PAXTON’S POV “Ang tigas talaga nang ulo mo. Sinabi ko naman sa’yong huwag ka nang sumama.” nanlilisik ang mga mata kong lingon kay Lora nang marinig ang sigaw n’ya. Bigla kasi s’yang natapilok. Ngumiti s’ya sa akin at nag-peace sign na mas lalong nagpasakit nang ulo ko. “Ano ka ba Pax. Okay na ang paa ko kaya wala ka ng dapat na ipagalala.” aniya nito habang pinapagpagan ang dumi sa damit n’ya saka paikaikang naglakad papalapit sa akin. “Hindi ako nagaalala sa’yo, nagaalala ako para sa buhay ko. Kapag may nakasalubong tayong mga kalaban ay hindi ako makakatakbo nang mabilis dahil nand’yan ka.” sagot ko sa kanya na ikinasimangot n’ya. In short, pabigat lang s’ya. “You’re hurting my feelings. After all that we’ve been through. Pabigat pa rin ba ang tingin mo sa akin?” nakangusong tanong

