CHAPTER 3

1346 Words
Yolly's POV: Habang wala pa kaming trabaho ni inay ay napagdesisyunan naming magtinda muna ng turon. Dito lang naman sa amin ta's iikot lang kami ng kaunti. Panigurado naman na maraming bibili dahil sa karisma namin ni inay. "Turon kayo r'yan, mga suki! Bili na kayo ng turon ni Ester! Siguradong mataba, malaki at malinamnam, kaya bumili na kayo!" Alok ko sa mga taong nadadaanan namin ni inay. "Pabili nga, miss." Lumapit kami ni inay sa mga lalaking bibili. Para silang mga gangster, katulad nung napanood ko dati. Iyong nasa movie ng KathNiel na gangster si Daniel. "Ilan bibilhin niyo?" Tanong ni inay sa kanila at naglabas ng plastik. Ang lagkit naman ng tingin nila sa amin. "Lima miss, kung gusto mo sumama na kayo mag-ina." Sabi nung lalaki at tiningnan kami ni inay mula ulo hanggang paa. "Gago ka ba, mukha ba kaming saging?!" Sigaw ko naman at dinuro siya. "Aba, matapang ka miss ah. Baka gusto mong matikman ang turon ko." Tumayo 'yong lalaki mula sa inuupuan niya at ngumisi sa akin. Tangina, bungal! "No thanks, mas mataba, mahaba at malinamnam naman panigurado ang tinda kong turon kaysa sa turon mo." Mataray kong sabi at naghair flip. Nanlaki naman ang mata niya at tumawa. "Yule, umalis na tayo rito." Bulong ni inay at hinawakan ang kamay ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang dala kong basket na may turon, akmang tatakbo na sana kami ni inay nang palibutan kami ng mga kasamahan niya. "At saan kayo pupunta? Mga bago lang kayo rito pero matatapang na kayo ah. Kami ang Rich Gang at ako si King, ang pinuno ng gang namin. Ang dapat sa mga katulad niyo pinaparusahan!" Akmang sasampalin ni King si inay nang pumagitna ako. Napapikit ako ng ilang segundo pero hindi pa rin tumatama ang kamay niya kaya nagmulat na ako. Isang kamay ang nakita kong nakahawak sa braso ni King. May isang grupo rin na bagong dating. Mukhang mga ganster din sila. "Hoy tutoy, ang mga babae dapat ginagalang, hindi sinasaktan at binabastos." Binawi ni King ang braso niya mula sa pagkakahawak nung lalaking bagong dating. "Ako si Batas, miss. Pinuno ako ng Army Gang at dito sa Tondo kami ang batas." Mayabang na sabi niya at ngumiti. May itsura siya kaso hindi tulad niya ang type ko. "Aba, i-eksena ka na naman Batas, umalis ka rito, teritoryo namin 'to!" Sigaw nung King at itinulak si Batas. "Halika na inay, umalis na tayo rito!" Hinila ko ang kamay ni inay at lumayo na kami sa dalawang nagkakagulong gang. Paglingon ko sa likod ay nagrarambulan na sila. Takbo lang kami nang takbo ni inay pabalik sa amin. Tatawid na sana kami nang kalsada ng muntik na kaming mabangga ng isang sports car kaya natapon ang dala-dala kong basket na may turon. "Hoy, tarantado ka ah! Bayaran mo 'yang mga turon na natapon! Lumabas ka r'yan at harapin mo ako!" Kinalampag ko ang unahan ng kotse at sinigawan ang nasa loob. Bumaba mula sa kotse ang isang jusmiyo marimar, napakagandang nilalang! Isang lalaking naka-amerikana ang lumabas mula sa kotse. Nakakunot ang kaniyang noo pero napakagwapong nilalang pa rin niya. Matangkad siya, moreno, matangos ang ilong, saksakan ng kagwapuhan at malaki ang katawan. Paniguradong malaki, mataba at malinamnam din ang turon niya, jusko po! "What the hell is your problem!?" Bulyaw sa akin nung lalaki at hinarap ako. Napanganga lang ako at tinitigan siya. "I said what the hell is your problem, miss!?" Nagising ako sa pagpapantasya sa kaniya nang sigawan niya ulit ako. Ang lalim ng boses, jusko day! "You bump me here at the road today, me and my mother-in-law crossing in the road, dude!" Sigaw ko rin sa kaniya pabalik. Aba, kahit gwapo siya ayoko sa ugali niya. Masyado siyang road! "What the f**k did you say?" Tanong niya sa akin at nagkamot ng ulo. "I said you bump me and my mother-in-law! Our selling turon fly in the ground lifeless, look!" Paliwanag ko sa kaniya at itinuro ang mga turon na nasa sahig. "Here, I'm in a hurry, get out of my way." Kalmadong sabi niya at inabutan ako ng isang libo. Tinalikuran na niya ako at pumasok siya sa kotse niya. Pinaandar niya 'yon at binusinahan ako nang malakas dahil nasa daraanan niya ako. "Go home and don't back never, kahit tomorrow is another day!" Sigaw ko sa papalayo niyang kotse at lumapit kay inay. "Yule, ayos ka lang ba? Bakit ganiyan ka maglakad?" Tanong ni inay pagkalapit ko sa kaniya at inabot ang isang libong binigay nung lalaking pogi. "Inay, mahuhulog na iyong panty ko kanina eh." Sagot ko kay inay at inayos ang suot kong duster. "Eh, anak, hindi ka naman nagpapanty, ah?" Panira naman si inay eh! "Oo nga inay, kunyari lang." Bulong ko kay inay at sabay na kaming naglakad pabalik sa apartment. Zodiac's POV: I'm on my way where the three idiots are. I need to check our site here in Tondo. At dahil napakaswerte ko ngayon, muntikan pa akong makabangga. "Hoy, tarantado ka ah, bayaran mo 'yang mga turon na natapon lumabas ka r'yan at harapin mo ako!" She said and f*****g slammed her hands on my car, damn it! I quickly get out of my car para harapin ang babeng retard na 'to. "What the hell is your problem!?" I shouted. Nakanganga naman siyang tiningnan ang kabuuan ko. Girls and their fantasies. "I said what the hell is your problem, miss!?" I shouted again at nakuha ko na ang atensyon niya. "You bump me here at the road today, me and my mother-in-law crossing in the road dude!" Huh? Does she even know how to speak in english? "What the f**k did you say?" I asked her again and glanced at my wrist watch. Late na ako, patay ako sa tatlo. "I said you bump me and my mother-in-law! Our selling turon fly in the ground lifeless, look!" Muntik na akong mapahalakhak sa english niya. This woman made my day. "Here, I'm in a hurry, get out of my way." I calmly said and handed her one thousand pesos. I immediately get inside my car. Binusinahan ko pa siya dahil nakaharang siya sa daan habang pinapanood kami ng mother-in-law niya raw. Nang makarating ako sa site naghihintay na sa labas si Leo, Morg at July, the three idiots. "Men, late ka na naman!" Reklamo ni Leo after kong makalabas ng kotse. "I nearly bumped a retarded lady on the street kanina. Mabuti na lang at hindi ko nahagip." I told them what happened earlier. Nginisian naman ako ng tatlo. "Chix ba men?" Tanong ni July, this manwhore. "She's cute pero hindi ako nagagandahan. They are selling banana na binalutan ng shawarma ta's prito? You know that?" I asked them pero tinawanan lang ako. "Ang bobo mo naman Martini boy, cheese stick 'yon!" Sabi ni Leo kaya mas lalong natawa si Morg at July. What's funny? "Isa ka pang tanga, turon ang tawag doon! Nakakain na ako no'n once. It's good actually, lalo na kapag may langka. Pagkaing pangmahirap 'yon kaya hindi niyo alam, masyado kasi kayong mayayaman!" Morg said kaya napailing na lang ako. "So, what's the plan?" I asked them. "This land is too small. Ano naman ang maitatayo natin dito?" Tanong ni July. Yeah, if tatayuan namin 'to ng building or establishment kukulangin sa paradahan. "What if bar na lang kaya? You know, but sa atin lang." Morg said and that's actually good. "May sense ka rin naman pala minsan, pre." Asar ni Leo kaya binatukan siya ni Morg. "Next destination?" I asked them and glanced at my wrist watch. It's already 5:30pm. "Uwi na tayo." July said and he f*****g did the duck face s**t. "Tangina mo, July, hindi bagay sa 'yo." Asar ni Leo kay July kaya nagbatukan ang dalawa. "So, let's call it a day?" I asked them and they answered immediately. "It's a day!" The three idiots said at bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming kotse. Uuwi na ako at magpapahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD