THIRD PERSON'S POV
"Ohhh. That's interesting." Nakangising saad ni Jayce nang makita ang paglabas ng guro na si Ellen sa tent ng kaklase n'yang si Allan. "Student-teacher affair." bulong n'ya saka unti-unting lumawak ang ngisi sa kanyang labi.
Nanghihinayang man dahil nakatakas sa kamay n'ya ang pinaka-target na si Ryu ay mukhang may papalit naman sa posisyon nito sa ngayon. Sinimulan n'yang sundan ang guro habang hawak ang matalim at mahabang kutsilyo sa kanyang kamay.
"You know that having an affair with your student is a grave sin as a teacher."
Mabilis na napalingon ang dalagang guro ng marinig ang boses mula sa kanyang likuran. "S-Sino ka?" kabadong tanong n'ya. Madili ang buong paligid kaya naman hindi n'ya gaanong maaninag ang mukha ng kaharap n'ya ngayon.
"Kinakabahan ka ba dahil sa akin o dahil alam ko ang sekreto mo? Which one?" tanong ni Jayce. "Or both? Come on, answer me. Walang tama at maling sagot sa tanong ko. Gusto ko lang malaman ang dahilan kung bakit ganyan ang ekspresyong ipinapakita mo sa akin." she said playfully. She take one step closer near her target and pointed her knife at her.
"Jayce, is that you? What are you doing! Hindi ba dapat ay nasa tent ka na at natutulog." galit na pahayag ng kanyang guro.
"Hindi ba dapat at nasa tent ka na rin at hindi sa tent ng estudyante mo? Stop the bullshit, Ellen." She take one step closer near her target and pointed her knife at her. "Halika, maglakad-lakad muna tayo sa beach. Come on, you first ma'am."
Walang nagawa ang guro kundi baybayin ang madilim na daan patungong dalampasigan. May nakatutok sa kamyang likuran na kutsilyo at siguradong isang maling galaw n'ya lang ay babaon 'yon sa kanyang laman.
"Can you hear that?" tanong ni Jayce ng marinig ang paghampas ng alon sa dagat.
"Y-Yes. Jayce, why are you doing t-this?" kabadong tanong ng babae.
"Well, I'm a psychopath, so papanindigan ko na lang!" halakhak ng dalaga. "Wow! Look at the wave dancing under the moon!" she exclaimed while looking at it with amusement. "Any last words ma'am?" Nakangiting tanong n'ya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa karagatan.
"W-What? J-Jayce, let's talk first. Your not a psychopath, your a bright student an-----" hindi na itinuloy pa ng guro ang pagsasalita. Dahil sa matinding takot ay mabilis na tumakbo papalayo si Ellen sa estudyante. Halos magkandadapa dapa ito habang inililigtas ang sarili sa piligro.
"Dodge ma'am!" sigaw ni Jayce bago paliparin ang hawak na kurtilyo papunta sa kanyang guro. Tumama 'yon at bumaon sa hita nito. Isang malakas na sigaw ang kumawala sa bibig ng dalaga na ngayo'y namimilipit na sa sakit.
"I told you to dodge." natatawang saad ni Jayce ng makalapit sa guro. Walang pagaalinlangan n'yang binunot ang kutsilyo sa binti nito. Muling napahiyaw si Ellen dahil sa ginawa ng estudyante. Napahiga na lamang s'ya sa buhanginan at humahangos na napatitig estudyante na nasa harapan n'ya ngayon.
"Your a psychopath." anas ng babae.
"I know. I know." nakangiting saad ng dalaga. Yumuko s'ya sa harap ng guro at diniinan ang sugat nito. "Baliw, may saltik, bobo, mamamatay tao, psycho. Haist! Ano pa bang ibang maririnig ko?" Unti-unting nawala ang ngisi sa labi ni Jayce. Itinapat n'ya ang hawak na kutsilyo sa leeg ng guro saka iyon madiin na ibinaon. Nangisay ang katawan ni Ellen dahil sa ginawa ng estudyante. Nagsimula na rin itong magsuka ng napakaraming dugo.
Hindi pa na kontento si Jayce, mula sa leeg ay pinausdos n'ya hanggang ibabang puson ang kutsilyo sa katawan ng babae dahilan para bumulwak ang napakadaming dugo rito.
"Tsk. Ang boring mo naman." saad n'ya habang inilalabas ang bituka ng guro gamit ang mahaba n'yang patalim.
Nang makontento ay tuluyan na n'yang iniwan ang wala ng buhay na guro sa tabi ng dalampasigan. Gusto n'ya sanang si Ryu ang hiniwa n'ya ng ganun kaya lang ay nakatakas ito mula sa kanya.
CLAUDE'S POV
"Ako nang bahala sa magbabantay kay Paxton. Gawin mo na ang kailangan mong gawin. Kanina ka pa d'yan hindi mapakali." natatawang baling sa akin ni Warren.
Bago pa ito may sabihing biro ay mabilis na akong lumabas ng tent. Bakit parang alam ko na ang ibigsabihin nang mapangasar n'yang ngiti. Tsk.
Hindi pa ako gaanong nakakalapit sa retractable tent nang marinig at matanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang nangyayaring komusyon. Hawak ngayon ng dalawang lalaki ang magkabilang braso ni Allan habang nagpupumiglas ito.
"I know your the killer! You're the motherf*cking weirdo!" sigaw ni Allan habang pilit itong kunakawala para sugurin ang kaaway nito.
Nakita kong nakahandusay si James sa lupa habang pinupunasan nang nanginginig n'yang kamay ang duguang labi. Lumapit sa kanya si Kendall at Kelsey saka s'ya tinulungang makatayo.
Nabaling ang tingin ko sa kinaroroonan ni Ryu. Kausap n'ya ngayon sina Ms. Emerald at Sir Brown na mukhang stress na stress na rin sa mga nangyayari. Nagpasya akong puntahan na lang muna si James na ginagamit ngayon nina Kelsey.
"Anong nangyari kay Allan at mukhang tigreng stress?" tanong ni Kelsey. "Bigla na lang nagwawala at nangbibintang ng kung anu-ano." inis na dagdag pa n'ya.
"Dapat ay sinuntok ko mo na lang ang adams apple n'ya James para tumahimik." pahayag naman ni Kendall. "Do you even know how to punch?" pahabol na tanong n'ya. Umiling-iling naman si James bilang sagot sa kanya.
"This situation is making everyone crazy. Baka bukas ng umaga pa raw dumating ang rescue." saad ni Kelsey saka bumaling sa akin "Claude, how's Paxton?"
"Nakatulog na." sagot ko saka sumandal sa lamesa.
"Hahaha! That's more like him. Bantayan n'yo s'yang mabuti baka anong pumasok sa isip nun paggising n'ya."
"He's with Warren." sagot ko.
"Good." usal ni Kelsey.
Sinimulan na naming ihanda ang mga kakainin ng mga estudyante. Pabagsak na naman ang araw kaya dapat ay nasa loob na kami ng mga tent bago pa dumilim. Hindi ko lubos na maisip na sa gubat magpapalipas ng gabi si Zeal. Matatakutin s'ya at walang diskarte sa buhay kaya paano s'ya makakatulog nang maayos dun.
"Claude," tawag sa akin ni Kendall. "Wala na tayong tubig."
"Sige," tipid na sagot ko. Hindi naman ganun kalayo ang batis na pinagkuhanan namin kahapon kaya naman magkasama kami ni James na tinungo iyon.
"N-Nakita mo ba ang katawan ni Ms. Ellen?" pagbasag ni James sa katahimikang nakapalibot sa amin. "H-Hindi ko kasi tiningnan. Alam ko kasing hindi ko kakayanin. Kahit nga nang marinig ko ang itsura ng pagkamatay n'ya ay hindi ko na napigilan ang pagbaliktad ng sikmura ko." dagdag pa n'ya.
Biglang bumalik sa alaala ko ang imahe ng bangkay ni Ms. Ellen. Hindi tao ang gumawa nun sa kanya kundi isang demonyo. Paano n'ya nasikmurang gawin ang bagay na 'yon?
"S-Sino sa tingin mo ang may gawa nun sa kanya? Hindi naman sa nambibintang tayo pero may tao ka ba sa isip mo na kayang gumawa nun?" tanong ni James.
Hindi ko alam pero sa ngayon ay walang akong pinaghihinalaan. "Wala." sagot ko.
Sinimulan na naming ipunin ang dalawang water container na dala namin ni James. Sinundan ko nang tingin ang kahabaan ng batis ng may mapansin akong pagiiba sa kulay ng tubig. Tinanggal ni James ang salamin n'ya at pinunasan 'yon at isinuot muli saka maiging tinitigan ang tubig.
"Claude, am I imagining stuffs o sadyang dahil lang sa dumidilim na ang paligid...orrrr dahil nadala lang ang utak ko sa pagkamatay ni Ms. Ellen." mabilis na napatayo si James at lumayo sa ilog nang tuluyang magkulay dugo ang tubig.
"Sh*t!" mura ko.
"W-Where are you going Claude?" tanong ni James. Sinundan ko kung saan nanggaling ang dugong nakita namin ngayon. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni James sa likuran ko kaya hinayaan ko na lang s'ya.
Bawat paghakbang ko ay s'ya ring paglakas ng pagtambol sa dibdib ko. Hindi ako handang makita kung kanino nanggaling ang dugong 'yon pero huwag naman sana sa kanya.
"C-Claude," tawag sa akin ni James.
Isang katawan ang natatanaw namin ngayon. Nakadapa ang kalahati n'yang katawan sa tubig habang ang kalahati naman ay nasa batuhan.
"I-Is that..."
Kahit may ilang metro pa ang layo nito sa amin ay alam na namin kung sino ito. Natatandaan ko ang suot n'yang hoody at jogging pants kaninang umaga. Kahit nanghihina ang mga tuhod ko ay dahan-dahan akong naglalakad papalapit sa kanya.
"Z-Zeal," usal ko sa pangalan n'ya. Tuluyan nang bumuhos ang luha ko nang ihiga ang katawan nito.
"Tatawagin ko sina Sir Brown." paalam ni James pero hindi ko ito pinansin at itinuon lang ang buong atensyon ko kay Zeal.
Basag ang kaliwang bahagi ng mukha n'ya. Halatang pinukpok ito ng paulit-ulit. Iyon lang ang nakita kong sugat sa kanya. Sobrang lamig na ng katawan n'ya at wala ng bakas nang buhay dito.
"Zeal," tuluyan na akong napahagulgol. Hindi ko alam ang sasabihin kay Paxton. Tama s'ya, dapat ay hinanap namin si Zeal at hindi na naghintay pa. Ang tanga-tanga ko! I should have supported him. Edi sana naabutan pa naming buhay si Zeal.
"Y-You can't do this to u-us bro. P-Please comeback." utal na saad ko habang hawak nang mahigpit ang katawan n'ya. "F*ck! Not you too!" hindi ko na mapigilang mapamura dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.
Ang saya-saya n'ya pa kanina, nakikipagbiruan pa s'ya sa amin kaninang umaga pero bakit ngayon ay matatagpuan na lang namin s'yang bangkay? This is unfair! He don't deserve this!
"Zeal! " narinig kong sigaw ni Paxton mula sa likuran ko. "No no no no. Is this some kind of prank?" nawala ang ngiti sa labi ni Paxton nang ibaling n'ya ang tingin sa akin. "Claude, hindi s'ya si Zeal, right? P-Please tell me his not my cousin!" asik n'ya at kasunod nun ay ang malakas na paghagulgol n'ya.
"Z-Zeal," katulad ni Paxton ay hindi na rin napigilan ni Warren ang pagiyak ng makita ang wala ng buhay na kaibigan.
"Dapat ay nakinig kayo sa akin! This is all your fault! Pinabayaan n'yong mamatay ang pinasan ko!" nagwawalang sigaw ni Paxton.
Naramdaman ko na lang ang pagdikit ng kamao ni Paxton sa pisngi ko. Mabilis s'yang pinigilan ni Warren pero katulad ko ay nakatanggap din ito ng suntok.
"You! You killed Zeal!" bulyaw ni Paxton nang makita si Sir Brown. Akmang susugurin na sana n'ya ang matanda nang pigilan s'ya ng iba pa naming kaklase. "Pinatay mo s'ya! H*yop ka!"
"I'm sorry for your lost pero kung sa tingin mo ay ako ang may kasalanan sa pagkamatay n'ya ay 'yon ang hindi ko ihihinga ng tawag. May their soul be all blessed." saad ng matanda na napa-sign of the cross sa ere.
***
"Si Paxton?" tanong ko kay Zeal habang nakaupo s'ya ngayon sa labas ng tent.
"Zeal is gone." wala sa sariling usal ni Warren. We're all grieving. Hindi pa gaanong nagsi-sink in sa utak ko ang pagkamatay ni Zeal. Maybe this is all just a test, baka paglabas namin sa islang 'to ay sasalubungin kami ni Zeal nang mapangasar n'yang ngiti.
"Bakit hinayaan kong pangunahan ako ng takot? I'm such a coward! Totoo nga ang sinabi sa akin ni Selena, duwag ako at makasarili." nangingilid ang mga luhang pahayag n'ya. "Claude, dapat ay sinuportahan natin si Paxton. Ito ang pagkakamaling babaunin ko at pagsisisihan hangga't sa nabubuhay ako. I let my bestfriend died. I let him die!"
"Siguro nga ay may kasalanan din tayo pero sa tingin mo ba ay matutuwa si Zeal kapag may nangyaring masama sa atin. 'One for all and all for one.' Iyan ang motto na lagi n'yang sinasabi sa lahat ng katarantaduhang naiisip n'ya pero mas madalas nga na s'ya pa lagi ang napapahamak. Natatandaan mo ba nung muntik ka nang habulin ng itak ng mga tambay? Inasar-asar n'ya pa ang mga iyon para matuon sa kanya ang atensyon." natatawang kwento ko.
"Natatandaan ko rin nang talunin n'ya ang ilog nang mahulog ang paborito mong sapatos. He risk his life for a shoes dahil alam n'yang galing 'yon sa kapatid mo." mangiyak-ngiyak na saad ni Warren.
"He's stupid with a heart. He risk his life just to protect us. Sa sobrang pagiging madamot nga rin nun ay baka ipagkait pa n'ya sa atin ang langit. Alam kong hindi s'ya galit sa atin pero kung naririnig n'ya man tayo ngayon ay gusto ko pa rin mag-sorry sa kanya." pahayag ko habang nakatingala sa langit at pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.
If I could talk right now with Zeal I would tell him how lucky I am for having a bestfriend like him. Hindi ko makakalimutan ang mga tawa n'ya at kakulitan. Babaunin ko lahat ng masasayang alaala kasama s'ya.
Nang tuluyang makalayo kay Warren ay doon na sunod-sunod na pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. This is to much to handle. Parang bumalik na naman ang sakit na naramdaman ko ng mawala bigla si kuya at ngayon si Zeal naman.
"Claude," mahinahong tawag ni Ryu sa akin. "Don't mind me. Iiyak mo lang lahat hanggang sa wala ka ng maramdaman." dagdag n'ya kaya hinayaan ko na lang ang sarili ko na ibuhos ang lahat ng sakit dahil sa pagkawala ng isa sa mga importanteng tao sa buhay ko.