THIRD PERSON’S POV
“Anong pakulo ‘to?” natatawang tanong ni Jasmine sa kaibigan nang makita ang iba’t ibang putahe ng pagkain na nakahaing ngayon sa kanilang lamesa. Meron pang scented candle light na cirton blossom cassis ang naka-display na paborito amoy kaya naman hindi n’ya mapigilang mapangiti sa surpresa nito.
“It’s our friendship day Anniversary. Ouch! Nakalimutan mo na ba?” nakasimangot na tanong ni Jayce habang nakahawak sa kanyang dibdib at kunwari’y nasasaktan.
“Hahahaha! Syempre hindi pero hindi ba’t next week pa ‘yon, bakit advance naman itong surprise mo? Mukhang ikaw yata ‘tong nakalimot.” pagbibiro ng dalaga.
“Excited lang ako. Na-miss lang kita Torrence.” aniya nito.
“Lagi mo naman akong kasama ah?”
“Madalas kang si Jasmine at hindi si Torrence na unang kong nakilala.”
“Okay. Baka saan na naman mapunta ang usapang ‘to. Let’s eat. Hindi na ako makapaghintay na lantakan itong mga niluto mo.”
“Baka ang taas na nang expectation mo sa akin. Lilinawin ko lang hindi ako ang nagluto n’yan. Inorder ko lang yan sa isang catering service na nahanap ko sa f*******:. Alam mo namang maghapon tayongn magkasama sa school kaya wala na akong oras pakitaan ka ng mga recipes ko.” tumatawang pagamin ni Jayce.
“Still, na surprise pa rin ako. Thank you Hanna.” Lumapit sa kanya ang kaibigan saka s’ya nito binigyan nang mahigpit na yakap.
“Remember nung halos araw-arawin ng committee ang pagpapadala ng MIB para dakipin ka? Grabe para tayong nakikipaglaro sa kanila ng tagu-taguan.”
“Hahaha. Naalala ko rin nung wala ka ng armas para gulpihin sila kaya inalis mo ang bra mo at nilagyan yun ng bato. Ang talino mo part na ‘yon.”
Napuno nang tawanan at kulitan ang hapagkainan. Binalikan nang dalawa ang masasaya at malulupit na alaala na napagdaan nila. Iyon din ang panahon kung saan unti-unting tumibay ang tiwala at pagkakaibigan nila sa isa’t isa.
Matapos humiwalay sa mga kaibigan ay nagpasya si Torrence na magpakalayo layo muna. Buo na ang desisyon n’ya na ipaghigante si Skyler mula sa ama nito na naging dahilan kung bakit wala na ang lalaking mahal n’ya. Sigurado s’yang nagdidiwang na si Mr. Sevillano ngayon dahil sa matagumpay n’yang pagdispatsya kay Skyler. Alam n’yang ang pag-alis n’ya ang magiging dahilan para hunt-tingin s’ya ng committee kaya naman pumunta s’ya sa lugar malayo kina Stanley at Red. Paglabas nila ng isla ay binigyan sila ng lugar na pupwede lang nilang paglagian. Kahit nakaalis na sila sa impyernong ‘yon ay naka-track pa rin ang mga kilos nila kaya naman wala rin pinagbago. Mapalabas o loob man sila ng isla ay para pa rin silang nakakulong sa mga kamay ng mga demonyong ‘yon.
Pagbaba ng bus ay bumungad sa dalaga ang maingay at maalinsangang lugar. Sa ngayon ay hindi n’ya alam kung saan lupalop s’ya ng bansa napadpad basta sigurado s’yang malayong-malayo ito sa pinagmulan n’ya. Inayos n’ya ang nakapatong na hood ng jacket sa ulo bago baybayin ang maingay na kalsada. Pinapakiramdaman ng dalaga ang kanyang kapaligiran habang naglalakad. Hindi n’ya kasi gusto ang mga ipinupukol na tingin ng mga taong nakaupo at nakatambay sa gilid nang maruming kalsadang binabaybay n’ya.
“Miss isang gabi lang, magkano ka?” tanong sa kanya ng isang lalaki na napapadila sa labi habang pinagmamasdan s’ya mula ulo hanggang paa kaya naman mas binilisan n’ya ang paglalakad para makalayo rito. Gusto n’yang masuka sa narinig. Kung pwede n’ya lang itong gilitan sa leeg ay ginawa na n’ya pero ayaw n’yang sayangin ang oras n’ya sa walang kwentang tambay.
Isang maliit na kainan ang nadaanan n’ya kaya naman nagpasya s’yang kumain muna dahil sa ilang araw nang walang laman ang tiyan n’ya simula nung bumyahe s’ya ilang araw na ang nakakalipas.
“Pweding makiupo?” tanong n’ya sa babaing tahimik na kumakain. Wala na s’yang mahanap na ibang pagpwestuhan kaya tinanong n’ya na lang ito.
Hindi sumagot ang babae at binigyan lang s’ya nang blankong tingin bago muling ibaba ang tingin sa pagkain at iusog papalapit sa dibdib ang plato. Senyales yun para kay Torrence na pumapayag ito kaya naman tahimik s’yang naupo at kumain pero hindi pa n’ya naisusubo ang isang kutsarang pagkain nang bigla na lamang bumaliktad ang mesang kaharap n’ya. Nakita n’ya ang pagtilapon sa lupa ng pagkain n’ya.
“Ang lakas ng loob mong kumain! Hindi ba’t sinabi ko sayo na hindi ka kakain hangga’t hindi mo nababayaran ang inutang mo sa akin sampung libo!” asik ng malaking lalaki habang nakatitig sa babaing kaharap n’ya. Isang kamao ang dumaan sa harap ni Torrence at malakas na tumama sa babae dahilan para tumilapon ito sa lupa.
Nakita n’ya kung paano mamilipit sa sakit ang kawawang dalaga habang nakahandusay sa lupa. Naalala n’ya ang mga panahon na wala s’yang kalaban-laban pero dahil sa mga natanggap n’ya noong bugbog mula sa pamilya at bully ay doon s’ya natutong lumaban. Isang foldable knife ang inilabas ng babae mula sa bulsa ng jacket nito. Nanghihina ang mga binti nitong tumayo saka tinutukan ng kutsilyo ang malaking mama.
“Sa tingin mo ba ay matatakot mo ako ng hawak mong ‘yan?” asik ng lalaki bago hablutin ang buhok ng babae at walang hirap itong ibinalibag sa katabing lamesa. Parang mga manok na nagsipulasan ang mga katabing customer ng kainan.
Akmang susugurin na sanang muli ng lalaki ang kawawang dalaga ng harangin ito ni Torrence. “80 pesos.” inilahad ni Torrence ang kamay sa harap ng lalaki na ikinakunot naman ng noo nito. “You just wasted my meal. Alam mo ba kung gaano kaimportante ang 80 pesos sa isang tulad kong walang nang natitirang pera sa bulsa?” walang emosyong pahayag n’ya.
“Kung ayaw mong madamay ay simulan mo nang maglakad palayo rito.” may pagbabantang saad ng lalaki.
“Aahhhhh!” sigaw ng babae na nasa likuran n’ya kaya naman agad s’yang napalingon dito at nakita ang abanteng pagatake nito habang hawak pa rin ang foldable knife. Mabilis na umiwas si Torrence na dahilan para tumama ang kutsilyo sa tiyan ng lalaki.
“Die d*ckhead!” nangigigil na saad ng babae habang mas dinidiinan ang pagbaon ng kutsilyo sa laman ng lalaki. Hindi pa s’ya nakontento at iniikot pa ang patalim.
Muling tumalsik ang katawan ng babae dahil sa pagsipa ng lalaki sa tiyan n’ya. Mayamaya pa ay narinig na nila ang pagalingawngaw ng sirena ng papalapit na kotse ng pulis.
***
“Sino ka?” tanong ng babae saka s’ya mabilis na napaupo sa sementong kinahihigaan. Matapos kasi s’yang sipain nang malaking lalaking nakaalitan n’ya ay doon na s’ya nawalan ng malay. Nang ilibot n’ya ang tingin ay nakita n’yang nasa isang madilim na iskinita sila ngayon. Tahimik na nakatingala si Torrence sa kalangitan habang nakasandal sa sementong puno ng vandalism.
“May bahay ka bang tinutuluyan?” tanong n’ya nang dumapo ang tingin sa babae. “Wala akong mapagdalhan sayo kaya naman nandito ka ngayon. Nga pala, sinubukan kong ayusin ang braso mo pero sa tingin ko ay kailangan mong pumunta ng hospital.“ dagdag n’ya pa.
Hindi mapigilang mapamura ng babae nang maramdaman ang matinding sakit sa brasong tinutukoy ng kaharap n’ya ngayon. Mukhang may bali nga s’ya. “Sana ay dinala mo na lang ako sa pinakamalapit na hospital, diba?” sarkastikong pahayag n’ya.
“Hindi ako pamilyar sa lugar na ‘to at isa pa siguradong sa pinakamalapit na hospital ding dadalhin ang lalaking sinaksak mo. Edi destiny na kayo n’yan. Attempted murder ang ginawa mo kaya siguradong sa bakal na rehas ang bagsak mo kapag nahuli ka ng mga pulis.” paliwanag ni Torrence.
“Tsk.” usal ng babae bago tumayo mula sa malamig na sementong kinauupuan n’ya. “Anong pangalan mo?”
“Torrence.” usal n'ya.
“S-Salamat.” halatang labas sa ilong ang pagpapasalamat nito. Nagsimula na s’yang maglakad papalayo pero agad din s’yang napapreno ng marinig ang isnabi ng babaing tumulong sa kanya.
“Bayaran mo muna ang 80 pesos ko.”
“Anong 80 pesos?” napalingong tanong n’ya.
“Nadamay ang pagkain ko kanina dahil sa lalaking kaaway mo. Alam mo bang ‘yun na lang ang natitirang pera sa bulsa ko na ipangkakain ko sana.”
Isang malakas na halakhak ang kumawala sa bibig ng dalaga. Maluha-luha ang mata nito ng titigan si Torrence.
“F*ck! Your’re funny. Hahaha! Here, keep the change.” saka n’ya iniabot ang 500 pesos na nasa bulsa.
“Nice. Mukhang hindi nasayang ang pawis ko sa pagbubuhat sayo. Thanks.” saad ni Torrence. Nagsimulang maglakad sa magkaibang direksyon ang dalawang babae. Inilagay ni Torrence sa bulsa ng suot na hoody ang 500 bill na hawak n’ya pero mula sa loob ng bulsa ay nakapa n’ya ang envelop na naglalaman ng libo-libong papel
***
Mabilis na napabalikwas si Torrence sa single sofa na tinutulugan nang bigla na lang lumagabog ang pinto ng motel na tinutuluyan n’ya.
“Sh*t!” mura n’ya saka dali daling kinuha ang backpack na nakapatong sa kama. Muling lumagabog ang pinto na pilit na binubuksan nang kung sino man ang nasa labas ngayon ng kwarto n’ya. Agad na tinungo ng dalaga ang sliding window saka ibinato ang kanyang backpack sa gilid ng bintana kung saan makikita ang fire escape ladder. Bago pa man tuluyang bumagsak ang pinto ng kwarto ay agad na s’yang tumalon papuntang hagdan. Bubuga na sana s’ya ng hangin dahil sa naramdamang ginhawa nang magawa n’yang makakapit sa railing ng hagdan nang bigla na lang iyon bumigay. Mabilis na hinablot ni Torrence ang bag bago pa man s’ya dalhin ng papabagsak na railing pababa. Muli itong bumwelo ng makita ang magliligtas sa buhay n’ya.
Humahangos na napahawak sa magkabilang tuhod ang dalaga matapos ang naging stunt sa pagtakas sa motel at ilang metrong pagtakbo mula sa mga MIB na pinadala ng committee. Hindi n’ya akalaing mahahanap s’ya kaagad nito kahit pa tinanggal na n’ya ang tracker na naka implant sa katawan n’ya.
“Torrence?” napaangat ng tingin ang dalaga dahil sa tumawag sa kanya. “Nag-cross ulit ang landas natin.” nakangising saad ng babaing nakilala n’ya noong nakaraang araw.
***
"You looked like sh*t!" puna ni Hanna sa kaharap na babae saka ipinatong ang basong tubig sa maliit na mesang gawa sa lumang kahoy.
"Hindi ba tayo matatabunan ng buhay dito?" tanong ni Torrence habang nililibot ng tingin ang kwartong kinaroroonan nila. Gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy ang kwarto at mukhang nagbabadya nang sumuko ang mga ito sa pagkakakapit sa isa't isa. Maririnig din mula sa itaas ang yabag ng mga tao pati na rin ang pagsilaw ng ilaw mula sa siwang ng kisameng kahoy.
"Don't worry. Ilang bagyo na ang napagdaanan ng bahay na 'to kaya subok na 'to ng panahon." paninigurado nito sa kanya. "By the way, I'm Hanna."
"Torrence." wala sa sariling saad ng dalaga.
"I know." natatawang sambit ni Hanna.
"Ahh. Akala ko kasi ay nakalimutan mo na." palusot n'ya bago ibaling ang tingin sa ibang direksyon ng kwarto. "Ikaw lang ba magisang nakatira rito?" puna nito nang mapansin ang kakaunting gamit sa loob.
"Oo."
"Nasaan ang mga magulang mo?"
"They died 3 years ago. Namatay si mama dahil sa malubhang sakit samantalang nagpakamatay naman ang papa dahil sa depression ng mawala si mama." walang pagaalinlangang sagot ni Hanna na ikinagulat ni Torrence.
"Hindi ko akalaing magkukwento ka kaagad sa akin." usal ng dalaga.
"Tinanong mo ko diba?" pangbabara ng dalaga.
Isang malakas na kalabog mula sa pinto ang nagpaalerto sa dalawa. Mabilis na napatayo si Torrence at kinuha ang kanyang bag bago titigan ang kabado ring si Hanna. Bago pa man makapagsalita ang dalawa ay isang malakas na sigaw na ang narinig nila mula sa labas.
"Buksan mo 'to Hanna! Magpakita ka sa aking h*yop ka!"
"Si Corazon lang pala." usal ni Hanna saka naglakad papalapit sa pinto upang pagbuksan ang bwisita n'ya.
Nakahinga naman ng maluwag si Torrence dahil hindi ito ang inaasahan n'yang kampon ng Committee.
"Nasaan ang kuya ko? Ilabas mo s'ya!" sigaw muli ng babaing nagngangalang Corazon.
"Wala s'ya rito, okay? Tsaka bakit mo ba sa akin hinahanap ang drug addict mong kapatid? Tingnan mo nga yang mata mo, para kang isdang may red tide. Umuwi ka na nga!" pagtataboy ni Hanna sa babae.
"Hindi mo ako maloloko I saw him entering your house last week."
Unti-unting nagdilim ang mukha ni Hanna dahil sa narinig mula sa babae. Kinuwelyuhan n'ya ito saka nagtatangis ang bagang na nagsalita. "Kung ganun ay kasabwat ka pala ng demonyong yun." bulong ng dalaga bago n'ya ito marahas na itulak.
"Magbabayad ka kapag hindi ko nahanap ng buhay ang kapatid ko! " banta ni Corazon habang nakaduro ito sa kaharap na babae.
"Hahahaha. Wishing you luck." nakangising pahayag ni Hanna bago ibagsak pasara ang pinto.
Napansin ni Torrence ang matagal na pagtayo ng kasama habang nakakuyom ang mga kamao at nakapako ang tingin sa pintong kaharap. Hinayaan n'ya na muna ito. Ayaw n'yang magtanong dahil mukhang hindi ngayon ang tamang oras para manghimasok s'ya sa buhay ng taong kakakilala n'ya lang.
"Haist!" buntonghininga ni Hanna saka lumapit sa maliit na kitchen sink. Kinuha n'ya ang lumang lalagyan na may lamang tubig at nilagok iyon. "Gusto mo bang uminom?" tanong nito kay Torrence.
"Cool." sagot ng dalaga.