw ako. "Mommy, yakapin mo ako." Sabi ko sa aking Mommy. "Kami nalang

