MIRA: "MIRA!" Napahagikhik ako na napayakap kay Mikael na singhalan ako ni Shiela sa naisatinig ko. Sobrang init ng mukha ko na hiyang-hiya kay Mikael. Akala ko kasi iyon ang ibig niya eh. Iba pala. "My God, Miracle Madrigal. Ako ang kinikilabutan sa'yo," mahinang asik nito na nakurot pa ako. Tatawa-tawa ako para ikubli ang hiya ko kay Mikael. Kitang maging ito ay hindi pa rin makapaniwala sa narinig mula sa akin. Pumasok kami ng silid na naigala ang paningin. Maluwag ang espasyo at nagsusumigaw sa karangyaan ang buong silid. Lalong nagpaganda dito ang malaking chandelier sa gitna na siyang nagbibigay liwanag dito sa silid. May sarili din kaming sala at kusina. Habang ang kama naman ay nakapwesto malapit sa glass wall kung saan tanaw ang asul na asul na dagat at ang mga lagoon.

