THIRD PERSON POV
Isang malakas na sampal ang natanggap ng isang dalaga mula sa matandang lalaking kaharap nito. Hindi na n'ya magawang ibalik ang tingin sa matanda dahil sa matinding takot na pumipigil sa kanya ngayon. Dahan-dahan s'yang napayuko bago ipako ang mga mata sa kanyang sapatos.
Kahit ilang sapatos at magagandang damit pa ang ibigay sa kanya ng matandang lalaki ay mas pipiliin n'ya na lang na bumalik ulit sa kahirapan kesa bugbugin siya nito ng paulit-ulit pero dahil sa mabigat na kasalanang nagawa n'ya ay imposible na n'ya makamit ang kalayaan pwera na lang kung kamatayan na ang naghihintay sa kanya.
"Ilang taon ka nang nagaaral sa paaralang yun pero hindi mo pa rin ako mabigyan ng maayos na impormasyon! Mukhang nakakalimutan mo ata ang dahil kung bakit ka napunta sa sitwasyong ito!" asik ng matandang lalaki saka nito hinampas sa ere ang hawak na tungkod dahilan para mahagip at mabasag ang mamahaling vase na katabi nito.
"Nadagdagan na namang muli ang utang mo." saad ng lalaki bago isandal sa malambot na upuan ang kanyang likuran habang nakatingin sa basag na vase. "Ayusin mo ang trabaho dahil kung hindi ay buhay mo rin ang magiging kapalit sa pagpatay mo sa anak!"
***
Nakatulala lang sa kawalan ang dalaga habang nakatitig sa labas ng bintana ng kanyang kwarto o mas itinuturing n'yang prisinto. Matapos ang mga nangyari sa pagitan nila ng matanda ay wala s'yang ibang inisip kundi ang mga huling sinabi nito. Gusto n'yang iiyak lahat ng saloobin n'ya pero ni isang patak ng luha ay walang kumakawala sa mga mata n'ya. Siguro ay namanhid na s'ya at nasanay sa sakit at takot na dinanas n'ya sa pananatili ng ilang taon sa poder ng matandang lalaki. Kung kamatayan man ang naghihintay sa kanya ay tatanggipin niya iyon para lang makalaya sa kamay ng matanda.
Dahan-dahang naglakad ang dalaga sa harap ng vanity mirror saka pinagmasdang mabuti ang sarili. Nakita n'ya ang namamagang pisngi kaya naman kinuha n'ya mula sa drawer ang liquid concealer at compact powder para ayusin ang sarili para sa pagpasok sa eskwelahan.
"Pagkatapos ng school trip..." bulong n’ya sa sarili habang nakatingin sa kanyang pulso. "Magiging malaya ka na, k-kaunting tiis na lang." Isinuot ng dalaga ang itim na wristband na lagi n'yang isinusuot para matakpan ang pilat na ginawa n'ya ng magtangka s'yang magpakamatay pero mukhang sinisipa s'ya pabalik ni kamatayan. Dahil ba hindi n'ya pa nagagawa ang masamang balak ng matanda kaya hindi pa s'ya ipinapasundo ni Satanas?
CLAUDE’S POV
“Tara na!” aya ni Warren kay Zeal ng makitang dumating si Jayce. Mabilis naman umiling si Zeal at yinakap ang back rest ng upuan n’ya nang hilahin s’ya ni Warrren. Nakabaliktad kasi s’ya ng upo habang nakaharap sa akin.
“Ano ba, ayoko nga. Tutal ikaw rin naman ang nakaisip, ikaw na rin ang mag-execute ng plano mo.” pagtanggi ni Zeal habang masama pa rin ang tingin kay Warren.
”T*ngina! Ang KJ n’yo talaga kahit kelan!”
“I dare you! Kapag nagawa mo ang plano mong makuha ang number ni Jayce ay ililibre ka namin ng lunch for the whole week.” nakangising panghahamon ni Zeal. Mabilis ko namang sinipa ang upuan n’ya dahil sa ginawa n’yang pangdadamay sa akin.
“Wag mo kong idamay. H*yop ka!” mura ko rito ng masangkot ang pangalan ko.
”Ano ba yan! Hati nga tayo ng gastos.” pakamot-kamot sa saad ni Zeal.
“Ang lakas mong manghamon tapos wala ka naman pera.” umiiling na pahayag ni Warren na parang nanghahamon pa. “Ganito na lang kapag nakuha ko ang number ni Jayce ay ikaw ang maglalaba ng brief k--”
”P*ta! Ang baboy mo naman!” sigaw ni Zeal dahilan para mapatayo ito sa kinauupuan n’ya at kunwari’y padabog na sinipa ang armchair. “Game! Kapag natalo ka, ikaw maglalaba ng brief ko. Bwahahaha!” nakangising pahayag n’ya pa habang pinagkikiskis ang dalawa n’yang palad.
Sa aming tatlo, masasabi kong si Zeal ang pinaka may saltik sa utak. Naikwento n’ya sa amin noon na aksidente s’yang naibagsak ng nanay n’ya ng sanggol pa s’ya kaya baka nga yun ang dahilan kung bakit mukha s’yang takas sa mental.
Pinagmasdan namin ang paglapit ni Warren kay Jayce. Halatang kabado-bente ang mokong. Hindi mapigilan ni Zeal ang pagtawa ng mahina nang makita ang tindig ni Warren. Hindi ko alam kong naiihi ito sa kaba o tuluyan ng natae sa brief n’ya.
Habang nakatayo kasi s’ya sa harap ni Jayce ay nakapwesto ang dalawa n’yang kamay sa likuran habang mga paa naman n’ya ay halatang hindi mapakali. Kumikimbot ba ang g*go?
”Jayce…” usal ni Warren dahilan para mapaangat sa kanya ng tingin ang babae at titigan s’ya ng sobrang sama. “Hmm. K-Kung okay sayo, can I have your number?” at sa wakas nasabi na n’ya. “Well, lahat ng classmate natin ay may number sa akin. Alam mo na, in case of emergency. Hehehe.” pagdadahilan n’ya pa.
”Motherf*cker!” saad ni Zeal ng makitang kumuha ng papel at ballpen si Jayce saka may isinulat bago yun ibigay kay Zeal.
Nang makuha ang pakay n’ya ay parang tangang patalon-talon na lumapit sa amin si Warren. “Bwahahaha! Sa akin pa rin ang huling halakhak!” saka ibinigay ni Warren ang papel kay Zeal.
”P*ta ka talaga!” bulong ni Zeal habang binubuksan ang nakatuping papel. “Wahahahahahahaha!” Halos mangisay sa kakatawa si Zeal nang makita ang nakasulat sa papel. Dahil sa matinding kakatawa ay hindi na s’ya makapagsalita nang maayos kaya naman inagaw ko na sa kanya ang papel.
Die dickheads! - Iyon ang nakasulat sa papel kaya nagsimula na rin akong matawa.
“Sige. Tumawa kayo! Mga walanghiya kayo!” nakasimangot na saad ni Warren.
”T-Tamang-tama. Hindi ako naglaba ng mga brief ko nung weekend.” tumatawang saad ni Zeal na mas lalong nagpasama ng mukha ni Warren.
Mabilis kaming napaayos ng upo nang dumating ang professor namin sa social studies na si Mr. Robert. Hindi halatang favorite color n’ya ang brown. Halos araw-araw na lang kasi yun ang kulay na suot n’ya. Pati bag at sapatos ay yun din ang kulay kaya mas kilala s’ya rito sa school sa pangalang professor Brown.
“Mukhang masaya ang lahat.” seryosong pahayag n’ya habang sinisilip kami sa pagitan ng suot n’yang naninilaw na eyeglasses. “Magaganap ang school trip sa susunod na buwan make sure na matatapos n’yo lahat ng activities and assignment sa subject na ito dahil kung hindi ay hihilahin ko kayo isa-isa pababa ng bus.” banta n’ya dahilan para mapaungol ang iba sa sobrang pagkadismaya.
Nagsimula nang magbigay ng activities si professor Brown. Kahit ako ay naiinis dahil ginagawa n’yang pagpapahirap sa amin ngayon. Hindi na ako magtataka kong s’ya ang no. 1 sa listahan ng mga estudyante na pinakaayaw nilang professor dito sa academy.
Nang matapos ang klase ay mabilis na nagsilabasan ang lahat. Nagpasya kami nina Zeal at Warren na pumunta munang canteen dahil may 30mins break pa kami bago ang sunod na klase pero hindi pa kami nakakapasok ng may mga estudyante ang nagsisigawan at tumatakbo palabas ng canteen.
Hindi lang yun basta-bastang pagpa-panic. Kitang-kita sa mga mata nito ang sobrang takot.
“T-Teka, anong nangyari sa mga ‘yun?” narinig kong tanong Zeal. Nagkibit-balikat naman si Warren saka naglakad papasok ng canteen kaya sumunod na lang kami.
“Ahhhh!” sigaw ni Aling Marta na napaupo na lang sa sahig. Si Aling marta ang headcook sa canteen ng academy. Agad na lumapit ang dalawa para alalayan sa pagtayo ang takot na takot na matanda.
”Aling Marta, ano pong nangyayari?” tanong sa kanya ni Warren pero imbis na sumagot ay may itinuro lang ito sa pinto ng kitchen.
Sinundan ko ang itinuro nito saka naglakad papasok sa kusina. Nang una ay wala naman akong nakitang kakaiba. Nakalatag sa chopping board ang mga karne at sangkap para sa lulutuing mga ulam pero nang silipin ko ang malaking kaldero na nakasalang sa mainit na kalan ay nakita ko ang pugot na ulo ng babae. Mabilis akong napaatras dahil sa matinding gulat bago bumangga sa mahabang mesa.
”Claude! Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Warren.
“M-May pugot na ulo.” halos pabulong na saad ko. Akmang titingnan na sana ni Warren ang kaldero ng pigilan ko ang ito. Hindi ko na napigilan ang pagbaliktad ng sikmura ko kaya naman nasuka na ako sa harap n’ya.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Warrren.
Doon ko lang din napagtanto na hindi karne ng baboy o baka ang mga nakalatag sa malaking chopping board kundi katawan ng tao. Kilala ko ang babaing ‘yun. S’ya ang katulong ni Aling Marta sa pagluluto ng mga pagkain dito sa canteen.
“Call detective Ares.” utos ko kay Warren kaya dali-dali naman n’yang kinuha sa bulsa ang cellphone saka nanginginig ang mga kamay na dinial ang numero ni detective.
Wala pang sampong minuto ng dumating ang team ni detective Ares saka sinimulang mangalap ng mga ebidensya para imbestigahan ang nagyari. This is insane. Kung hindi pa napansin ng isa sa mga estudyante ang kuko na nakasama sa kinakain nitong soup ay siguradong nakakain din kami ng laman ng tao. Iniisip ko palang ay nasusuka na naman ako.
“Sobrang sama ba talaga ng nakita mo?” tanong ni Warren saka inabot sa akin ang bottle ng mineral water.
“Dapat pala ay hindi kita pinigilang makita ang nakita ko.” saad ko.
“I love you, bro.” pumipikit-pikit ang mga matang pahayag ni Warren.
Gusto ko na namang masuka!
“Sh*t! Someone just murdered ate Shine.” nakatulalang usal ni Zeal habang nakaupo sa tabi ko.
“Di ba crush mo yun?”
“Dati pero last year pa yun!” depensa naman ni Zeal na halatang di pa rin makapaniwala sa nangyari.
“Grabe, sinong walanghiya ang gagawa nun sa kanya? Ang bait-bait n’ya at ang ganda pa. Hindi kaya ex-boyfriend n’ya? O di naman kaya may staker s’ya at nang malaman nitong may dini-date s’yang iba ay walang-awa s’ya nitong pinatay.”
Fan si Warren ng Crime investigation kaya hindi na kami magtataka ni Zeal kung saan n’ya nakukuha ang mga idea n’yang yun.