"Jasmine?" usal ko nang makita s'yang nasa loob ng kwartong pinasukan ko. Kakatapos lang ng paguusap namin ni kuya Ares sa opisina n'ya at ngayon nga ay dito n'ya muna ako pinapunta. Gusto ko rin munang manatili rito sa HQ para makibalita sa nangyayaring imbestigasyon. "Selena, nandito ka?" hindi makapaniwalang tanong n'ya. Nagulat siguro ito dahil hindi ako kasama sa school trip. "I-Ikaw din," pahayag ko. "Nabalitaan mo na ba?" tanong ko saka naupo sa kaharap n'yang upuan. "Lucky for you, you didn't go to that trip." walang emosyong pahayag n'ya. I don't know if she's being sarcastic but I don't like the way she talks. "Everyone's dying and here we are sitting." dagdag n'ya pa. "Alam kong nag-aalala ka kay Jayce pe---" "She's better died!" galit na sigaw ni Jasmine na ikinagitla ko.

