Ellie's point of view
May bago kaming ka klase na dumating baka chicks na naman ni Hunter dahil siya ang naghatid dito. Patay malisya na lang ako at nagpasalamat kay Kael sa pagturo sa akin kung paano gamitin ang smartphone na ibinigay ni Emerald.
"You're welcome, bagay saiyo damit mo."
"Salamat." Sagot ko at inilagay ko na sa aking bag ang telepono dahil dumating na ang aming Professor.
Naramdaman ko na may nakatitig sa akin at napatingin ako sa gawi ni Heart. Pagtingin ko ay agad siyang ngumiti kaya nginitian ko din siya. Ang bagay na bagay sa kanya ang kanyang mga dimples, sayang lang dahil pinatulan niya ang maduming tukmol.
Natapos ang klase namin at sabay na kaming lumabas ni Kael, agad na nakita ko si Hunter pero hindi ko siya pinansin. Lalo na at kausap niya si Heart. Dinig na dinig ko kanina na mainit ang dugo ni Cindy kay Heart. Bahala sila, kung pag-aawayan lang nila ang malibog na lalaki.
Pagdating namin sa canteen, nahihiya si Kael na sumama sa akin sa mesa ng mga Sandoval kaya wala na akong nagawa pa kahit anong pilit ko. Nakaka intimidate naman kasi ang datingan ng tatlo lalo na kung sabay-sabay ang mukha nila na mag seryoso.
Habang kumakain ako ay dumating sina Hunter at Heart. Nagtataka tuloy ako dahil bakit gustong-gusto niya akong kausapin. Kahit nang natapos kaming kumain ay kaming dalawa ang nagsabay at humabol nalang si Kael. Pormal na kaming nagpakilala sa isa't-isa at nakiusap si Heart sa katabi ko na magpalit sila ng upuan. Kaya napapagitnaan na ako ngayon nina Kael at Heart.
Natapos ang kaklase namin na ako lang ata ang nagsusulat.
"Anong mga isinusulat mo?" Tanong no Heart.
"Mga salita na hindi ko maintindihan, medyo behind ako sa vocabulary." Pag-aamin ko at narinig din ni Kael kaya nang natapos ang klase namin ay agad nila akong tinungalan na isulat ang mga kahulugan ng mga isinulat ko na salita.
Nag ring ang aking telepono at si Emerald ito.
Emerald: Ate nasaan ka na, we are waiting.
Napatingin ako sa orasan mag alas singko na pala ng hapon halos trenta minuto na silang naghihintay.
"Heart, Kael salamat sa tulong. Mauna na ako, hindi ko na napansin ang oras." Sabi ko na patakbong lumabas sa room namin at iniwan ko ang dalawa.
Narinig ko pang tinawag ako ni Kael pero hindi na ako lumingon pa.
Mabilis akong tumakbo papunta sa parking at nasa labas ang isa sa quad na naka pamaywang.
"Thunder, sorry nagpaturo kasi ako sa ka klase ko." Sabi ko dahil salubong ang kilay niya.
"Pasok." Sagot lang niya at pagpasok ko ay agad akong humingi ng despensa sa kanilang lahat.
Napansin ko nalang na katabi ko si Thunder pero pagtingin ko sa harapan namin ay katabi ni Snow ang Kuya niya na parang si Thunder.
"Sorry." Sambit ko ulit hindi ko na alam kung sino ang katabi ko dahil ang hilig naman kasi nilang parehong naka puti amg t-shirt at pants.
"Sinong nag turo saiyo?" Inis parin na tanong niya ng umusad na ang sasakyan.
"Sina Heart at Kael." Mahinang sagot ko.
"May library naman tayo, sa susunod huwag kang magpaturo sa kanila. Ano sila Guro?"
"Mga salita lang naman na hindi ko alam."
"Sina Laurel at Adam matalino magpaturo ka sa kanila. Huwag na pala kay Adam baka siningilin ka pa niyan." Sabi niya at napatingin ako kay Adam na sa iPad lang naka focus.
Nakarating kami sa bahay na tsaka ko lang nalaman na si Hunter pala ang katabi ko dahil tinawag siya ng Daddy niya.
Pumunta na ako sa aking kwarto at dumating na din pala ang mga damit na binili ni Ma'am Summer. Hindi ko na muna binuksan, naligo na muna ako at mabilis na nagpalit ng damit pambahay. Pagkatapos kong naligo ay inilagay ko na sa inayos ko na ang mga damit at maraming underwear. Sobrang dami ang binili niya kahit hindi ako maglalaba ng isang buwan ay may damit parin akong isusuot.
Nang kumain na kami ay wala sina Ma',am at General. May pinuntahan daw sila na pagsasalo kaya kami lang ang kumain. Tahimik ang lahat at kaya tahimik din ako.
Tapos na akong kumain pero hindi pa ako tumayo dahil gusto kong ako ang maghuhugas, medyo nahihiya na kasi ako mga kasambahay.
Nang isa-isa na silang tumayo ay tumayo na rin ako at nagsimulang ligpitin ang pinagkainan namin.
"Ellie, kami na diyan." Sabi ni Tiya na papalapit na kasama ang tatlong kasambahay.
"Tutulong lang ako Tiya."
"Wala ka bang homework?"
"Wala Tiya." Sagot ko na nagsimulang nag hugas na at ang iba ay nililinis ang mesa, sahig at kamin na ni Tiya ang nagtulungan na mag hugas. Hindi daw trabaho ni Tiya ang mag hugas pero gusto niyang gawin lalo na sa gabi para matagal siyang nakatayo. Sobrang alaga siya ng kanyang katawan kaya kahit kwarenta mahigit na ay mukhang dalaga pa ang katawan.
Halos isang oras din kaming naghugas at medyo basa ang harapan ng aking damit. Pinatay na namin ang ilaw sa kusina at nagpa-alam na ako kay Tiya na pumunta na sa aking kwarto. Pagpasok ko ay hindi ko na binuksan ang ilaw dahil medyo gamay ko na ang aking kwarto. Kumuha lang ako ng sando ko na pantulog at dumeretso na sa banyo.
Nagsipilyo na din ako at lumabas na sa banyo. Humiga ako agad sa aking kama at nagulat ako dahil may katawan akong nahigaan. Agad akong umalis sa aking kama at binuksan ang ilaw. Isa sa mga quad ang nasa loob ng aking kwarto at mahimbing ang tulog. Lumapit ako at tinapik ang kanyang mukha.
"G-gising." Mahinang sambit ko at may pag-aalinlangan.
Bumukas ang kanyang mga mata at nakatitig sa akin sabay bumaba ang mata niya sa aking harapan. Napatingin din ako at agad kong kinuha ang unan para itakip ko sa harapan ko dahil halata ang aking u***g at kitang-kita ang pisngi ng mga dibdib ko dahil medyo maluwag ang suot ko na sando.
"Light?" Tanong ko at napangiti siya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Kanina pa kita hinihintay para tignan sana ang itinuro saiyo nina Heart at Kael." Sabi niya at natigilan ako dahil ang kausap ko kanina ay si Hunter. Sigurado ako na si Hunter ang aking nasa harapan. Ilang linggo palang ako sa bahay nila kaya hindi ko pa masyadong kabisado ang kanilang mga damit. Kaya lang ang problema sa ilang linggo ko dito ay hindi uso ata sa kanila ang mag-ulit ng damit.
"Okay na, hindi mo na kailangan na tignan." Seryosong sagot ko.
"Let me see, nasaan?" Tanong niya na umalis na sa kama ko.
Para matapos na ay kinuha ko sa aking bag at napapikit ako dahil naka panty lang ako at ramdam ko na nakatingin siya sa akin. Mabilis kong kinuha ang aking note book at inabot sa kanya. Pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit.
"Pakawalan mo ako, ano ba!" Malakas na sigaw ko pero malakas siya kaya napahiga ako sa kama at pumaibabaw siya sa akin.
Mabuti nalang at mabilis kong naipaling ang aking mukha kaya sa pisngi niya ako nahalikan.
"Ang seksi mo pala." Bulong niya at kinabahan ako. Gusto kong tawagin ang kanyang pangalan pero kailangan na magtiis na muna ako. Hindi niya pwedeng malaman na wala na akong amnesia.
Hinalikan niya ang aking leeg at dama ko ang mainit niyang labi na bumababa sa aking dibdib. Hawak niya ang aking dalawang kamay na nakataas malapit sa aking ulo. Hindi ako pumalag at kumukuha lang ng tiyempo.
"F*ck! I love your n*pples!" Bulaslas niya na biglang sinipsip ang aking d*nggot sa ibabaw ng aking damit. Nang nabitawan na niya ang aking mga kamay dahil sapo na niya ang aking mga dibdib ay mabilis ko siyang itinulak at malakas na sinampal ang kanyang pisngi. Sa sobrang lakas ng pagkasampal ko ay bumakat pa sa mukha niya ang aking palad. At nakaramdam ako ng hapdi sa aking palad.
"Isusumbong kita sa mga magulang mo!" Malakas na sigaw ko at napamura siya.
"You don't even know me who I am. May amnesia ka lang but let me tell you this. Ako ang naka una saiyo at hindi ako papayag na may susunod na iba. Ako lang ang dapat papasok diyan!" Bulaslas niya na itinuro pa talaga ang gitna ko.
"Sino ka ba?" Tanong ko pero naka ngisi lang siya. Lumabas na siya sa aking kwarto at napaupo ako sa aking higaan. Kailangan na hindi na muna ako magdamit ng mga bagong damit na ibinigay ni Ma'am Summer. Malibog talaga ang hunter na iyon at mahirap na. Napatingin ako sa aking damit na may bakat pa ng kanyang laway. Agad akong pumunta sa banyo at nag showert ulit dahil parang nararamdaman ko pa ang mainit niyang labi sa aking katawan.