MIRA: HALOS mapatalon ako sa sobrang tuwa na maabutan si Mikael na bagong dating ng parking lot dito sa condominium namin! "Mayor ko!" tili ko na patakbong sinalubong itong natatawang mahigpit akong niyakap! Para akong sinapian ng energy na nandidito na ito. Akala ko ay bukas pa siya darating. Pero heto at nandito na siya. "How's your day, misis ko?" tanong nito na napasapo sa pisngi ko. Tumingkayad ako na inabot ang mga labi nitong napapisil sa baywang ko na tinugon ang halik ko. "Ang PDA," ingos ni Shiela na ikinahagikhik kong napabitaw kay Mikael. Muli ako nitong niyakap na pinaghahalikan sa ulo. Napapikit ako na ninanamnam ang init ng katawan nito at ang manly scents nitong hinahanap-hanap ko. "Nakakabagot. Mabuti na lang dumating ka na. Lumakas na ulit ako," kindat ko di

