CLAUDE’S POV
Kanya-kanyang pwesto ang mga estudyante habang nagsusulat sa papel ng open letter para sa sarili nila. Kanina ko pa hawak ang papel ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong na isusulat rito. Kahapon lang ay sure na sure na ako kung anong ilalagay ko pero ngayon ay bigla na lang akong na blanko.
“T*angina Warren!” hagalpak na tawa ni Zeal kaya napalingon naman ako sa dalawa. “Open letter for myself ang isusulat at hindi bucket lists. 1. Try wearing black lipstick, 2. Buy the most expensive lolippop, 3. Make her---- Hahahahah!” dagdag pa n’ya habang tuloy pa rin sa pagtawa kahit hinahampas na s’ya ni Warren.
“Dear handsome self, kamusta ka na? Ito gwapo pa rin. After 5 years sana patuloy ka pa rin pagkaguluhan ng kababai-----”
“F*ck you ka Paxton!” asik ni Zeal nang makitang hawak na ni Paxton ang papel n’ya at binabasa ng malakas.
“Self-proclaimed idiot. At kelan ka pa namin pinagkaguluhan? Baka naman nanaginip ka lang.” nakataas ang kilay na pahayag ni Leila saka inikutan ng mata si Zeal.
“Shut up atleast hindi ako totoong higad!” ganting sigaw ni Zeal.
“Higad? Ewww!”
Itinuon ko ulit ang tingin ko sa hawak na papel at nagsimula nang magsulat. Bahala na, basta may maipasa lang ako ay gagawin ko na lang.
Mayamaya pa ay natapos na ang lahat sa pagsusulat. Inipon ni Kendall at Allan ang papel ng lahat saka ‘yon inilagay sa isang plastic case. Tumayo sa harap namin si Ms. Emerald saka nagsimulang magsalita. “Silence please,” panimula n’ya. “Next activity will be held in the beach,” hindi pa tapos magsalita si Ms. Emerald nang mapuno nang palakpakan at hiyawan ang paligid.
“Mabuti na lang nagdala ako ng swimsuit.”
“Same. Hahahaha!”
“Wag mong kalimutan dalhin ang camera mo.”
“Syempre naman bro. Hahaha. Bikini body.”
Halo-halong bulungan ang narinig ko mula sa mga estudyante pero agad ding tumahimik ang lahat nang muling magsalita si Ms. Emerald.
“Listen, hindi kayo pupunta dun para mag-swimming o mag-pictorial. The next activity is called “Sand moat castle.” You might think this idea is a bit childish but this activity is about teamwork. Kung sino man ang makagawa ng pinaka mataas at malaking sandcastle will be the winner. Mr. Brown, Ms. Ellen, and I will be judging and observing not only your works but also your teamwork.” anunsyo n'ya.
I don't think building a sandcastle is childish. Hindi naman pangbata ang gagawin namin kundi over the top pa. This will be fun.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa beach kung saan kami unang binaba ng jet boat. Napatigil ako sa paglalakad dahil sa biglang pagtigil ni Ryu. Kami ang nakabantay sa huling linya kaya kami itong napagiiwanan.
“Anong ginagawa mo?” tanong ko kay Ryu nang makitang may pinapagpagan s’ya sa lupa. Lumapit ako sa kanya at tinulungan s’yang kunin ang isang bagay na hindi pa malinaw sa amin kung ano iyon.
“Dagger.” usal n’ya habang hawak na n’ya ngayon ang isang dagger.
“Natuyong dugo ba yan?” tanong ko nang mapansin ang nagkukulay choco nang nakabahid sa dagger. Hindi yun mukhang kalawang kaya sigurado akong dugo yun. I've watch lots of documentary crimes kaya alam ko ang itsura ng tuyong dugo sa isang kutsilyo.
“Not sure.”
“Let’s go. Baka maligaw tayo kapag hindi natin sila naabutan.” pahayag ko. Sa dami kasi ng pasikot-sikot sa gubat na ‘to ay talagang mahihilo ka kapag hindi ka naglagay ng palatandaaan. Sa ngayon ang palatandaan na lang namin ni Ryu ay ang likuran ng kaklase namin para makasunod sa kanila.
Naririnig ko na ang paghampas ng mga alon sa dagat kaya naman sinyales ‘yon na malapit na kami sa dalampasigan. Bago pa kami makalabas na dalawa sa kakahuyan ay malakas na sigawan na ang narinig namin. Hindi sigaw ng matinding excitement kundi pagpa-panic at takot. Naunang tumakbo si Ryu para tingnan ang nangyari kaya naman sumunod ako sa kanya. Nakita kong may ilang estudyante ang umiiyak at nagsisitakbuhan papasok muli gubat.
“Teka!” sigaw ko para sana pigilan sila pero huli na ako.
“Zeal, anong nangyari?” tanong ko nang makita s’yang nakaupo sa buhanginan habang nakahawak sa kanyang buhok at tulala.
“M-Ms. E-Ellen is dead.” he said with shaky voice. Nanghihina namang napaupo si Paxton sa tabi n’ya at nagmumura.
“Sh*t! Sh*t! What the hell is happening?” aniya nito.
Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan ni Ryu. Nakatayo s’ya ngayon katabi ni Warren habang nakapako ang tingin sa isang direksyon.
“Ryu,” tawag ko saka sinundan ang walang emosyon n’yang mga mata.
Parang gustong bumaliktad ng sikmura ko dahil sa bumungad sa akin. Simula leeg hanggang sa ibabang puson ni Ms. Ellen ay nakabuka na ang kanyang laman. Lumuwa na rin ang mga lamang loob n’ya na sinisimulan ng uudin. Agad na pinatungan nang manipis na telang dala ni sir Brown ang katawan ni Ms. Ellen. Makikita sa mukha n’ya ngayon ang matinding takot kahit si Ms. Emerald ay umiiyak na lang sa sulok.
“R-Ryu, g-gather all of the students in the camp base.” utal na utos ni Sir Brown. Parang wala namang narinig si Ryu dahil nakatulala pa rin s’ya sa bangkay.
“Bro, we need to evacuate this place asap.” saad ni Warren bago mabilis na tumakbo papunta sa tubig at doon nagsusuka.
“Ryu, tara na.” hinawakan ko ang kamay n’ya at naramdaman ang panginginig nito.
“This is my fault,” mahinang usal n’ya na ikinakunot ng noo ko.
“Ryu, look at me.” hinawakan ko ang magkabila n’yang balikat at hiniharap sa akin. “Who ever did this is the one who’s at fault. Wala kang kasalanan.” paglilinaw ko sa kanya. Iniwas n’ya ang tingin sa akin saka pinunasan ang nangingilid na luha. ”Let’s go.” mahigpit kong hinawakan ang kamay n’ya at iginaya papunta sa camp base.
Tinawag ko rin ang iba pang estudyante na natitira sa dalampasigan at pinabalik sa base. Tama si Warren kailangan na namin umalis dito bago pa lumala ang sitwasyon. Kagabi ay may nagtangka na sa buhay ni Ryu, ngayon naman ay natagpuan nang patay si Ms. Ellen. Maaaring isang tao lang ang may gawa nito.
Nang makabalik sa camp base ay nakita namin ang ilang estudyante na wala pa rin tigil sa pag-iyak at pagpa-panic.
“Someone killed Ms. Ellen at sigurado akong isa ’yon sa mga taong nandito. You psycho!” galit na sigaw ni Allan habang masama ang tingin sa lahat. He's scared. Makikita yun sa mukha n'ya.
“Babe, calm down.” suway sa kanya ng nobyang si Kendall pero marahas n’yang winakli ang kamay nito at itinulak papalayo sa kanya.
“Shut up b***h! Paano ako kakalma kung may killer tayong kasama rito! I can’t even trust you right now!” bulyaw pa n’ya. “Did you kill her?” tanong ni Allan na ikinagulat ni Kendall. Isang malakas na sampal ang pinakawalan nito sa pisngi ng nobyo.
“How dare you!” asik ni Kendall bago maglakad papalayo sa lalaki.
This is chaos. Kahit anong gawin namin pagpapakalma sa lahat ay mas nangingibabaw pa rin ang takot sa mga ito. We all saw how brutally she died kaya naman hindi ko sila masisisi. Mabait na guro si Ms. Ellen, mabit s'ya sa lahat ng mga estudyante kaya naman anong motibo ng killer para patayin s'ya sa marahas na pamamaraan?
“Tama ba ang head count?” tanong ko kay James ng lapitan ito.
“B-Biniling ko na nang paulit-ulit p-pero hindi pa rin tama.” nanginginig ang boses na saad ni James.
“Ako na ang magbibilang, just call Ms. Emerald and Sir Brown.” Kinuha ko sa kanya ang folder para bilangin muli ang mga estudyanteng nasa base pero bago pa ako makapagsimula ay umiiyak na lumapit sa akin si Leila.
“C-Claude, A-Anna and Marie, I-I can’t find them.” humahangos na saad n’ya.
“Guys paki-check ang mga kasama n’yo sa tent and report to us if anyone is missing.” maawtoridad na sigaw ni Ryu.
“Saan mo sila huling nakita?” tanong n’ya kay Leila.
“I-In the woods. After naming makita ang lagay ni Ms. Ellen ay napatakbo kaming tatlo sa gubat. Nagkahiwahiwalay kami. I find myself here back to the camp pero ng tingnan ko kung nakabalik sila sa tent ay wala sila roon.” paliwanag n’ya habang nakayakap na sa akin.
“I already call the jet boat to pick us up here. Magpapadala sila ng sundo as soon as possible. Sa ngayon ay ihanda n’yo na ang mga gamit n’yo.” sabat ni Sir Brown.
“Jayce is missing.” tarantang pahayag ni Mei ng makalapit sa amin.
“Claude! I can’t find Zeal.” sigaw ni Paxton. Magkasunod na lumapit sa amin si Paxton at Warren na puno ng pag-aalala sa mukha.
“Hindi ba’t kasama mo lang s’ya kanina?” baling ko kay Paxton.
“Oo. Pero nagpaalam s’ya kaninang iihi lang hanggang sa hindi na s’ya bumalik.”
“Ilang oras na s’yang nawawala?”
“15, 20 minutes ganyan.” sagot naman ni Warren.
“We need to find them. Hindi ako aalis dito nang hindi kasama ang pinsan ko.” pahayag ni Paxton.
We reported all of the missing students to the faculty. Pinag-meeting-an na rin namin ang gagawin para sa mga nawawalang estudyante but the result hit as all like he dropped a bomb on us.
Anna, Marie, Jayce, and Zeal. They were all the missing ones.
“We have no choice but to wait.” pahayag ni sir Brown. Just like that he drop an unacceptable ways to deal with the situation. We wait.
“What do you mean?” kunot noong tanong ni Paxton. “We need to find them now before it’s too late. Nakita n’yo naman ang nangyari kay Ms. Ellen baka kapag nagantay pa tayo sa search and rescue ay baka hindi na natin sila matagpuan ng humihinga.” mabigat na ibinagsak ni Paxton ang mga kamay n'ya sa ibabaw ng mesa dahil sa sobrang pagdismaya.
“So you would risk your life and the life of others is that what you’re trying to say?” tanong ni Mr. Brown sa kanya.
“I’ll find my cousin on my own.” anas nito.
“Mr. Lapaz!” maawtoridad na sigaw ni Mr. Brown. Hindi ito pinansin ni Paxton at naglakad lang papalayo sa tent na kinaroroonan namin. I can't blame him. Kung ako ang nasa katayuan n'ya ay gagawin ko rin ang lahat para mahanap si Zeal pero kung ako rin ang faculty ay mas pipiliin ko rin ang kaligtasan ng lahat.
Sinundan naming pareho ni Warren si Paxton. Baka kasi bigla s'yang sumugod papasok ng gubat at dumagdag pa sa listahan ng mga nawawala. May isa na kaming kaibigan na nawawala kaya naman ayaw na namin 'yon dagdagan pa.
"Paxton," usal ni Warren ng makita ang kaibigan na nagiimpake na ng backpack. "Nagaalala din kami kay Zeal pero mas makakabuti na hintayin na lang natin ang rescue. Masyadong malaki ang islang 'to para sumugod ka basta-basta ng walang back up o nalalaman."
"How about Zeal?" asik ni Paxton. Nakita namin ang panginginig ng likuran n'ya. Nakatalikod kasi s'ya sa amin habang nakaupo sa pwesto n'ya. "H-Hindi ko alam ang sasabihin kay tita kapag umuwi akong wala ang pinsan ko." humihikbing saad n'ya.
"Babalik sa atin si Zeal. We all know Zeal. Mabilis tumakbo ang mokong na 'yon. We will find him bago man s'ya madadapa." makahulugang pahayag ni Warren.
"Paxton, have fate on him. Ayaw naming bumalik si Zeal at ikaw naman 'tong mawala. We want you both to be safe." dagdag ko pa bago ito tuluyang lapitan. Inakbayan naman s'ya si Warren at inalo.
Mayamaya pa ay parang sanggol na nakatulog si Paxton. "Normal na ulit s'ya." biro ni Warren pero agad ding nawala ang ngiti sa labi n'ya saka napayuko. "Dapat ay hindi ko tinanggihan si Zeal nang magpasama s'ya sa akin kanina."nanginginig ang labing saad ni Warren.
"Stop blaming yourself. Walang may kasalanan sa atin. Let's just pray that he'll be back to us safely." pahayag ko.
Dumapo ang tingin ko sa relo ko at nakitang alas-dos na ng hapon. Halos apat na oras na silang nawawala. Ilang oras pa ang hihintayin namin para sa pagdating ng rescue? Natatakot akong baka maging tama ang sinabi ni Paxton na bangkay na sila matagpuan bago pa mam dumating ang tulong.