"Sino po si- Ayputanginakaaaa! Claude?!" Kulang na lang ay tumambling sa gulat si Warren ng makita ako sa labas ng bahay nila. "Sh*t! Muntik na akong atakihin sa puso dahil sayo!" saad n'ya habang hinahaplos ang kanyang dibdib. I don't know if he's exaggerating or nakalimot lang s’yang uminom ng gamot n'ya para sa saltik n’ya sa utak.
"Nandyan ba si detective Ares?" tanong ko rito kaya naman mas nilakihan pa nito ang awang ng pinto para makapasok ako.
"Bro, nanalamin ka man lang ba bago ka lumabas ng apartment mo?" tanong ni Warren habang nakasunod sa akin. "Para kang stress na tinubuan ng mukha. Namamaga yang eyebags mo at sabog naman yang buhok mo. Para ka ring tinakasan ng dugo sa katawan. Sabihin mo, hindi ka ba natulog magdamag?" dagdag na tanong n'ya pa.
"Hindi. 'Di ko na rin namalayan ang oras." sagot ko sa kanya saka isinandal ang likod ko sa sofa habang nakatago ang dalawa kong mga kamay sa bulsa ng suot kong hoody jacket. "I need to talk to detective Ares." usal ko.
“Detective Gurang!" malakas na sigaw ni Warren pero bigla namang sumulpot sa tabi niya ang detective saka s'ya nito binigyan ng malakas na batok sa ulo. "Ouch! What the hell was that for? Isusumbong kita kay ate!" parang bata na ngawa ni Warren habang hinihimas ang ulo na natamaan.
"Bantayan mo si Ella. May kukunin lang ako sa kwarto." utos sa kanya ni detective Ares. Sinundan n'ya naman nang masamang tingin ang detective habang papalayo ito sa amin.
"Did you see that? Humanda s'ya kay ate, isusumbong ko talaga s'ya. Claude ikaw ang tatayong testigo sa ginawa n’yang yun sa akin. Ang gurang na ‘yun, nakakarami na s’ya."
"Close na close talaga kayo ng bayaw mo." sarkastikong pahayag ko dahilan para mapangiwi sa pandidiri si Warren. "The more you hate, the more you love." dagdag ko pa dahilan para mas lalong sumama ang mukha n'ya.
"So creepy, bro! Magmumog ka nga ng zonrox mamaya." inis na pahayag n’ya.
Nabaling ang tingin naming dalawa ng marinig ang cute mumbles ni Ella. Gumagapang ngayon ang 2 years old na batang babae papunta sa direksyon namin. She keeps on mumbling with frustration whenever she failed to stand up. Ang cute lang.
"Awwtts! Baby come to your handsome uncle!" saad ni Warren. Biglang lumawak ang ngiti ni Ella dahil sa mga make faces na ginawa ng abnormal nitong tito. "Is that for me?" tanong ni Warren ng makita ang hawak na lollipop ni Ella.
"No no no no." usal ni Ella pero imbis na pakinggan ang bata ay kinuha ni Warren ang lollipop at tinanggal ang balat nito saka mabilis na dinilaan. Ella's expression was priceless when she saw her lollipop being eaten. Mayamaya pa ay tuluyan ng umiyak nang malakas ang pamangkin ni Warren.
"Ano na namang ginawa mo?" tanong ni detective Ares habang hinihilot ang kanyang sintido. "Samahan mo muna s'ya sa playroom." muling utos sa kanya ng bayaw n'ya. Wala namang nagawa si Warren. Binuhat n’ya ang umiiyak na pamangkin habang pinapatahan ito. Siraulo kasi pati ba naman bata ay inaagawan n'ya pa ng pagkain.
Nang makaakyat na ang dalawa ay saka lang ako hinarap ni detective Ares. "You look like hell, Claude. Ano na naman ang pinaggagawa mo sa buhay mo?" tanong n'ya saka may inilapag na folder sa center table na kaharap naming dalawa. "Hindi mo rin ako sinipot kahapon." dagdag pa n'ya.
"I think Mr. Dee's death is connected to my brother's case." bulaslas ko. Walang gumuhit na kahit anong pagkabigla o pagkunot ng noo sa mukha ni detective Ares.
"Last time sinabi mo sa akin na konektado ang pagkamatay ng taong grasa sa Albama pero ayon sa investigasyon ay napagtripan lang ito ng mga lasinggo sa daan. Isang beses naman, sinabi mong baka ibinita ang kuya mo sa mga foreigner kagaya ng ginawa sa mga hostess sa Premana Bar noong nakaraang taon. At ngayon ito naman?" seryosong pahayag ni Detective.
Well, I can explain. Hindi pa ako ganun kagaling mag-analyze nun ng sitwasyon. Now, I'm getting better on gathering data and think outside the box like a professional detective. At saka malakas talaga ang kutob ko na connected si Mr. Dee sa kaso.
"Nabalitaan ko that you also skipped your class yesterday. Claude, you're ruining your life. Sinabi ko naman sayo na kami na ang bahala sa kaso ng kapatid mo." Frustration is now drawn all over his face. "Sorry to tell you this pero hindi ka nakakatulong, Claude. My team are doing their best to find your brother pero para matahimik ka ay pagbibigyan kita sa huling pagkakataon. Titingnan namin ang murder case ni Mr. Dee."
"Good."
"But this will be the last time that you'll get involve to your brother case. You're still young, Claude. Go out with your friends, find a girlfriend and live your life like a normal teenager. Hindi yung lagi kang nasa loob ng apartment mo at nagkukulong para lunurin ang sarili mo sa pag-iisip." I know that he is just being concern pero he know very well kung bakit ako nagkakaganto.
"Thanks detective." saad ko bago tuluyang tumayo sa kinauupuan ko at lumabas ng pamamahay nila.
"Claude!" tawag sa akin ni Warren saka mabilis na tumakbo sa kinatatayuan ko. "Nagyayaya si Zeal ng basketball. Game?"
I think tama naman si detective, I need to live my life pero kahit ganun ay hindi ko pa rin papabayaan ang paghahanap kay kuya. "Okay!" sagot ko kay Warren.
"4pm sa west court. Kitakits!" sabi n’ya bago tuluyang pumasok ng bahay nila.
Bago bumalik ng apartment ay nagpasya akong dumaan muna convenient store para bumili ng mga instant food. Simula ng umalis ako sa bahay ni dad noong nakarang taon ay natuto na akong tumayo sa sarili kong mga paa nang walang natatanggap na suporta mula sa kanya except sa libre na tuition fee ko sa school dahil pagmamay-ari n'ya naman yun. Kung pwede nga lang lumipat ng school ay ginawa ko na kaya lang hindi sapat ang naiwang pera ni mama. Baka nga pagtungtong ko next year sa college ay maga-apply na ako for part-time job para suportahan ang sarili ko.
Pumunta ako sa beverage section para kumuha ng malamig na maiinom nang maabutan ko ang pamilyar na babae nakatingkayad habang may inaabot na inomin... si Jasmine. I decided to help her since nandun na rin naman ako.
"Here." Abot ko sa kanya.
"C-Claude..." gulat na sambit n'ya sa pangalan ko bago ibaba ang tingin sa hawak ko at kunin sa kamay ko ang inumin n'ya. "T-Thank you."
"Welcome." saad ko saka kinuha ang energy energy drink sa katabing freezer.
"Malapit lang din ba rito ang bahay mo?"
"Oo. D'yan lang ako sa kina Ms. Fedral." sagot ko. Kilala si Ms. Fedral dahil sa mga apartment na pinapaupahan nito malapit sa Academy.
"Talaga? Anong apartment number mo?" manghang tanong n'ya.
"405. Bakit?"
"Number 106 kami ni Jayce. Nasa iisang apartment lang pala tayo." nakangiting pahayag n'ya pero mabilis din s'yang umiwas ng tingin sa akin ng may mapagtantong kung ano.
"Cool." usal ko saka tipid na ngumiti sa kanya.
"Jasmine! Nandyan ka lang pala."
Nalipat ang tingin namin ni Jasmine dahil sa pagdating ni Jayce. Hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin.
"Let's go Jas. May pupuntahan pa tayo." pagaya nito kay Jasmine bago kunin ang inumin at pagkaing dala ng kaibigan.
"Thank you ulit, Claude. See you on monday."
Tumango lang ako bilang tugon sa kanya bago sila sundan ng tingin. Talaga nga atang may galit sa akin ang Jayce na yun.
***
"Claude!" tawag ni Zeal. Nakasunod naman sa kanya ang pinsan n'yang si Paxton na halatang inaantok na naman dahil sa papikit-pikit nitong mga mata. Siguro ay napilitan na naman itong sumama kay Zeal. Kawawang bata. "Buti naman at sumama ka na sa amin. Don't worry, after natin magpapawis ay ililibre daw tayo ni Warren ng miryenda. Hahaha!"
"At kelan pa nanglibre ang isang 'yun?" pagsingit na tanong ni Paxton habang nakahiga na sa mahabang bench at nakatalikod na nakatagilid sa amin.
"Tangina naman Paxton! Matutulog ka na naman. Maglalaro pa tayo!" sigaw ni Zeal saka malakas na sinipa sa pwet ang pinsan n'ya. Gumulong naman pabagsak si Paxton.
"Hayop ka dugong!" asik ni Paxton. Nauna kasing tumama ang mukha n'ya sa semento dahil sa ginawa ni Zeal.
Hindi na ko mapigilang matawa dahil sa palitan ng mura ng dalawang kaharap ko. Hindi lang yun, para rin silang mga kawala sa mental dahil sa suntukan na hindi naman tumatama sa katawan nila.
"Oi sali ako!" tumatakbong sigaw ni Warren. Ibinato n'ya sa akin ang bolang hawak n’ya saka lumapit sa dalawa at sumayaw. Akala n'ya siguro may budots na nagaganap.
"Teka bakit walang music?" pahabol na tanong n'ya na mas lalo kong ikinatawa. "Hala nababaliw na si Claude."
Natigil lang ako sa pagtawa ng harapin ako ng tatlo. "What?" tanong ko sa kanila.
"Nakaka-inlove ang tawa at ngiti mo." usal ni Warren dahilan para samaan ko s'ya ng tingin. "Oh diba? Ganyan din ang naramdaman ko ng sabihin mong close kami ng gurang na yun. Its Ewwww." dagdag n'ya pa.
Nagsimula na kaming maglarong apat. Kakampi ko si Paxton samantalang sina Warren at Zeal naman. Nag-fist bump pa ang dalawa bago kami nito pakitaan ng thumbs down na para bang sinasabi nilang 'you two are going down.'
Tingnan lang natin.
Perfect duo. 'Yan ang mailalarawan ko sa aming dalawa ni Paxton. Hindi ko akalain na ang matamlay n'yang pangangatawa at awra ay may ibubuga rin pala sa basketball. Akala ko ay bibigay agad ito dahil sa init at pagod pero masyado akong naging judgemental. Halos s'ya lang ata ang nakakagawa ng puntos sa aming dalawa pero kahit papaano ay may points din naman akong naiaambag.
"Nice one Paxton!" sigaw ng babae kaya agad kaming napalingon sa direksyon n'ya. Si Selena ang sumigaw at kasama n'ya ngayon si Ryu na blanko lang ang mga matang nakatitig sa direksyon namin. "If you don't mind, manunood kami ni Ryu." pahabol na sambit ni Selena bago maupo sa bench.
"Cheer for me babe!" sigaw ni Warren kay Selena saka n'ya ito kinindatan pero umakto naman na nasusuka si Selena bago ituon ang atensyon kay Paxton na halatang type na type nito. "Go Paxton! Pabagsakin mo ang mga mukhang telettabies na yan!"
"Chee-- lets go!" sigaw ni Zeal ng makatanggap nang nakamamatay na tingin mula kay Ryu nang akmang gaganyahin na sana nito si Warren.
My friends are hundred percent idiots pero kahit kailan ay hindi ko pinagsisihang kinaibigan ko sila. Ang cheesy bang pakinggan?
Tumagal pa nang kalahating oras ang paglalaro naming apat. Lahat ay ayaw magpatalo lalo na sina Zeal at Warren dahil alam nilang napapahiya na sila sa dalawang nanunood.
"Hahaha! Ang bobo mo Warren! Epekto yan ng kaka-lollipop mo!"sigaw ni Selena. "Paxton! Ilampaso mo silaaaaaa." sigaw n'ya pa na halos mag-hello na rin sa amin ang ngalangala n'ya.
"Tumahimik ka pusit!" iritang sigaw naman ni Warren.
Sa huli ay kami ni Paxton ang nanalo. Tulad ng pinag-usapan ay manlilibre ng miryenda ang natalo. "Warren. Ikaw muna. Wala akong dalang pera." nakasimangot na sabi ni Zeal saka ipinakita ang walang lamang wallet.
"Maniwala ka jan. Kakakupit n'ya lang kanina sa tindahan ni tita." panlalaglag sa kanya ng pinsan n'ya. "Check n'yo yung bulsa n'yan." dagdag pa ni Paxton.
Mabilis na kumaripas ng takbo si Zeal ng makita ang paghakbang ni Warren papalapit sa kanya. Ending, naghabulan ang dalawa paikot sa court.
"Sa Albama na lang tayo." sabi ko kay Paxton.
"Agree. Wala nang sasarap sa bulalo nila dun." segunda naman nito. "Gisingin mo na lang ako kapag tapos na ang dalawa." sabi pa nito bago tuluyang mahiga sa bench.