Hunter's point of view Masaya ang umpisa ng araw ko dahil pagka gising ko ay nakayakap sa akin si Ellie. Halos isang oras din siyang nakayakap sa akin at kung hindi pa sana tumunog ang kanyang alarm ay hindi pa sana siya magigising. Nagkunwari akong tulog nang nagising siya, halos lumipad siya sa kama ng malaman niya na nakayakap siya sa akin. Mabilis siyang bumangon na pinatay ang alarm at ako naman ay nagkunwaring kagigising lang. "Babe, bakit ka nagmamadali ang aga pa." Sabi ko na dumapa sa kama at isinubsob ang aking mukha sa unan para hindi niya makita ang matamis kong ngiti. "B*be ka diyan g*go, ito na ang huling pagtulog mo sa kwarto ko." Sagot niya na pumasok na sa kanyang banyo. Ang sarap yakapin ng kanyang unan, halos ayaw kong bumangon. Natapos na siyang naligo pero naka

