Kricel's point of view Habang nagkukunwari akong tulog ay dinig na dinig ko ang bangayan at sigawan ng mag-ama. Narinig ko pa parang nasuntok kaya sumilip ako ng bahagya at si Sir Aqua na pinupunasan ang labi. Hiyang-hiya na tuloy ako dahil ako pa talaga ang dahilan ng pag-aaway ng mag-ama. Babangon sana ako pero wala naman akong damit kaya mas pinili kong magkunwaring tulog nalang. Hanggang sa marinig ko na parang lumabas silang mag-ama kaya mabilis din akong bumangon at dinampo ang aking mga damit. Deretso na agad ako sa banyo at kahit nanginginig sa sakit ang buo kong katawan ay mabilis akong nagbihis. Sa pagmamadali ko ay muntik pa akong napasubsub sa basurahan. Nang natapos na akong nagbihis ay umihi na muna ako at halos mapasigaw ako sa hapdi ng paglabas ng aking ihi. Masarap pal

