Chapter 19: Traitor

2239 Words
Bitbit ang balde ay nagpalingalinga sa Torrence sa paligid habang hinahanap ang balon na pagkukuhanan n’ya ng tubig. Nasira kasi ang waterline ng bahay na tinutuluyan nila kaya naman wala s’yang ibang choice na magibig ng tubig sa balon na tinutukoy ng kaibigan para makaligo. Halos tatlong araw na s’yang nakikitira ngayon sa bagong kaibigan si Hanna. Maayos at masaya naman itong kasama pero minsan ay napapansin n’ya ang pagiging balisa nito. Minsan naman ay naririnig na itong kausap ang sarili at sinasaktan ang sarili pero inisip n’ya na lang na may sarili rin itong problemang dinadala katulad n’ya kaya hindi n’ya na lang ito pinapakialaman. Mayamaya pa ay natanaw na n’ya ang lumang balon. Dali-dali s’yang naglakad papalapit at sinilip ang malalim at madilim na balon pero mabilis s’yang napangiwi at napatakip ng ilong nang umalingasaw ang mabahong amoy mula dito. Parang bumalik sa alaala ng dalaga ang hangin sa islang pinagdalhan sa kanya. Naamoy n’ya ngayon ang naagnas na patay. “Torrence!” Mabilis s’yang napalingon nang marinig ang madiing sigaw na ‘yon mula kay Hanna. Para itong toro na papasugod sa kanya habang magkasalubong ang mga kilay at nagngingitngit ang mga ngipin. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” asik nito nang makalapit sa kanya. “Ano pa, edi magiigib tulad ng sinabi mo?” pabalang na sagot n’ya. Hindi n’ya alam kung bakit galit na galit ito ngayon sa kanya. “Hinid ba’t sinabi ko sa balon!” “Ano ang tingin mo rito? Swimming pool?” Unit-unti namang kumalma ang ekspresyon sa mukha ni Hanna nang mapagtantong balon din naman kinaroroonan nila ngayon.” H-Hindi ang balong ‘to kundi ‘yun,” saka itinuro ng dalaga ang isa pang balon na may maliit na bubong hindi kalayuan sa tinatayuan nila ngayon. Muling napasilip si Torrence sa lumang balon bago humakbang palayo para puntahan ang itinuro ng kaibigan. May kakaibang kutob s’ya sa balong ‘yon pati na rin sa biglang ikinasama ng loob ni Hanna nang makita s’ya nitong malapit sa lumang balon.   “Sorry.” usal ni Hanna habang nakayuko at pinaglalaruan ang pagkaing kaharap gamit ang hawak n’yang kutsara. “Okay lang ‘yun.” tipid na sagot ni Torrence habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaharap. “Gusto mo bang uminom?” “Time first muna ako.” “Yosi,” “Nagninigarilyo ka?” hindi makapaniwalang tanong n’ya. “Minsan. Pangpaalis ng stress sa katawan.” “Hindi ka ba natatakot na masunog ang atay mo sa kakasigarilyo?” “Nope, kung yun naman ang ikinagiginhawa ng loob ko ay gagawin ko pa rin.” Hindi na nagsalita pa si Torrence. Hahayaan n’ya na lang ito, aalis na rin naman s’ya kaya hindi n’ya na kailangang makialam pa.   Kinaumagahan ay sapilitang napabangon mula sa pagkakahiga si Torrence nang marinig ang sunod-sunod kalabog at sigaw ng babae mula sa labas ng kwarto. Hinanap n’ya si Hanna pero wala na ito ngayon sa tabi n’ya. “Hanna!” muling sigaw ng babae pagbukas n’ya ng pinto. Naramdaman pa n’ya ang pagtalsik ng laway nito sa mukha n’ya kaya mas lalo s’yang napasimangot. “Nasaan si Hanna?! Ilabas mo ang baliw na ‘yon?!” “Pwede ba, umagang-umaga ay nangbubulabog ka.” bwsit na bwisit na saad n’ya. Malakas s’yang itinulak ng babae kaya agad s’yang napaatras. Walang pasintabi na pumasok si Corazon sa kwarto nila at padabog na hinalughog ang buong kwarto. “Siguro ay nagtatago na ang baliw na ‘yon.” narinig n’yang bulong ng baabe sa sarili. “Ano ba!” bulyaw nito sa kanya nang hilahin n’ya ang likurang kwelyo nito at kinaladkad papalabas ng bahay. “ Sino ka bang h*yop ka!" mura nito sa kanya. “Ako ang tataga d’yan sa bibig mo kapag hindi ka tumahimik!” banta n’ya sa babae pero humagalpak lang ito ng tawa sa harap n’ya. “Hindi mo kilala ang babaing kasama mo. Kung ako sa’yo ay aalis na ako bago pa ko matagpuan patay sa mga susunod na araw.” “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong n’ya sa babae. “Mamamatay tao ang baliw na ‘yon. Pinatay n’ya ang sarili n’yang mga magulang dahil baliw s’ya. Sa ngayon ay hindi na rin ako aasang makikita ko pa ng buhay ang kapatid ko dahil sigurado akong pinatahimik na s’ya ng demonyang ‘yon. Magbabayad s’ya!” galit na galit pahayag ng kaharap n’ya.   Hindi maalis sa isip ni Torrence ang sinabi ni Corazon. Hindi n’ya alam kong maniniwala s’ya o hindi pero nang maalala ang lumang balon ay doon na lumakas ang masamang kutob n’ya kay Hanna. Talaga bang magagawa iyon ng babaing ‘yon? “Hoy! Anong nangyayari sayo? Bakit kanina ka pa tulala d’yan?” tanong ni Hanna kaya agad n’yang hinugot ang sarili mula sa malalim na pagiisip. “Iniisip ko lang kung saan ang next stop ko pagalis ko rito.” sagot n’ya. “Ikaw ba yan Dora? Hahahaha!” biro nito sa kanya. “Kung wala ka pang mapuntahan ay welcome na welcome ka naman dito pero kung gusto mo na talagang umalis ay hindi kita pipigilan. Pwede rin kitang pahiramin ng kaunting pera para may panggastos ka.” Hindi n’ya akalain na ang mabait at palangiting kaharap n’ya ngayon ay magagawa kumitil ng ibang buhay. Mabilis na winakli ni Torrence ang iniisip dahil wala naman s’yang pruweba na ginawa nga ito ni Hanna. “Hanna, sinabi mong namatay ang mga magulang mo tatlong taon na ang nakakalipas,” “Oo bakit?” “W-Wala. Naalala ko lang bigla.”   Natagpuan na lamang ni Torrence ang sarili na nasa harap ng lumang balon. Hindi s’ya mapakali simula pa kahapon. Bukas ay aalis na s’ya pero bakit nararamdaman n’ya ang pagpigil sa kanya ng konsensya n’ya. Ang mabahong amoy na pumapasok ngayon sa ilong n’ya at nagpapabaliktad ng sikmura n’ya ay hindi ngang maitatanggi na katawan iyon ng naaagnas na tao. Pagbalik ng bahay ay napansin nitong wala sa loob si Hanna kaya naman muli n’yang inilibot ng tingin ang apat na sulok na kilalagyan n’ya. “Alam kong nagsisinungaling ka Hanna,” bulong n’ya sa sarili. Isang nakalukot na papel ang umagaw ng pansin ni Torrence. Nasa sulok ito ng cabinet. Nang tingnan n’ya ito ay nakita n’yang isa iyong sulat mula sa isang hospital. “Mendiolla Juvenile Mental Institute,” mas lalong nagsalubong ang mga kilay ng dalaga nang makita ang laman ng sulat mula sa center. “Psychopath treatment?” Mabilis na nilukot muli ng dalaga ang hawak na papel at itinago sa likuran nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Nakita n’ya sa mukha ng kaibigan ang pagkataranta ng makita s’ya. “Torrence. They’re here!” “S-Sino?” “Yung MIB na sinasabi mo! Mukhang alam na nilang nandito ka. You need to go!” Mabilis na iniabot ni Hanna ang bag sa kanya. May iniabot din ito sa kanyang pera bago s’ya nito ipagtulakan sa tagong lagusan na itinuro nito sa kanya dati. “Mag-iingat ka.” aniya nito. Bago pa maisara ni Hanna ang maliit na pinto ay mabilis na hinablot ni Torrence ang kamay ng kaibigan. “Come with me, hindi ka nila papatakasin ng buhay kapag nalalaman nilang nakasama kita.” “H-Hindi pwede,” “Bakit? Come on Hanna. Kung ano man ang iniisip mo ngayon ay ibaon mo na yun sa limot kasama ang lugar na ‘to. Alam kong may dahilan kung bakit mo nagawa ang mga iyon.” makahulugang pahayag ni Torrence,. Nakita n’ya ang pagbilog ng mga mata ni Hanna. Mukhang tama nga ang hinala n’ya. “T-Torrence,” Muling hinila ng dalaga ang kamay ni Hanna. Naramdaman n’yang napasunod na lang ito sa kanya. “Malalampasan din natin ang lahat ng ‘to.” bulong ni Torrence sa sarili. “I-I killed someone.” wala sa sariling pagamin ni Hanna sa kanya habang binabaybay ng dalawa ang masikip na tunnel. “H-He tried to rape me kaya wala na akong choice kundi ipagtanggol ang sarili ko.” mangiyak-ngiyak na paliwanag nito sa kanya. Kung hindi s’ya nagkakamali ng hinala ay maaaring kapatid ni Corazon ang tinutukoy n’ya. “Hindi mo kailangang magpaliwanag.” Marami na s’yang nasaksihan na mga pagpatay at ngayon ay parang hindi na bago sa kanya na may marinig s’yang ganoong kwento. At isa pa, may sakit si Hanna.   “Saan mo nakuha ang perang yan?” hindi makapaniwalang tanong ni Hanna ng makita ang hawak na envelop ni Torrence na naglalaman nang napakadaming pera. “Katulad mo ay may sekreto rin akong tinatago.” malungkot na saad ng dalaga. . “I was diagnosed with Psychopathic disorder, hindi ‘yon matanggap ni mama kaya naman nagpakamay s’ya sa loob ng mismong kwarto ko. Galit na galit si papa sa akin dahil sa nangyari kay mama kaya naman tinangka n’ya akong patayin pero imbis na ako ang mabawian ng buhay ay s’ya ang namatay sa harap ko. Noong una ay naguguluhan ako sa dugong isinusuka n’ya sa harap ko pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na hawak ang isang matalim na gunting. Nang makita ko ang dugo sa kamay ko ay parang nahikayat pa akong makakita nun kaya naman sinaksak ko s’ya ng paulit-ulit hanggang sa makontento ako.” kwento sa kanya ni Hanna. Hindi nagtagal ay ibinunyag din nila sa isa’t isa ang sekretong naging dahilan kung sino sila ngayon. “I will help you.” usal ni Hanna nang marinig ang kwento ng mga nangyari sa kanya sa kanya sa isla. “Tutulungan kitang makaganti sa lalaking ‘yon.” “Hanna hi---” “Please. I think alam ko rin kung saan mo matatagpuan ang hinahanap mo but first kailangan mong baguhin ang mukha mo. Hindi mo magagawa ang plano mo kapag madaming MID na nakabuntot sa’yo.” “Tsk, Fine pero paano ko babaguhin ang itsura ko? “ “You need plastic surgery. I think sobra sobra pa ang hawak mong pera para roon.” mabilis na sagot sa kanya ni Hanna. “Sa tingin mo ba ay gagana ‘yon?” “Yup. New face, new identity.”   Pinaghandaan at pinagplanuhan nilang mabuti nang halos isang taon ang planong pagpasok sa Sevillano Academy para makalapit sa target. Itinuloy din ni Torrence ang pagpapa-plastic surgery dahil iyon lang ang paraang nakikita n’ya upang hindi makilala ng tusong demonyong iyon. “Good morning Ms. Romero,” nakangiting bati sa kanya ni Mr. Sevillano, ang taong matagal na n’yang gustong patayin. “Good morning din po.” nakangiting sagot ni Hanna sa kaharap na principal. Si Hanna na ang sumagot dahil kapag nagsalita s’ya ay baka iba ang lumabas sa bibig n’ya dahil sa matinding galit na nararamdaman sa taong kaharap n’ya ngayon. “Why? I mean, from state papunta rito ay bakit napili n’yong bumalik?” tanong ng lalaki sa kanila. “Hindi ako makasabay sa english nila. I’m good at everything except english.” mabilis na sagot ni Hanna kaya napahalakhak ang lalaki sa sagot n’ya. “How about you Jasmine?” baling nito sa kanya. “Madami akong naririnig na magagandang reviews dito sa school n’yo. I think I will be competent kapag dito ako nakapagtapos.”  “Thank you so much girls for choosing Sevillano Academy.” Dahil sa tulong ni Hanna sa pagplantsya ng mga pinaghalong nilang plano ay matagumay silang nakapasok ng Sevillano Academy.   *** “Cheers!” itinaas ni Hanna ang hawak n’yang wine glass saka ibinangga sa hawak ni Torrence na baso bago lagukin at namannamin ang alak na laman ng kani-kanilang baso. “H-Hanna,” tawag ni Torrence sa kaibigan ng makaramdam nang matinding pagkahilo. Alam n’ya ang pakiramdam nang malasing pero iba ang sensasyon na ibinigay ng alak na ininom n’ya. “W-What did you do?” galit na singhal n’ya saka pilit na inabot ang kwelyo ng kaharap pero mabilis n’yang naitukod ang mga siko sa ibabaw ng mesa nang tumindi pa lalo ang pagikot ng paningin n’ya. “I’m sorry, Torrence pero base sa mga kwento mo sa mga nangyari sayo isla ay sa tingin ko'y kailangan ko rin ng adrenaline rush. Masyado nang boring para sa akin ang mga nagdaang taong so please let me experience what you have seen in that island. Don’t worry hindi kita sasaktan, just stay put and wait for me.” pahayag nito sa kanya habang inaayos ang ilang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha n’ya. Unti-unting lumuwag ang pagkakakuyom ng mga kamao n’ya dahil sa gamot na nainom n’ya hanggang sa tuluyan na nga s’yang mawalan ng malay. Tumatak ngayon sa isip ng dalaga ang ginawang pagtatraydor ng itinuring n’yang kaibigan. Hindi n’ya ito mapapatawad.   Unti-unting nagising si Torrence mula sa pagkakahimbing. Natagpuan n’ya na lang ang sarili n’ya sa isang maliit na kwarto. Walang bintana at tanging pinto na gawa lang sa bakal ang maari n’yang labasan. “Hanna!” nagngingitngit sa galit na sigaw n’ya pero umalingawngaw lang sa apat na sulok ng kwarto ang kanyang boses. Hindi n’ya alam kung saan s’ya dinala nang traydor n’yang kaibigan. Sa ngayon ay hindi n’ya nararamdamang nasa panganib ang buhay n’ya, ang ipinagaalala n’ya ngayon ay ang kaligtasan ng mga estudyante sa school trip. “F*ck!” sigaw n’ya. Ilang oras na ba s’yang walang malay? O araw? Kung hindi s’ya nagkakamali ay maaaring nasa byahe na sila Claude papuntang isla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD