RYU'S POV
I been longing for my own death to come. The slit scars on my wrist says it all. I committed suicide a multiple times but... now that death's chasing me why am I even running?
Mabilis kong itinago ang sarili ko sa tabi ng tent saka tahimik na naghintay.
"You can't hide from me." saad n'ya. She's using a deep voice enhancer. Kung sino man s'ya ay siguradong isa s'ya sa mga estudyanteng nandito. I will reveal her true identity. Hindi ko mapapalampas ang mga pagbabanta n'ya sa akin. I don't even know her kaya wala rin akong matandaang naging atraso sa kanya. "As I promised, I'll hunt you when we get here."
Hanna?
Gumapang ako papunta sa katabing tent nang marinig ang papalapit n'yang yabag sa akin. Very one's asleep, kung sisigaw ako para humingi ng tulong ay baka may ilang magising para rumesponde but she's holding a long knife siguradong mabilis n'yang papatahimikin gamit 'yon ang lalapit sa kanya. Ayokong may madamay at mamatay na naman ng dahil sa akin.
Akmang gagapang na sana muli ako sa kasunod na tent ng may bumagsak na matalim na bagay sa taligiran ko. She threw the knife at me. I run as fast as I can. Hindi na ako lumingon at tumakbo na lang alang-alang sa buhay ko. Nakita ko ang kaninang tent na inaayos nina Warren kaya naman mabilis akong pumasok dun. I can feel the pain in the side of my abdomen.
"Claude." tawag ko nang tuluyang makalapit sa kanya. I crawled inside his blanket when I heard some footsteps outside the tent.
"Kuya," he murmured while his eyes still close. He's dreaming. Ayos lang ba s'ya? Para kasing ang sama ng panaginip n'ya.
“C-Claude.” ulit na tawag ko. Naramdaman ko ang pagalaw n'ya. Mukhang naalimpungatan na s'ya.
“Ryu?” namimilog ang mga matang saad n'ya nang makita ako. Kahit ako ay magugulat kapag paggising ko ay may makikita akong tao sa ilalim ng kumot ko. “May prob--” mabilis kong tinakpan ang bibig n'ya nang marinig ang kaluskos na nagmumula sa labas tent.
“Someone’s chasing me. D-Don’t move.” kabadong pahayag ko. Naramdaman ko ang braso ni Claude na pumulupot sa balikat ko. Hindi na ako nagprotesta pa dahil narinig ko na ang pagbukas ng zipper ng tent. She's here.
Tanging ang ingay lang mula sa malakas na pagtibok ng puso ko ang naririnig ko sa mga oras na 'to dahil sa kabang gumagapang ngayon sa sistema ko. Halos ilang minuto rin ang tinagal namin sa ganung posisyon. Nang masiguradong tuluyan ng nakaalis ang taong humahabol sa akin ay dun ko lang napagtanto na pinipigilan ko pala ang paghinga ko.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Claude na nakaupo na ngayon sa harap ko.
“O-Oo.” sagot ko habang pilit ko pa ring pinapakalma ang sarili ko.
“Anong nangyari? Bakit pati rito sa isla ay may humahabol sayo?”
Kung s'ya man si Hanna ay kating-kati na akong malaman ang dahilan n'ya ng paghabol sa akin ng kutsilyo. I'm going to punch her throat when I hear an idiotic reasons.
“Hindi ko rin alam.” sagot ko saka nagsimulang gumapang papunta sa tent zipper pero agad akong napatigil nang mahigpit na hinawakan ni Claude ang braso ko.
“Siguradong nakaabang na s’ya sa labas ng tent mo. Sino nga pala ang mga kasama mo sa loob?” he asked.
“Kelsey, Kendall and Lora.” mabilis kong sagot. ”I need to go baka magising pa ang mga kasama mo at pag-isipan tayo ng masama.”
“Tulog mantika ang mga yan kaya wala kang dapat na ipagalala. Ang isipin mo na lang ngayon ay ang kaligtasan mo. Kilala mo ba ang taong humahabol sayo?” tanong n'ya pero umiling lang ako bilang sagot sa kanya. “You’re lying.” matalim ang tinging saad n'ya. “Ryu, you know you can trust me. Tell me everything that’s bothering you.“
“Look I don’t know who she is, well she might be the Hanna who attacked the SC office pero hindi ko talaga literally na kilala ang Hanna na ‘yon.”
“Anong nangyari rito?” muling tanong n'ya nang dumapo ang tingin n'ya sa tagiliran ko.
“It’s just a scratch.” iwas tinging sabi ko kahit ang totoo ay talagang sugat 'yon. I can feel how painful the wounds kapag gumagalaw na ko.
“Let me see.” madiing usal n'ya. Kung pwede lang busalan ang bibig n'ya ay ginawa ko na. Sinasadya na bang gisingin ang mga kasamahan n'ya?
“Claude, lower down your voice baka magising sila.”
“Let me see.” maawtoridad na sabi n'ya kaya naman lumapit ako sa kanya at bahagyang itinaas ang damit ko. It was a 2 inches wound.
“Just a scratch?” he asked sarcastically. “Your bleeding.”
“Malayo yan sa bituka. Dumaan lang sa balat ko ang kutsilyo n’ya at hindi bumaon.” depensa ko. Mas lalong sumama ang tingin n'ya sa akin. He's scaring me. Ano bang pinoproblema ng lalaking 'to. Hindi n'ya naman 'to sugat para ikagalit n'ya.
“That’s it. Your not leaving tonight. Sa ayaw at sa gusto mo ay dito ka matutulog sa tabi ko.”
“You’re kidding.” hindi nakapaniwalang usal ko.
“Try me.”
***
Nakakainis! He threatened me! Ang daya ng hinayupak na 'to! He said that he'll tell everyone that I sneaked in to their tent. Sisiraan n'ya ako sa lahat, well I sneaked but I have my reasons why I did it. At alam n'ya 'yon!
After n'yang magamot ang sugat ko ay nahiga na kami. It's already pass 12 midnight at maaga pa kami bukas kaya naman hindi na ko nakipagtalo pa sa kanya pero hindi ko pa rin s'ya mapapatawad dahil sa ginawa n'yang pananakot sa akin. Tinakpak ko ang buong katawan ko ng kumot. Mas mabuti nang maging maingat, baka kasi magising bigla sina Warren at makita ako. I don't want to make a scene and ruin my image as a SC President.
"Mauuna naman tayong magising sa kanila kaya hindi mo na kailangang magtago jan." Claude said. Masyado nang mainit at hindi na rin ako makahinga kaya naman inalis ko na lang ang kumot saka ipinako ang tingin ko sa taas.
"Starting tomorrow you have no choice but to be stuck with me." mabilis akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi n'ya. Nakapikit na ang mata n'ya habang nakatagilid paharap sa akin kaya naman kahit gaano kasama ko pa s'ya titigan ay hindi ko s'ya masisindak.
Napabuntonghininga na lang ako bago ipikit ang mga mata ko. I'm to tired to start an argument. Matutulog na lang muna ako. We need to be up at 6am to prepare and cook.
***
"Wala ka bang dalang jacket?" tanong ni Claude habang sabay kaming naglalakad papuntang retractable tent.
"Nakalimutan ko." sagot ko habang pinagkukuskos ang dalawa kong palad para uminit ito.
"You should have told me, may extra jacket ako dun." pahayag n'ya bago lumihis ng lakad. "Kunin ko lang sa tent, wait for me." Bago ko pa s'ya mapigilan ay nakatakbo na s'ya papalayo sa akin.
He's being to nice. Nakakailang, kung nandito siguro si Jasmine ay tahimik ang buhay ko dahil walang bubuntot sa akin. His attention will be focused to her but unfortunately she's not here.
"Good morning Ryu." bati sa akin ni Jayce nang buksan n'ya ang tent na tinutuluyan n'ya. Sakto kasing doon ako sa harap ng tent n'ya nakatayo habang hinihintay si Claude.
"Good morning din. Ang aga mong nagising, 8am pa ang assembly."
"I'm a morning person." nakangiting saad n'ya. "Can I help you with anything? I can cook."
"S-Sure." may pagaalinlangang usal ko.
"Let's go. May hinihintay ka pa ba?" tanong n'ya. Umiling na lang ako saka nagsimulang maglakad.
"Good morning Pres!" masiglang bati sa akin ni James. Kasama n'ya ngayon si Allan na mukhang antok na antok pa.
"I'll help with the ingredients!" tumango na lang ako kaya agad na lumapit si Jayce sa pwesto ni Allan habang may hinihiwa na sa chopping board n'ya.
"Nasaan na ang iba?" tanong ko kay James habang pinupunasan n'ya ang basang mesa.
"Tulog pa ang mga 'yon for sure. Ako na n'yan." mabilis s'yang lumapit sa akin at kinuha sa kamay ko ang natitirang timba ng tubig. Kung hindi ako nagkakamali ay may malapit na batis dito na pinagkuhanan ng tubig kahapon ng mga lalaki.
"Nice one! Ang galing mong humawak ng kutsilyo. Saan mo natutunan yan?" narinig kong tanong ni Allan kay Jayce.
"Self-learning tsaka mahilig din kasi talaga akong magluto." sagot naman ni Jayce. Lumapit ako sa kanila para tumulong na rin sa paghahanda ng agahan. Kinuha ko ang isa sa natitirang kutsilyo at sinimulang balatan ang patatas.
"Ryu ako ang kinakabahan sa'yo." Mabilis na nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ni Allan.
"Ano ka ba, may iba't ibang paraan naman kasi talaga sa pagbabalat." depensa sa akin ni Jayce.
Imbes na kasi papunta sa unahan ang hiwa ng kutsilyong hawak ko habang binabalatan ko ang patatas ay papunta ang talim sa direksyon ko. Hindi ko alam kung saan ko 'yon natutunan pero sa ganoong pagbabalat na kasi ako nasanay.
Naramdaman ko ang makapal na telang pumatong sa balikat ko kaya napalingon ako. Si Claude lang pala, ipinatong n'ya sa balikat ko ang jacket n'ya. Akmang ipagpapatuloy ko na sana ang ginagawa ko nang kunin n'ya ang kutsilyo sa kamay ko.
"Tulungan mo na lang si James ihanda ang mga paper plates at utensils dun." hindi na ako nagprotesta at sinunod ang sinabi n'ya.
Habang abala kaming lahat ay dumating nang magkasama sina Kendall at Kelsey. "Pumunta na ba rito si Ms. Ellen?" tanong ni Kelsey.
"Hindi pa, bakit?" sagot ko.
"Itatanong ko sana kung may dala s'yang gamot para sa dysmenorrhea. Sumasakit kasi ang puson." Umupo ito sa kaharap naming upuan at nangalumbaba. "Wrong timing naman ang period ko. Kung kelan gusto kong mag-swimming sa dagat ay saka pa ko nagkaroon." reklamo n'ya.
"Magpahinga ka na muna sa tent. Itatanong ko kay Ms. Ellen kapag dumating s'ya."
"Talaga Ryu? Omgeeee! Thank you! Babalik muna akong tent ah."
"Just this once. Bukas ay balik duty ka."
"Of course." saad n'ya bago tuluyang umalis sa harap namin.
"Bakit kaya wala pa ni isang faculty dito?" tanong ng katabi kong si James habang tinatanaw ang labas ng tent na kinaroroonan namin. Tama s'ya dapat ay kanina pa sila nandito para mag-supervise.