CHAPTER 4

1800 Words
Zodiac's POV: "Kuya, may isusumbong ako sa 'yo." Stella said. Constellation entered my office with Galaxy. Bakit napadaan ang mga 'to? Maybe galing sila sa school. "What is it?" Seryosong tanong ko sa dalawa. Tumayo ako from my swivel chair and walk towards the sofa where my two sisters sit. Matalim pa ang tinginan ng dalawa. Parang binabantaan ni Galaxy si Stella, anong mayro'n? "It's not my fault okay!" Galaxy said. What's wrong with this kid? Baka may ginawa na naman sa school kaya sinundo ng Ate Stella niya. Laging laman ng guidance si Galaxy but she's smart. "Speak." I said calmly. "Pinatawag ako sa university nila Galaxy dahil nanuntok na naman daw siya. Guess what? Someone kissed her that's why she punched him. Akala ko magbibinata si Galaxy!" Constellation said and she even clapped her hands. "Who's that f*****g guy who dared to kiss my little sister?" I asked. I shifted my gaze to Galaxy. Napailing na lang ako. Maganda si Galaxy katulad ni Stella. Mana sa kuya, that's why. "H-He is t-the uhm just don't mind him kuya. And I'm already 16, don't call me little." Nervous huh? I'll shoot that bastard. "Tsk, kumain na ba kayong dalawa? Tanghalian na ah-" "Zodiac baby- oh hi there, my sister-in-laws are here!" Niveya shouted. Niveya is here again. How can I get rid of this woman? Nakakainis na ang lagi niyang pagpunta rito. Sinabihan ko na ang mga guard sa baba na huwag siyang papasukin, tinakot na naman niya yata, tsk. "Err, I still don't like you for my kuya. Ayoko sa mga desperada at may attitude na kagaya mo." Mataray na sabi ni Constellation kay Niveya. "Your kuya likes me, 'di ba Zo-" "Mr. Heat bossing, may natanggap akong balita nako po!" My secretary shouted as she enters the rooms. Crystal Mabini, my secretary ran towards me and handed me a brown envelope. "What is this?" I asked her. "Bi-binigay po nung doktor sa labas. Avi Ramos po ang panga-" "Oh babe, akin na 'yan wala namang kwenta 'yan. Give it to me." Putol ni Niveya sa sinasabi ng secretary ko. This brown envelope caught her interest, huh. "Papasukin mo iyong doktor." Utos ko kay Crystal. Kaagad naman siyang lumabas. Kita ko naman ang pagiging kabado ni Niveya. Tsk, what's wrong with her? "N-Niveya, nandito ka!?" Shock was written all over Dra. Avi's face nang makita niya si Niveya. Something is wrong. "Aalis na ako, may pupuntahan pa pala ako ngayon-" "At saan ka pupunta, Niveya?" July asked. July even came here with Morg and Leo. What the f**k is happening? "Care to share what the f**k is happening?" I asked. "Jusko Mr. Heat pakiusap buhayin mo ako pagkatapos nito. Inutusan ako ng boss kong dalhin sa 'yo ito dahil nalaman niya 'yong nangyari-" "Shut the f**k up! Lumabas ka na rito you b***h! Ang kapal ng mukha mong pumunta pa rito ha!" Niveya shouted. Niveya tried to slap Dra. Avi mabuti na lang at napigilan nung tatlo. Ang dalawang kapatid ko naman ay humarang kay Dra. Avi. "Niveya, you shut the f**k up. Please continue." I warned Niveya. Alam kong may sasabihin silang ikagugulat ko. Ano na naman kayang katarantaduhan ang nangyari? Damn. "Kasi aksidente ko pong na-inseminate ang sperm niyo sa isa kong pasyente!" Dra. Avi shouted. That doctor, she's f*****g crazy! Naibuga ko ang iniinom kong kape dahil sa sinabi niya, tangina. "Ano ba ang sinasabi mo? Wala naman akong- don't tell me that f*****g sperm na pinilit kaming magdonate na apat nila Leo ang naiturok mo! I told you July na h'wag ipaalam kung kaninong sperm 'yon, f**k! At paano napunta 'yon sa kaniya!?" Sigaw ko. Nawalan na ako ng pasensya at inilabas ang laman ng brown envelope. "Anong mayro'n dito? Care to share paano napunta sa St. Eve Hospital 'yon eh sa charity dapat napunta 'yon ha!?" Galit na sigaw ko sa kanilang lahat. Pinunit ko ang papel sa harap nila. I'm f*****g mad right now, ano na naman bang katangahan 'to! "Zodiac dude, kumalma ka. Safe na na-idonate iyong sa aming tatlo. Napahiwalay 'yong iyo dahil may nagnakaw." July said and he handed another brown envelope. Nagdonate kaming apat nila July ng sperm para sa isang charity. Layunin ng charity na iyon na magbenta ng sperm sa mga milyonarya at bilyonaryang negosyante na ayaw mag-asawa. Malaking bayad ang kapalit at mapupunta lahat iyon sa mga mahihirap na pamilya. Dapat ay classified ang pangalan ng mga nagmamay-ari pero anong nangyari ngayon? f**k, nakabuntis pa ako! "Hinack ko ang system ng ospital and look, 'yan ang nakita ko. Mga ebidensyang si Niveya ang nagnakaw nung container. Alam mo naman siguro kung bakit, 'di ba?" Paliwanag ni Morg. Binuksan ko na ang envelope. Lahat ng picture na nasa envelope, ang nakalagay ay si Niveya at ang nanay niyang gahaman sa pera. Tanginang 'yan! I immediately pulled my gun at tinutukan si Niveya. Gulat na gulat sila sa ginawa ko. Are they expecting me to chill like, what the f**k? "Magsalita ka bago ko pa pasabugin 'yang bungo." Tiim bagang kong sabi kay Niveya. Napalunok naman siya at tinaas ang dalawang kamay. "Okay, I'll explain everything but please, Zodiac put the gun down." Pakiusap ni Niveya. Ibinaba ko na ang baril ko at napahilamos sa mukha, damn. "N-Ninakaw ko 'yon kasi gusto kong magka-anak na tayo. I thought nung may nangyari sa 'tin mabubuntis ako pero hindi. Alam kong 'yon lang ang alam kong paraan para subukan mo akong mahalin. I know I'm too desperate-" "Buti alam mo." Galaxy hissed. Tinitigan ko naman si Galaxy kaya napatungo siya. Kids should not interfere when adults talk. "Damn it, malaking problema 'to. Kanino mo na-inseminate?" Tanong ko kay Dra. Avi. Nasa kaniya na ngayon ang lahat ng atensyon. Tangina, ano ba namang buhay 'to? "Kay Ms. Yolly Jock-" "Aray ko, huli ka! Ay sorry may tao pala dito!" Biglang may babaeng natumba sa pintuan ng opisina ko kaya napasalampak siya sa sahig ngayon. May hawak-hawak siyang rabbit at- what the f**k, is she that turon lady I met yesterday? "Uy, hi Dra. Avi!" Bati niya kay Dra. Avi at bakas sa mukha ng doktor ang pagkagulat. "Ms. Yolly Jock Dimatatak?" Tanong ni doktora. Wait, what the f**k!? Huwag niyong sabihing- "Ako nga, bakit?" Masayang sabi niya at tumayo habang bitbit pa rin 'yung rabbit. "Tangina, sa dinami-dami ng babaeng matuturukan mo bakit 'yan pa!?" Galit na sigaw ko kay Dra. Avi. Damn it, baka paglaki ng anak ko may diperensya rin! Yolly's POV: Katanghalian, naglalakad ako rito sa Maynila para maghanap ng trabaho. Tatlong kumpanya na ang umayaw sa 'kin. Ang dahilan nilang lahat, hindi raw ako marunong mag-english. Aba, hindi ba nila alam na sila ang wrong grammatically! Tinatama ko na nga sila, sila pa ang galit sa 'kin! Iyong huli kong pinuntahang kompanya pinahila ako sa guard palabas. They are harassing the beautifullest me ha. They don't know the beautifullest me wanting to help them? "Heat Enterprise, no parking." Basa ko sa karatulang nadaanan ko. Tumingala ako at napa-wow na lang! Ang taas nitong building, dati sa picture lang ako nakakakita ng ganito! Papasok na sana ako ng may dumaang rabbit sa harapan ko. Kinuha ko siya at hinimas-himas. Ang lambot ng buhok niya at napaka-puti. Matanda na siguro ang rabbit na 'to. "Ay pukeng malaki!" Tumalon mula sa pagkakahawak ko ang rabbit at pumasok sa loob ng building. Hala! Baka katayin ka nila! "Miss, bawal pumasok." Hinarangan ako ng guard sa labas pero tiningnan ko lang siya ng masama. "Kuya tabi nga, 'yong rabbit ko oh ang layo na! Hintayin mo ko bulbolita!" Sigaw ko kay Kuyang Guard. Itinulak ko si kuya at hinabol 'yong rabbit ko. My rabbit is endangered! Lumiko si Bulbolita, ang talanding rabbit sa isang pasilyo. Bulbolita ang ipapangalan ko sa kaniya dahil parang bulbol ang balahibo niya. Ang cute, 'di ba? Maaabutan ko na sana si Bulbolita nang madapa ako at sumakay siya sa elevator. Sakto naman na nagsara 'yon. Ano ba naman 'yan! "Bulbolita naman eh!" Dahil hindi ako marunong sumakay ng elevator ay naghagdan na lang ako. Inakyat ko ang hagdan hanggang sa pinakatuktok. Jusko, ilang palapag ba ang building na 'to! Hindi ko na kayang umakyat pa at wala na rin akong aakyatan. Lumabas ako at nakita kong nasa pinakatuktok na ako. "Bulbolita, h'wag mo na akong pahirapan!" Napasigaw na lang ako sa pagka-iyamot at bumaba ulit. Pumasok na ako sa sumunod na pinto at swerteng nakita ko na si bulbolita. Nagtatalon ang pakarat kong rabbit hanggang sa dulo at lumiko pa. Hinabol ko si bulbolita at pumasok siya sa isang bukas na pinto. "Aray ko, huli ka! Ay sorry may tao pala rito!" Natalapid pa ako kaya napasalampak ako sa sahig at sakto naman na nahuli ko na si Bulbolita. "Uy, hi Dra. Avi!" Bati ko kay Dra. Avi. Nandito sa loob si Dra. Avi. Marami palang tao ang nag-uusap dito, nakakahiya naman hala! Hindi naman ako nafollow back ni Dra. Avi at parang gulat na gulat pang makita ako. Siguro hanga lang siya kasi beautifullest ako. Ang sexy ko kaya ngayon, duh. "Ms. Yolly Jock Dimatatak?" Tanong sa 'kin ni Dra. Avi. Ang bilis naman niya makalimot, pinapabalik niya pa nga ako sa ospital eh. "Ako nga, bakit?" Masayang sagot at tanong ko rin sa kaniya. Tumayo na ako habang bitbit si Bulbolita. "Tangina, sa dinami-dami ng babaeng matuturukan mo bakit 'yan pa!?" Biglang may sumigaw na pamilyar na boses kaya napatingin ako sa pinanggalingan no'n. Jusko, nandito rin pala 'yong poging muntik makabangga sa 'kin kahapon! "Hoy ikaw pala 'yan! Ito nga pala 'yong sukli ro'n sa isang libong binigay mo. Tinuos ko sobra eh." Sabi ko kay pogi. Ipinahawak ko muna kay Dra. Avi si Bulbolita para makapagbilang ako. Kinuha ko mula sa bra ko ang aking wallet. Itinaktak ko sa lamesa ang laman no'n at nagtira ng bente pamasahe. "Anong ginagawa mo?" Tanong niya. Nakakunot ang noo niya at nakatitig siya sa 'kin. Malalaglag yata ang panty ko, nagpanty pa man din ako ngayon. "Binabalik ko nga iyong sukli mo hilo ka ba! You're getting into my nervous system ha!" Singhal ko sa kaniya at kinuha si Bulbolita kay Dra. Avi. "Dude, magkakilala kayo?" Tanong nung isa pang pogi na kasama namin dito sa loob. Jusko, ang gaganda nilang nilalang! "She's the f*****g turon lady I told you yesterday." Sagot ni pogi sa mga kaibigan niya ring pogi. Pati yata ang bra ko mahuhulog na! "Thank you." Sabi ko dahil pinakilala niya ako sa mga kaibigan niya. "Puta, magbabaril na lang ako!" Sigaw nung poging muntik makabangga sa 'kin kahapon at napatampal sa noo. Ano ba ang problema ng isang 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD