Chapter 21: Open Letter

2154 Words
“This is amazing.” usal ni Zeal. Kulang na lang ay umikot ng 360 degrees ang leeg n’ya habang sinusulit ang magandang tanawin na nakikita habang nakasakay kami sa isang jet boat papunta sa island destination namin na Isla Menterio. Matapos ang halos 18 hours na byahe sa bus ay sumunod naman naming sinakyan itong jet boat. Sa ngayon ay kalahating oras na kaming bumabyahe sa gitna ng napakalawak na karagatan. Kahit ako ay hindi ko mapigilang mapamangha sa nakikita ko. Napapalibutan kami ngayon nang asul na karagaatan, walang bahid ng polusyon dahil malinaw mong makikita ang mga isda na parang sumasabay sa amin sa byahe. Kung noong una ay may nakikita pa kaming mga maliliit na isla sa paligid, ngayon ay tanging tubig na lanag sa dagat. Mukhang sa isang isolated na isla kami dadalhin ng bangkang ‘to. “May serena kaya rito?” tanong ni Paxton. “Itutulak kita tapos tingnan mo.” suhestyon naman ng pinsan n’yang si Zeal. Akmang aatakihin na sana ni Paxton si Zeal ng magsalita sa likod nila si Leila. “Don’t f*cking move! Gusto n’yo bang sama-sama tayong tumaob sa bangkang ‘to tapos kainin ng mga malalaking pating na nakaabang sa’tin sa ilalim. Hay naku! Bakit ba kasi sa napakalayong isla pa tayo dadalhin? Pwede naman sa resort na lang namin.” maarting pahayag ni Leila. “Ang dami mong alam. Kakapanood mo yan ng shark movies.” bwelta sa kanya ni Zeal. “Shut up and FYI hindi ako ng mga ganun.” “Whatever.” parang tangang may stiff neck na tinalikuran ni Zeal si Leila. “Warren,” tawag ni Zeal ng mapansing tahimik lang ito sa isang tabi at malayo ang tingin. “Okay lang yan. Pasalubungan mo na lang ng buhangin si Selena, teka wala rin ngayon si Jasmine.” pahayag ni Zeal habang nililibot ng tingin ang jet boat. “Jayce, nasaan si Jasmine?” “Probinsya. Emergency.” tipid na sagot n’ya. Para akong dinuduyan nang sariwang hangin. Ipinikit ko ang mata ko saka nagsimulang umidlip. Dalawang linggo kami mananatili sa isla. Hindi ko maimagine kung anong mangyayari sa amin sa 2 weeks na ‘yon. Sana lang ay maging maayos at ligtas ang lahat hanggang sa huling araw ng camping trip na ‘to. Tanging SC officers at tatlong faculty lang ang nakabantay sa 60 plus students nandito ngayon. May ilan ding mga volunteers para sa pagaayos ng mga activities at pagluluto kaya naman mas mapapagaan ang trabaho namin kahit papaano. Naramdaman ko ang pagalog ng balikat ko kaya naman tuluyan na akong napamulat. “Malapit na tayo.” abot tengang ngiti ni Zeal. Tama s’ya natatananw na namin ngayong ang nag-iisang islang napapalibutan ng karagatan. Habang papalapit ng papalapit ang sinasakyan naming jet boat ay s’ya ring paglakas ng tambol sa dibdib ko. Hindi ko alam kong dala lang ito ng excitement nang makita ang isla o dahil may masamang kutob akong nararamdaman dito. Sunod-sunod na pumarada sa dalampasigan ang tatlong jet boat. Pagbaba ay makikita ang excitement sa mukha ng mga estudyante. Nagsimuula na silang kumuha ng kanya-kanyang litrato samantalang ang iba naman ay abala sa pagbaba ng mga bahage. “Sir walang signal dito, paano kapag nagka-emergency?” tanong ni Ms. Ellen na isa sa mga faculty kay Mr. Brown. Agad kong kinuha sa cross body bag ang cellphone ko at nakompermang wala ngang signal sa isla. “Don’t worry. Nag-provide si Mr. Sevillano ng satellite phone for emergency.” narinig kong sagot n’ya. Tinulungan kami ng anim na naka-men in black na s’yang nago-operate ng jetboat na dalhin sa camp base ang mga dala naming mga gamit. Halos 15 minutes pa mula sa dalampasigan ang nilakad namin bago tuluyang makarating. Maririnig ang pagkamangha sa paligid at ang iba naman ay reklamo mula sa mga estudyante. Mukhang malayo sa paraiso ang inaasahan ng lahat. Nagpaalam ang anim na lalaking nag-assisst na aalis na kaya naman tuluyan na kaming na-isolate nang walang emergency boat na sasaklolo kapag nagkaproblema sa islang kinaroroonan namin ngayon. Bago ilatag ang mga dala naming tent ay nilinis muna ng lahat ang buong paligid. Hindi ko mapigilang mainis dahil sa pangingibabaw ng reklamo ni Leila. Kung pwede ko lang lagyan ng duct tape ang bibig n’ya ay ginawa ko na. “Claude, can you help me set up the tent?” tanong ni Leila na may pagmamakaawang mukha. “I also need to set up all of this.” malamig kong tugon sa kanya habang inaayos ang PVC table na dala ng faculty. “Ask some other guy.” dagdag ko pa bago ituon muli ang atensyon ko sa ginagawa ko. Bagsak ang mga balikat ni Leila na naglakad palayo sa akin. “Bro, may extra unused brief ka ba? Mukhang kukulangin ata ako.” bulong na tanong sa akin ni Zeal. Gusto ko s’yang hampasin PVC leg ng lamesa kung hindi lang ito nakakabit na. “Wag muna ako, Zeal. Si Warren na lang muna ang guluhin mo o ‘di kaya si Paxton.” “Tulog na si Paxton habang nagmumukmok naman si Warren dun sa may puno ng balete. Haist!” “Wala ka na bang ibang gagawin?” baling ko rito na halatang bored na bored na. “Wala na. Tapos na naming ayusin yung tent natin” sagot naman n’ya na ngayo’y may kinakalikot sa hawak n’yang cellphone. “Gagii! Wala pa lang signal!” reklamo n’ya saka ibinalik sa bulsa ang phone. Sa huli ay wala na itong nagawa kundi tulungan ako sa mga ginagawa ko. Magdidilim na nang matapos ang lahat sa pagsi-set up ng mga tent pati na rin ang rectactable tent para sa magiging kitchen. “Saan nga pala tayo tatae?” biglang tanong ni Paxton habang nakapila para kumuha ng dini-ditribute na pagkain. “Hindi ka ba nakinig nung orientation? You need to dig a motherf*cking hole then poop. The right side of the camp base is for the girls and the left side is for the boys. Love mother nature. Let’s donate natural fertilizer.” “Sh*t seryoso ba yan? Wala bang dala na portable toilet ang SC? Claude?” “Sa tingin mo ba ay mabibitbit namin yun dito?” tanong ko kay Paxton na nagkibit balikat na lang saka kinuha ang iniabot na pagkain ni Kelsey. “Ikaw, ikaw at ikaw.” turo ni Kelsey kay Warren, Paxton at Zeal. “Kayo ang maghuhugas ng mga utensils na ginamit kanina. “Bakit kami?” reklamo ni Warren. “Just because,” Wala nang nagawa ang tatlo, nagbanta kasi si Kelsey na isusumbong sila kay Sir Brown kaya naman no choice na ang mga ito kundi ang sumunod. Iniwan kong ang tatlo na naghihimutok pa rin habang kaharap ang mga hugasin nila. Nagsimula na kong maglakad patungo sa tent pero bago pa ako makarating dun ay nadaan ko si Ryu na abala pa rin sa pagaayos nang kung ano ano sa kabilang rectactable tent na nagsisilbing SC and faculty lounge. “Hindi ka pa ba napapagod?” tanong ko rito dahilan para ibaling n’ya ang tingin sa akin. “Kailangan ‘to para bukas.” saad n’ya habang may pinaghihiwalay na mga papel sa lamesa. “Open letter for myself,” usal n’ya. “Halatang hindi ka nakinig sa meeting natin at orientation.” matalim ang mga matang baling n’ya sa akin. Napakamot na lang ako sa batok dahil sa sinabi n’ya. Nakinig naman ako, first part nga lang ng orientation. Bigla tuloy akong napaisip, kung magsusulat ako ng letter para sa sarili ko ay ano naman kaya ang ilalagay ko? “Just write anything from your hearts content. Hindi kailangang mahaba o malalim.” seryosong pahayag ni Ryu. “After the trip ay ibabalik natin ang letter na isinulat nila. Sila ng bahala kong babasahin muli nila ‘yon o itatago till they are ready to read it again. It’s up to them. ‘Open letter for myself’ is like a self-help or self-love for restless present of yourself.” “That’s nice.” tipid na usal ko na lang. “Go to sleep when your done. Maaga pa tayo gigising bukas.” bilin ko bago tuluyang umalis. Open letter for myself. Bahala na bukas. Pagpasok ko ng tent ay hindi ko akalaing malawak pala ang loob nito, hindi kasi halata mula sa labas. Apat kami nina Warren, Paxton at Zeal na tutuloy rito pero parang kakasya pa nga ang panibago pang apat na katao. Inayos ko ang higaan ko saka inihiga ang katawan ko. Mabilis akong kinain ng antok dahil na rin siguro sa matinding pagod. “Claude,” tawag sa akin ni kuya kaya naman mabilis akong napabalikwas. Hawak n’ya ngayon ang magkabila kong balikat at bakas sa mukha n’ya ang matinding pag-aalala. “You need to go! Hindi ka dapat pumunta rito. Your friend and your life is in danger. Umalis na kayo habang maaga pa!” “Kuya, where are you going?” tanong ko ng buksan n‘ya ang zipper ng tent saka lumabas akmang susundan ko na sana s’ya ng may marinig ulit akong tumawag sa pangalan ko. Nanlalabo ang mga mata ko na napamulat. Unti-unting nag-adjust ang mga mata ko sa madilim na tent na kinaroroonan ko. “C-Claude.” “Ryu?” nanlaki ang mga mata kong sambit sa pangalan n’ya ng makita s’yang nasa ilalim ng comforter ko. Akmang tatayo na sana ako nang mahigpit n’yang yinakap ang bewang ko. Napansin ko ang panginginig ng katawan n’ya. “May prob--” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng takpan n’ya ang bibig ko. “Someone’s chasing me. D-Don’t move.” bulong n’ya kaya naman nanatili ako sa posisyon naming dalawa. Inalis ko ang kamay n’ya sa bibig ko. I wrapped my arms around her shoulder. She’s shaking. Halatang natatakot itong mahuli ng kung sino mang humahabol sa kanya. Narinig ko ang kaluskos mula sa labas. I saw a shadow standing in front of our tent. Mayamaya pa ay narinig ko na ang ginawa nitong pagbukas sa zipper ng tent kaya mabilis kong ipinikit muli ang mga mata ko at nagkunwaring natutulog. Hindi rin nagtagal ang ginawa nitong pagsilip kaya naman nakahinga ako ng maluwag nang marinig muli ang pagsara ng zipper. Nang masiguradong wala na ito ay agad kong nilibot ng tingin ang loob ng tent. Mahimbing na ngayong natutulog ang tatlo kong kaibigan habang humihilik. Nang silipin ko ang oras sa relo ko ay nakita kong alas-onse na nang gabi. “Ayos ka lang ba?” tanong ko kay Ryu habang nakaupo s’ya sa harap ko. “O-Oo.” sagot n’ya bago s’ya mapabuga ng hangin. Katulad ko ay mukhang nakalimot din s’yang huminga kanina. “Anong nangyari? Bakit pati rito sa isla ay may humahabol sayo?” I can’t help myself but worry. Mukhang hindi tinatantanan si Ryu ng gustong manakit o pumatay sa kanya. “Hindi ko rin alam.” sagot n’ya bago gumapang papalapit sa may tent zipper pero agad kong hinawakan ang braso n’ya para hindi s’ya tuluyang makalabas. “Siguradong nakaabang na s’ya sa labas ng tent mo. Sino nga pala ang mga kasama mo sa loob?” “Kelsey, Kendall and Lora.” sagot n’ya. ”I need to go baka magising pa ang mga kasama mo at pag-isipan tayo ng masama.” “Tulog mantika ang mga yan kaya wala kang dapat na ipagalala. Ang isipin mo na lang ngayon ay ang kaligtasan mo. Kilala mo ba ang taong humahabol sayo?” tanong ko pero umiling lang s’ya bilang sagot sa akin. “You’re lying.” madiin saad ko. “Ryu, you know you can trust me. Tell me everything that’s bothering you.“ pinipilit kong ikalma ang sarili ko. Natatakot lang ako na isang araw ay mabalitaan ko na lang na bangkay na ang katawan n’ya. “Look I don’t know who she is, well she might be the Hanna who attacked the SC office pero hindi ko talaga literally na kilala ang Hanna na ‘yon.” “Anong nangyari rito?” tanong ko nang mapansin ang punit n’yang damit sa tagiliran. “It’s just a scratch.” depensa n’ya saka iyon itinago. “Let me see.” “Claude, lower down your voice baka magising sila.” “Let me see.” mas nilakasan ko pa ang boses ko dahilan para lumapit s’ya sa akin at itaas ng bahagya ang damit n’ya. “Just a scratch?” I said sarcastically. “Your bleeding.” “Malayo yan sa bituka. Dumaan lang sa balat ko ang kutsilyo n’ya at hindi bumaon.” depensa pa n’ya kaya marahas akong napahilamos sa mukha ko. This girl is impossible. “That’s it. Your not leaving tonight. Sa ayaw at sa gusto mo ay dito ka matutulog sa tabi ko.” maawtoridad kong pahayag dahilan para unti-unting kumunot ang noo n’ya. “You’re kidding.” “Try me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD