Chapter 20: Preparation

1957 Words
CLAUDE'S POV Halos mapuno ang auditorium sa dami ng mga estudyanting pumapasok sa loob. Ngayon araw ang orientation para sa gaganaping school trip at halatang excited na ang mga ito para bukas. "268." bulong ko nang makita ang listahan ng total graduating students ngayong school year. "First batch tayo." saad ni James na katabi ko habang nakasilip din sa folder na hawak ko. "Mahahati sa apat na batch ang school trip. Masyadong marami ang graduating students kaya hindi kayang mabantayan ang lahat ng mga SC officials at faculty." "Ilang section kada isang batch?" tanong ko. Wala kasi ako makita sa hawak kong papel. Imbes na per section kasi ay naka-total na lahat ng pangalan ng mga estudyante. "3 sections per batch." sagot sa akin ni James. "Goodluck Ms. Ryu." saad nito ng dumaan sa tabi namin si Ryu papaakyat sa stage. Nagsimula ang orientation. Nakinig na rin ako dahil hindi ko binasa ang ibinigay ni Selena sa aking hands out para sa mga guidelines na gaganaping trip bukas. "Claude!" tawag sa akin ni Jayce paglabas ko ng auditorium. Malawak ang ngiti n'ya habang papalapit sa akin. Hindi ko alam kung kikilabutan ako o bubulagin ko na lang ang sarili ko para hindi masaksihan ang nakakailang na mukha ni Jayce. "Kamusta?" tanong n'ya nang tuluyang makalapit sa akin. "A-Ayos lang." sagot ko. Nagsimula akong maglakad at sumunod naman s'ya. "Excited ka na ba para bukas?" muling tanong n'ya. "Hindi." sagot ko. Iyon ang totoo, wala akong nararamdamang excitement para bukas. Parang mai-stress at mapapagod lang ako sa mga mangyayaring activites. Buti sana kung may basketball na laro dun edi sana nag-enjoy pa ako. "Come on! Bakit naman hindi? Magiging malayo tayo dun gawin ang lahat. Hahaha!" pahayag n'ya. "Anyway, kitakits na lang. Make sure na may dala kang pepper spray bukas." tumatawang saad n'ya habang talon-lakad ang ginawa papalayo sa akin. Mukhang excited na excited na s'ya para bukas. Naglakad ako papuntang SC office at nakita ang hindi ko inaasahang bubungad sa akin. Teka, nag-change theme ba sila rito? Hindi ko alam kung magugustuhan ko ang nakikita ko. "Hi Claude." malanding bati sa akin ni Kelsey saka dali daling pumasok ng opisina. "Hindi pa tapos ang orientation ah, anong ginagawa mo rito?" tanong n'ya habang may kung anong hinahanap sa drawer. "I should be asking you that too." baling ko sa kanya. "Well, my dear, may pinapakuha lang sa akin si Ryu. Here, nahanap ko na." saka n'ya ipinakita ang hawak n'yang usb. "Anong nangyari dito?" tanong ko na ikinakunot ng noo ni Kelsey. "Hindi mo ba nabalitaan?" she asked while looking at me like I committed a crime. "My ghadd Claude huling huli ka na sa balita alam mo ba 'yon." dismayadong pahayag n'ya habang nakapamewang sa harap ko. "Nalooban ang office nung lunes if that's what you call it dahil wala namang nawala sa'ting gamit." "Nahuli na ba ang may gawa nito?" "Nope." mabilis na sagot n'ya bago ako iwan sa loob. Bakit hindi 'to nabanggit sa akin ni Ryu? Haist! Ang babaing talagang 'yon. Magkasama lang kami sa iisang bahay pero hindi man lang s'ya magsabi sa akin. Nakita ko ang maliit na sulat na nakaukit sa sirang pvc table, ngayon ko lang ito napansin. 'Be ready b***h. I'm coming for you.' Truly yours, Hanna Who the hell is Hanna? "What are you doing here? Hindi pa tapos ang orientation." napaangat ako ng tingin dahil sa nagsalita. It was Ryu. Speaking of the devil, she's here. "You didn't tell me," I glared at her but she immediately turn her back at me. "Ang alin?" tanong n'ya saka nagsimulang maghalungkat sa cabinet na pinaghalungkatan din kanina ni Kelsey. "May kilala ka bang Hanna?" "Wala." she said without turning a gaze on me. Abala s'ya habang may hinahanap na kung ano sa ibabang drawer. "Why'd you ask?" "Nakita mo na ba ang sulat na 'to?" "Oo." "Sino kaya ang tinutukoy n'ya? Hindi s'ya aatake na lang dito nang walang dahilan." "Bumalik ka na sa auditorium." utos n'ya sa akin. "Hindi ikaw ang punterya n'ya 'di ba?" Hindi ko alam kung ba't lumabas 'yon sa bibig ko. Bakit naman si Ryu ang magiging target nito? "Hindi. And besides, wala rin naman akong kilalang nagngangalang Hanna." depensya niya. Why do I feel that she's lying? Of course hindi n'ya sasabihin sa'kin ang alam n'ya dahil katulad ko ay may itinatago rin s'ya. Nauna akong umalis sa opisina at nagpasyang bumalik na lang muna sa auditorium. Mula sa mga estudyanteng nasa loob ay hinanap ng mata ko Jasmine kung saan nakapwesto ang section namin pero bigo akong makita s'ya. Hindi ba s'ya pumasok? Nang magtama ang tingin namin ni Jayce ay agad ko rin yung pinutol. I'm starting to hate her for no reason. NANG matapos ang orientation ay kanya kanyang pulasan ang mga estudyante. Wala na kaming sunod na klase kaya naman malaya na ang lahat para mamili at maghanda para bukas. "Guys tara, let's shoppingggggg!" sigaw ni Zeal saka umakbay sa balikat namin ni Warren. "Bakit para kayong sinampal ng langit at lupa?" "Sh*t up Zeal." usal ni Warren habang seryosong sinisipsip ang lolipop sa bibig n'ya. "Masyado ka bang disappointed dahil hindi kasama si Selena? Hahaha!" tumatawang sabi ni Zeal dahilan para makatanggap s'ya ng siko sa tiyan mula kay Warren. "Arayyy, ito naman parang hindi bestfriend. Bro, ang obvious naman kasi." dagdag n'ya pa. "Kitakits na lang bukas." saad ni Warren bago humiwalay sa amin. "5am bukas Zeal. Kapag naiwan ka ng bus bukas ay languyin mo na lang ang papuntang isla." Tinapik ko s'ya sa balikat bago s'ya iwang nakasimangot. "Ang KJ n'yo!" narinig ko pang sigaw n'ya pero hindi ko na s'ya nilingon pa. I decided to go home. Kailangan ko na ring ihanda ang mga gagamitin ko bukas. Napatigil ako sa pagakyat at sinipat ang pinto ng apartment nina Jasmine. "May problema ba?" tanong ng babaing nasa likuran ko. It was Jayce. "Nandyan ba si Jasmine?" tanong ko nang mapalingon sa kanya. "Umuwi s'ya ng probinsya. Nagkaroon ng emergency sa kanila kaya biglaan." sagot n'ya. Napansin ko ang paigting ng panga n'ya. Hindi ko na lang pinansin ang naging ekspresyon n'ya at tinungo paakyat ang hagdan papuntang apartment. Pagpasok ko ay naabutan ko sa loob si Ryu habang nakatayo sa harap ng countertop. Nakatulala s'ya sa hinahalong kape na mukhang kanina n'ya pa ginagawa dahil halos magkalat na iyon sa pinagpapatungan nito. "Your over mixing the coffee." saad ko dahilan para mapaangat s'ya ng tingin sa akin bago muling ibaba ang tingin sa kape n'ya. Something is obviously bothering her. Dala ang tasa ng kape ay naglakad s'ya papasok ng kwarto. Nagpasya akong magluto na lang ng hapunan since may matitirang oras pa naman ako para mag-ayos ng mga gagamitin ko para bukas. Habang hinihiwa ang mga rekado na gagamitin ko para sa pagluluto ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si dad. Himala dahil tumatawag s'ya after all this years na wala kaming communication. I ignored his calls. Nakailang missed calls din s'yang hanggang sa makatanggap ako sa kanya ng isang text. 'Son, let's talk.' 'I need to tell you something important.' 'Answer my calls.' I also ignored his text messages. I turned off my phone and continue what I'm currently doing. Mayamaya pa ay isang katok ang narinig ko mula sa pinto. I put the knife down and walked to the door. To my surprise, I saw my dad standing in front of me. Anong ginagawa n'ya rito? "Claude," panimula n'ya. Isasara ko na sana ang pinto nang pigilin n'ya ako. "It's is about your brother." "Don't fool me. 'Wag mong gamiting dahilan si kuya para makuha ang gusto mo." I burst out in anger. Kaya ayokong lagi nakikita ang mukha n'ya dahil awtomatikong kumukulo ang dugo ko sa kanya. "Don't go to the school trip tomorrow. May nahanap ng lead ang private investigator ko patungkol sa kinaroroonan ni Skyler. Let's go there tomorrow." seryosong pahayag n'ya. "Stop. I don't believe you. Tama na ang ginawa mo nung unang pagpapaikot sa akin. Kahit kelan ay hindi na ko makikinig sa mga kasinungalingan mo!" asik ko. "Son lis----" hindi ko na s'ya pinatapos at binagsakan s'ya ng pinto. Nung nagpasya akong aalis na bahay ay sinabi n'ya ring nag-hire na s'ya ng private investigator na hahanap sa kapatid ko so I stayed with him. I believed him but after months of waiting I heard him talking with someone. He said that it's just his alibis to make me stay in the house. I was so furious. Walang paapaalam akong naglayas ng gabing 'yon sa bahay. And now, he's using the same excuse again. Dahil sa sobrang galit ay malakas kong sinuntok ang kaharap kong pinto. Ang lakas nang loob n'yang puntahan ako rito. I hated that man. Hindi na ako magtataka kung bakit s'ya iniwan ni mama noon. I take a deep breath and calm myself down. Paglingon ko ay nakita kong nakatayo sa harap ng kwarto n'ya si Ryu while looking at my direction. Naglakad ako pabalik sa kusina at sinimulan ulit ang naiwan kong gawain. "Anong lulutuin mo?" tanong ni Ryu na nasa likuran ko habang hinuhugasan ang basong ginamit n'ya. "Garlic butter shrimp." sagot ko saka inilagay ang kawali sa single stove. "Ako nang magluluto. Ayokong kumain ng may recipe ng dugo mo." pahayag ni Ryu saka ako mahinang itinulak palayo sa mga ingredients na kaharap ko. Bumaba ang tingin ko sa duguan kong kamao kaya naman lumapit ako sa may gripo at hinugasan ito. "N-Narinig mo ba?" tanong ko. "Oo." tipid na sagot ni Ryu. "F*ck!" mura n'ya kaya agad akong napalingon sa kanya. "What the?! Bakit lumalangoy ang mga hipon sa mantika?" di makapaniwalang tanong ko. Nalingat lang ako sandali ay ito na agad ang tumambad sa akin. "Hindi ba dapat?" inosenting tanong ni Ryu kaya napahagalpak ako ng tawa. Ang lakas ng loob n'yang ipagtulakan ako at mag-volunteer na magluluto pero hindi naman pala s'ya marunong. "Stop laughing! Marunong akong magluto." depensa n'ya."Ouch!" daing n'ya nang may tumalsik na mantika sa braso n'ya. I can't stop myself from laughing. Hindi kasi maipinta ang mukha n'ya. Hindi n'ya alam kung sa niluluto itutuon ang atensyon o sa akin na mukhang asar na asar na s'ya. "Ano ba!" iritang sigaw ni Ryu. "Claude, nasusunog na!" tarantang saad n'ya. Akmang hahawakan na sana n'ya ang kawali nang walang gamit na pot holder nang mabilis kong pigilan ang kamay n'ya. "Damn! Gusto mo bang pasuin ang sarili mo?" Agad kong pinatay ang gas stove at inalis ang nakapatong na kawaling umuusok na nang itim. "You just burn my shrimp." usal ko nang makita ang tustadong hipon. Sa huli ay napagdesisyonan na lang namin, i mean ko na umorder sa labas. Wala na rin kasi kaming ibang natitirang pagkain sa ref. "You should be honest sometimes." usal ko na lang habang nakasandal sa sofa at hinihintay na dumating ang order ko. "Pwede mo naman sabihing hindi ka talaga marunong magluto o kaya naman dinerekta mo na ako kaninang gamutin muna ang sarili ko." "You should shut up sometimes. Pwede ka namang tumahimik na lang habang hinihintay ang pagkain mo." pagbawi n'ya habang nakaupo sa kaharap kong single sofa. "You have a sense of humor by the way." "This conversation is stupid. Matutulog na ko." "Hindi ka ba kakain? Kaya ang payat payat mo." tumalim ang tingin n'ya sa akin saka nagsimulang magmartsa papasok ng kwarto n'ya. I just can't help but smile. Maganda rin palang may ka-roommate ka dahil may nakakausap ka paminsan-minsan. Kahit walang kwenta ang pinatutunguhan ay atleast may naririnig akong ingay sa apartment na 'to hindi katulad noon na sobrang tahimik. I think I should thank Ryu for that. Wait, napilitan nga lang pala s'ya na makasama ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD