RYU’S POV “Wakey!Wakey!” sigaw ni Allan. Hindi pa ako tuluyang nakakamulat ng mga mata nang may bigla na lang may humila sa braso ko. Wala sa wisyong napatayo ako dahil sa ginawa nang hinayupak. “Wake up witch!” bulong sa akin ang pamilyar na boses. Hindi ko na ito kailangang lingunin dahil kilala ko na kung sino ito. Macoy. Katulad ko ay hawak din ngayon ng alipores ni Allan sina Warren at Claude. Hinila kami nito papalabas nang tent at dinala sa kung saan. Matataas na ang sikat nang araw pero mapapansin ang maitim na kaulapang pumapalibot dito. “Saan mo ba kami dadalhin?” inis na tanong ni Warren habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki sa balikat n’ya. Nakita kong itinutulak nang isa pang lalaki si Claude para bilisan nito ang paglalakad. “Maghintay lang k

