MIRA: TAHIMIK akong pinapakiramdaman ito. Iniwan din muna kami ni Shiela para makapag-usap ng masinsinan. Nakamata lang ako sa papalubog na araw habang nakaupo dito sa pampang. "Who is she?" hindi ko nakatiis na tanong. Nilingon ko ito na pinakatitigan siya sa kanyang mga mata. Bakas ang kakaibang takot sa mga mata nito na hindi ko batid kung para saan o para kanino. "Uhm, d-dating kaibigan," sagot nito na ikinanguso ko.. "Dating kaibigan? O ka-ibigan?" paglilinaw kong ikinailing nito. "We're good friends. . . before." Sagot nito na kita naman sa mga mata nitong nagsasabi ito ng totoo. "What happened?" Napahinga ito ng malalim na lumamlam ang mga matang bumaling sa dagat. Malayo ang tanaw na kitang malalim ang iniisip. "Bestfriend kami since first year college. Hanggang magta

