Chapter 25: Red Card

2002 Words
CLAUDE'S POV "How long are we going to wait for that motherf*cking boat?" naiinip na asik ni Allan. Nandito kami ngayon sa dalampasigan at halos dalawang oras nang naghihintay sa pagdating ng rescue. Ibinaling ko ang tingin kay Paxton na ilang metro ang layo sa amin ni Warren. Nakaupo at nakasandal s'ya sa isang malaking bato habang nakayuko ang ulo. Hindi namin s'ya magawang lapitan dahil sa tuwing nagtatangka kaming kausapan ito ay bigla na lang umiinit ang ulo n'ya at sinusugod kami ng suntok. "He'll forgive us someday." usal ni Warren habang diretso ang tingin sa karagatan. "I hope so." mahinang sagot ko. Ayokong mabaliwa lahat ng mga pinagsamahan namin ni Paxton. Katulad ni Zeal ay matalik ko rin itong kaibigan. Kahit wala na si Zeal ay gusto kong kasama pa rin namin si Paxton sa lahat ng mga kaganapan at katarantaduhan namin sa buhay. We don't want to lose him too. "Sila na ba yan?" sigaw nang isang babae na taga kabilang section saka tumakbo palapit sa tubig. Masyadong maliit ang pigura nito habang nasa kalagitnaan ng dagat pero sigurado akong isa yung bangka. Napatayo ang ilang mga estudyante at ikinaway sa ere ang mga kamay nila. Makikita ang pagginhawa sa mga mukha ng mga ito nang makita ang bangka. "That's not jet boat, isa lang yang ordinaryong bangka ng mangingisda." narinig kong sabi ni James habang pinaniningkitan ng mata ang papalapit na bangka. Habang mas lumalapit ito ay mas nagiging malinaw nga ang itsura nito. Mayamaya pa ay tuluyan nang nakalapit sa amin ang bangka. Lulan nito ang tatlong mangingisda. Lumapit si Ms. Emerald at kinausap ang tatlo. Siguro ay pinapakiusapan n'ya na ihatid ang ilang mga estudyante sa pier. "I need 12 students!" sigaw ni Ms. Emerald. Nagunahang lumapit sa kanya ang halos lahat nga mga estudayante samantalang ang ibang natitira ay nakaupo pa rin sa buhanginan at malalim ang iniisip. Talagang kating-kati na silang makaalis sa islang 'to. Kahit naman ako ay ayaw ko na ring manatili pa rito nang isa pang araw. Kasama si Ms. Emerald at labing dalawang piling estudyante ay tuluyan na itong naglayag papalayo sa amin. "This is unfair!" asik ni Allan na nagsisimula na namang uminit ang ulo dahil hindi s'ya napili sa mga nakasama. Sa huli ay naiwan lahat ng pitong SC officers, isang faculty at 47 students. Malalaki ang mga hakbang ni Allan na tinungo ang kinaroroonan ni Sir Brown. Siguradong magrereklamo na naman ang siraulong 'yon. "Ano sa ti----" Mabilis na naputol ang sanang sasabihin ni Warren nang biglang yumanig ang kinatatayuan namin at marinig ang malakas na pagsabog. Napapikit na lang ako nang umihip ang malakas na hangin na may halong buhangin. Nang tuluyang makabangon ang lahat ay agad na nabalot nang malakas na sigaw at iyakan ang dalampasigan nang makita ang dahilan ng pagyanig. Nagaapoy na ngayon sa gitna ng karagayan ang bangkang sinakyan ni na Ms. Emerald. "W-What's happening?" tanong ni Warren na naguguluhan na rin sa mga nangyayari. Hindi nagtagal ay lumitaw ang isang helicopter. Makikita sa loob nito ang isang lalaki na may bazooka kanyang balikat. "Tulong! Parang awa n'yo na!" umiiyak na sigaw ng isang babae habang ikinakaway ang dawala n'yang kamay sa ere. "I don't think that's the rescue! Run!" malakas na sigaw ni Kendall. "Tumakbo na kayong lahat! They're going to kill us!" sigaw n'ya pa dahilan para mapatakbo ang ilang mga estudyante papasok sa gubat. "Si Paxton? Nasaan s'ya?" tarantang tanong ni Warren habang hinahanap ang kaibigan. "Find him. Meet me up at the base camp. Hahanapin ko lang si Ryu." Bago pa kami tuluyang magkahiwalay ni Warren ay pareho kaming tumilapong dalawa dahil sa isa na namang malakas na pasabog. Nakita namin ang pagapoy ng daan papuntang base camp, may ilang katawan din ng mga estudyante ang nakahandusay malapit kung saan nangyari ang pagsabog. "F*ck!" nanlalaki ang mga matang mura ni Warren. "Tara na!" paghila ko kay Warren. Hindi pa rin maalis ang tingin n'ya sa nagaapoy na parte ng gubat. "P-Patay na sila." usal n'ya pa. Nagtago kami sa katawan nang isang malaking puno at sinilip ang helicopter na hindi pa rin umaalis. "Bakit nila 'to ginagawa sa atin?" humahangos na tanong ni Warren na hindi na makahinga nang maayos habang nakasandal sa puno at hawak ang kanyang dibdib. "Hindi ko rin alam pero mukhang hindi nila tayo papaalisin ng buhay sa islang 'to." Nanginginig ang mga kamay ko na napakuyom na lang dahil sa pinaghalong matinding galit at takot. Kailangan naming kumalma, kailangan naming makapagisip ng plano para makaalis sa lugar na 'to. Si Ryu at Paxton, kailangan namin silang mahanap bago pa mangyari ang kinakatakutan ko. Biglang bumalik sa alaala ko ang pakiramdam nang matagpuan ang wala ng buhay na katawan ni Zeal. Ayoko nang ulitin muli ang pagkakamali ko kay Paxtton. We need to find them asap. Narinig namin ang paglipad ng helicopter papunta sa isla. Mukhang hindi pa sila tapos. "Let's go back to the cam----" "P*tangina!" malakas na sigaw ni Warren nang may bigla na namang sumabog mula sa loob ng gubat. "I don't want to die!" sigaw n'ya pa. Hindi ko na alam ang gagawin. Bakit nila 'to ginagawa? They're killing us all! Ilang minuto kaming tahimik lang ni Warrren habang nakaupo sa buhanginan at nakasandal sa puno. Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Parang kinain na ng matinding kaba ang sistema ko. Wala na rin akong lakas para itayo ang sarili kong katawan. "I don't want to die." muling usal ni Warren habang nakabaon ang mukha sa kanyang tuhod at braso. "We're not going to die. Hindi rin nating hahayaang mapahamak sina Paxton." pahayag ko. "We need to move." dagdag ko pa na dahilan para umangat ang ulo ni Warren at bumaling sa akin. Hindi na namin narinig ang ingay ng helicopter. Mukhang malayo na ito ngayon sa amin. "Sa tingin mo ba ay buhay pa ang pumatay kay Ms. Ellen at Zeal?" tanong n'ya. "Hindi ko alam." Pero kung sino man s'ya ay sana kasama sa mga sumabog ang katawan n'ya ngayon. Sa lahat ng mga ginawa n'yang kademonyohan ay nararapat sa kanyang sunugin ng buhay. "Kung karma man 'tong nangyayari sa atin ngayon dahil sa ginawa nating pagpapabaya kay Zeal ay mukhang dumating na ang pinagdasal ni Paxton." "Warren, get your ass together. We need to find them." Nagpasya kaming bumalik na lang muna ng camp base para tingnan kung may iba pang mga estudyante pero isang nakapangingilabot na impyerno ang bumulaga sa amin ng dumating kami. Nagaapoy na ngayon ang buong camp. We saw several burning bodies. Ito pala ang pinunterya nang huling pagsabog. "T-Tulong," sambit ni Brandon habang gumagapang papalapit sa amin. Putol na ang magkabilang hita n'ya at may matalas na kahoy na nakabaon sa kanyang likuran. Akmang lalapitan na sana s'ya ni Warren nang pigilan ko ang braso n'ya saka umiling. He has 0% of survival. Imposible nang mailigpas pa namin s'ya dahil simpling first aid treatment lang ang parehas naming alam. "L-Let's try." pakiusap ni Warren. Bago pa man ako makapagsalita at tumalikod na s'ya sa akin at nagsimulang magsuka. "Kahit ang sikmura mo ay tumataliwas sa gusto mo." pahayag ko. Nagsimula ulit akong maglakad para maghanap ng iba pang survivor pero sa kasamaang palad ay pito sa mga nakita naming mga estudyante ang wala nang buhay. Nakahinga ako nang maluwag ng makitang wala sa pito ang katawan nina Paxton at Ryu. "Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Warren nang makita s'yang hinahalughog ang ilang bag na nakakalat. "We need supplies of food. Hindi natin alam kung ilang araw ang aabutin natin sa p*tanginang islang 'to." paliwanag n'ya kaya naman tinulungan ko na rin s'yang maghanap ng mga pagkain. "Here," inabot n'ya sa akin ang isang taser gun. "In case of emergency." usal n'ya saka ipinakita sa akin ang hawak n'yang toy gun. "Pepper spray." dagdag n'ya pa. Nang makuha ang mga kakailanganin ay tinungo na namin ni Warren ang pinakamasukal na parte ng gubat. Hindi pa kami gaanong nakakalayo nang marinig muli namin ang ingay mula sa papalapit na helicopter. Hindi lang isa kundi sunod-sunod ang pumalibot na helicopter sa isla. Kung hindi ako nagkakamali ay hindi lalagpas sa sampu ang nasa ere ngayon. "Sh*t! Katapusan na nga nating lahat!" usal ni Warren habang nakatingala sa langit. "Zeal, see you soon bro." dagdag pa n'ya. Inabangan namin ang bombang ibabagsak nito pero nangunot ang noo ko nang magpaulan ang mga ito ng pulang papel sa ere. Isang papel ang saktong dumapo sa palad ko saka iyon binasa. Welcome to Kill for Survival! This game is the name itself, all you have to do is to kill your opponent and survive to tell the judgment day arrives. Judgment day is the 13th day of the game. Goodluck players. PS. We can track your movements and location. PSS. Kill the person next to you, if not we have no choice but to eliminate you ourselves. PSSS. No escaping to this island. You'll explode by stepping to the boundaries. - DGC Committee "Kill for Survival?" anas ko habang nakapako pa rin ang tingin sa papel na hawak ko. "Anong klasing pakulo naman 'to?" asik ni Warren saka pinunit ang papel. "Claude, I can trust you right?" tanong n'ya sa akin kaya naman napalingon ako sa kanya. "Oo naman. We can survive this sh*t!" tipid na ngiting pahayag ko bago itapon ang pulang papel na hawak ko. Wala pa rin tigil sa pagpapaulan ng papel ang mga helicopter. Parang sinasabi nilang seryoso sila sa larong gusto nilang ipagawa sa amin. Kulang na lang ata ay isampal nila sa amin ang red card na dala nila. Bullsh*t!  Habang naglalakad sa gitna ng madamo at mapunong gubat ay isang malakas na tili ng babae ang narinig namin ni Warren. Mabilis kaming nagkatinginan ni Warren saka tinungo ang pinagmulan ng sigaw. Laking gulat namin ng makita ang isang lalaki na paulit-ulit na pinupokpok ng bato ang mukha ng isang babaing pinapatungan n'ya. "I-I love y-you. I-I'm sorry." sambit ng lalaki bago bitawan ang hawak n'yang bato at yakapin ang wala ng buhay na katawan ng babae. "Liam, b-bakit mo ginawa 'yon? You killed your girlfriend!" galit na galit na sigaw ni Warren nang makilala ang lalaki. Puno nang gulat at takot na napatitig si Liam kay Warren. Para bang nakakita s'ya ng multo dahil sa ekspresyon n'ya ngayon. "I-I have too! I need to survive this game!" sigaw nito saka muling pumulot ng bato. "Papatayin n'yo rin ba ako? Huh?!" "G*go! Sineryoso mo talaga ang red card na yun?!" bulyaw ni Warren na napapakamot na lang nang marahas sa ulo dahil sa kausap. "I-It's not a joke. The game is not a joke! N-Nakita kong nagpapatayan na ang iba pa and it triggered me to kill Jenny. Ramdam ko ring tatraydurin n'ya ako. Nakita ko 'yon sa mga mata n'ya kaya naman bago n'ya pa ako maunahan ay pinatay ko na s'ya! Kaya kung ako sayo ay 'wag kang magtiwala sa akalang kaibigan mo!" pahayag ni Liam bago ito tumakbo papalayo sa amin bitbit ang batong ginagamit n'yang armas. "Warren, don't listen to him. Hindi natin susundin ang laro. Hindi natin tatraydurin ang isa't isa at wala tayong papatayin. 'Wag mong hahayaan na kainin ka ng mga negatibo mong naiisip. We know each other of half our lives, we won't betray each other." Ngayon ay nakikita ko sa mukha ni Warren ang pagdadalawang isip. Natatakot ako na baka ang sitwasyon na 'to ang bumuwag sa amin pero hindi ko 'yon hahayaang mangyari. Kilala namin ang isa't isa. Wala sa amin ang titira nang patalikod. I trust him. "Y-Yan na ata ang pinakamahaba mong sinabi na narinig ko. I trust you Claude. I trust our friendship. Malalagpasan din natin 'to." tipid ang ngiting pahayag ni Warren. "Kung papatay man ako ay uunahin ko ang pumatay kay Zeal at isusunod ko ang taong may pakana sa larong 'to. Umangat ang gilid ng labi ko nang marinig ang sinabi ni Warren. Parehong-pareho kami nang naiisip dahil ganun din ang gagawin ko kapag nahuli
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD